Chapter 70: Ysa &Rae Date #RaeSa

3.2K 148 18
                                    

Rae

Hinabol namin si Myka pero masyado siyang mabilis. Huminto si Ysa at tumingin sa akin.

"Kailangan natin siyang habulin dahil kailangan niya ng karamay"

"Kailangan niyang mapag isa Ysa para makapag isip siya" Sabi ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya. Nanatili siyang nakatayo at naguguluhan sa sinabi ko sa kanya. Muka naman talaga kailangan ni Myka na mapag isa para makapag isip siya. Malay mo sulsolan siya ni Ysa kay na itigil na ang pagmamahalan nila ni Fafa andrei sa isang simpleng hindi pagkakaunawaan. Maybe hindi simple yon dahil niloko ni Andrei si Myka at nagpanggap pa siyang Mr. Poser kunno.

"Imbes na mag isip ka diyan eh pumunta na lang tayo sa park at bumili ng pagkain dahil gutom na gutom na ako." Sabi ko sa kanya. Nagulat siya sa sinabi ko at parang namula. Iniisip niya kaya na date ang gagawin namin. FYI hindi kami magdedate dahil una sa lahat hindi siya ang type ko kundi si Fafa Alex. Yung kasama ni Sa World of fun last year bago mag pasko.

Flashback

 

Makapalipas ang dalawang araw pagkatapos ng Christmas Party at ilang araw nalang bago mag Christmas.

Ako nalang mag isa ang naglalakad sa mall dahil nasa kanya kanya nang bahay ang Knightmares. Ayaw pa nila akong iwanan pero ako ang masusunod kaya sinunod parin nila ako. Ngayon Christmas Vacation dapat sa family muna nila sila mag stay.

Naghahanap ako ngayon ng poging lalaki pero wala akong makita. Ang Boring naman . Pumunta nalang ako sa WOF para maglaro . Bumili muna ako ng Tokens at pumasok na ako sa loob.

Pumunta ako sa may Basketball Area para maglaro.
Napahinto ako nang makita ko ang isang gwapong lalaki na nagshoshoot ng bola . Ang galing niya mag shoot lahat pasok walang sabay at sunod sunod pa.

Dito ko lang pala sa WOF ko makikita ang Forever ko . Enebeyen kinikilig ako. Tumabi ako sa kanya para kunwari maglaro din ng basketball pero ang totoo gusto ko lang siyang chansingan este tabihan.

Pinagpapawisan na siya at sobrang hot niya.
Baby gusto mo bang punasan ko ang mga pawis mo? Hihi.

Ipapasok ko na sana ang dalawang tokens para makapag laro din. Pero Nagulat ako nang biglang dumating si Ysa at lumapit sa lalaki. Imiwas ako ng tingin sa kanya at yumuko para hindi niya ako makita .Natapos na mag laro ang lalaki at humarap Kay Ysa.

"Water?" Kinuha ng lalaki ang tubig na hawak ni Ysa binuksan niya agad ito at ininom . Shete sobrang hot niya talaga pero bakit kasama niya si Ysa. Magkakilala sila?

"Kumain na tayo." Sabi ng lalaki sa kanya at ngumiti ang gwapo niya. Ysa bakit may ganyan ka hot kang kasama boyfriend niya kaya ang boy? Sana hindi niya boyfriend kung boyfriend niya yon gagawa ako ng paraan para magbreak kayo  forever ko na ang guy haha pero seriously ang gwapo talaga ng lalaki.

End of flashback

Nainlove at first sight ako sa lalaki na yon na kasama niya sa mall. Kaya itinuloy ko na ang paglapit kay Ysa dahil lang kay Alex pero hindi ko iniexpect na kakilala rin pala talaga siya ni Myka at ang revelation na siya ang Mr. Poser na iniisip at hinahanap nila.

Hays! Si Myka na ang maganda. Naglakad na kami ni Ysa sa kung saan saan dito. Para maghanap ng pagkain na pwedeng kainin.

"Teka Ysa? Ano bang meron kay Mr. Poser?" Tanong ko sa kanya. Napatingin nman siya akin at biglang nagulat.

"Si Mr. Poser ang stalker ni Myka" Nanlalaking mata niyang sagot sa akin at bigla siyang napatingin.

"Kung si Alex si Mr. Poser? Edi may gusto si Alex sa kanya ano bang meron sa inyo ng Alex na yon?" Nagulat siya sa tinanong ko sa kanya. At parang naiiyak na. Teka may Mali ba akong nasabi?

"I...Ibig sabihin may gusto si Alex kay myka hindi sa akin?" Naiiyak niyang tanong sa sarili niya. Nagulat naman ako nang biglang tumulo ang luha niya. Hala? Ako ba ang dahilan kung bakit siya umiiyak?Hala?

"Hindi lang pala si Derek ang kaagaw ni Andrei pati narin si Alex? Kaya pala lumalapit sa akin si Alex para kay Myka hindi sa akin?" Biglang tumulo ang mga luha niya mula sa kanyang mata. Hala? Kalorki naman oh? Bakit kasi nagtanong pa ako umiiyak tuloy si Ysa sa harap ko? Paano yan anong gagawin ko?

Ano bang ginagawa ng isang lalaki para icomfort ang isang babae? Ang nakikita ko lang na ginagawa nila ay niyayakap ito pero naalala ko na hindi pala ako tunay na lalaki pero tunay na kaibigan naman ako. Niyakap ko nalang siya para icomfort.

"Ang sakit bes.. Tagus tagusan oh isang taong gustong gusto mo este mahal mo na siguro ay sa bestfriend mo pala may Gusto hindi sa'yo"Umiiyak na sabi ni Ysa. Nararamdaman ko ang sakit na yan pero kahit naman maramdaman yan ay wala na rin lang magagawa kundi tiisin nalang .

Parang ayaw ko na tuloy mainlove dahil sa mga nangyayari. Wow ang sama yata ng araw na ito para sa kanilang nagmamahal. Nasaktan si Derek, nasaktan din siguro si Alex dahil hindi tumuloy ng pasok sa room at nasaktan si Myka dahil niloko siya ni Andrei tapos nasaktan din si Ysa dahil ang lalaking gusto niya ay hindi pa siya gusto at ang masaklap ay ang bestfriend niya pa. Buti nalang ako imbes na love ang inaatupag ay kalandian lang haha. Nanatili lang kami rito sa posisyon na magkayakap. Hindi ko iniexpect na gagawin ko to medyo nandidiri na ako dahil hindi ako komportable sa ginagawa ko. Pero ano pa bang magagawa ko kundi ikomport siya. Siya pala ang may kailangan ng karamay hindi si Myka. But speaking of Myka? Nasaan ba siya?

Pero hindi na namin siya mahahanap dahil baka ayaw siyang makita ni Ysa dahil nga kay Alex.

"Alam mo Ysa napansin ko,imbes na umiyak ka diyan at sayangin ang luha mo? Kumain nalang tayo , libre ko" Sabi ko sa kanya at pinunasan ko ang mga luha sa pisngi niya.

"S..sige sorry hah? Ang OA ko masyado ang sakit kasi eh" Sabi niya sa akin at agad na pinunasan ang mga luha.

"Ok lang haha wag kang iiyak mawawala ang ganda mo n'yan"

Nagulat siya sa sinabi ko, kahit naman bakla ako inaamin ko naman kung maganda talaga ang isang tao.

"Talaga? Bakit hindi ako ang nagustuhan ni alex?"Iritadong tanong niya sa akin at nagpout pa. Aba Malay ko.

"Hindi lang naman si Alex ang lalaki sa mundo"

Nagulat siya sa sinabi ko at napaisip. Pagkatapos ay ngumiti siya.

"Oo nga noh? May mas hihigit pa sa kanya diba? Ikaw nga mas pogi ka sa kanya" Nagulat ako sa sinabi niya at biglang kinilabutan. Maganda ako, maganda.

"Hehe sige bumili na tayo nagugutom na kasi ako"Sabi ko sa kanya. Naglakad na kami kung saan saan at nakarating kami sa bilihan ng kalamares.

"Gusto mo nito?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at tumango.

"Sige bahala ka"

"Kuya 20pcs nito ha?" Sabi niya at binigyan ako ng stick at lalagyan.

"Tusukin mo na pero wag mong isipin na si Alex yan baka madurog sayang" Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at tumango nalang.

"Sige ba"

Tumingin na siya sa mga kalamares at tinusok na ito. First time lang na mangyari sa akin na manglibre sa babae.Hays Rae hindi na yan big deal para sa'yo. Kumuha na ako ng stick at lalagyan para tumusok na rin.

"Rae tikman mo oh." Nagulat ako nang bigla niyang sinubo sa akin ang kalamares kaya wala akong nagawa kundi kainin na lang ito.

"Ang sarap nuh?" Alam niya naman tatanungin niya pa. Ngumiti nalang ako at tumango sa kanya.

"Ang sweet nila noh? Cute couple" napatingin ako sa gilid kasi napansin kong kami ang pinagtitinginan at pinag uusapan nila. Tsk. Kung alam lang kami na hindi kami bagay kasi hindi kami talo. Hindi ko nalang sila pinansin, kumain nalang kami ni Ysa pagkatapos bumili at naglakad lakad nalang kami.

Mr. Poser Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon