Chapter 25: Myka Santiago's Post

6.4K 361 69
                                    

Myka

Plinay na ni Derek ang movie at dali daling tumakbo papunta sa pwesto ko. Nagulat ako sa ginawa niya mukhang parang may kakaiba sa kanya. Umupo agad siya sa tabi ko at nakikita ko ngayon ang mga pawis na tumutulo mula sa noo. Teka? Malamig naman dahil may aircon dito tapos ganito siya. Natatakot  ba talaga siya? Nagsimula na ang movie at biglang kumidlat at kumulog ng malakas sa opening.

"WAAAAHH!" Nagulat ako sa ginawa niya at tiningnan siya. Nakahawak siya ngayon sa braso ko nang sobrang higpit.

"Huh?" Pinagtaasan ko siya ng kilay dahil nawiweirdohan ako sa ginagawa niya.

"Ah eh tinatakot lang kita.. Pero hindi ka natakot haha ang tapang mo" Palusot niya sa akin at binitawan ang braso ko. Umayos na siya ng upo at parang wala na sa kanya ang napapanood pero kitang kita pa rin sa mukha niya na natatakot talaga siya.

Tumingin ako sa movie at ngayon naman ay nakalagay ang cast, producers at director dito. Mukhang maganda ang movie na Axe To Grind dahil simula at cover pa lang mukhang nakakatakot na.

Nabaling sa isip ko na takutin siya at biruin lang. Mukhang hindi naman siya matatakot dahil matapang daw siya.

Tumingin ako sa kanya. At nanlaki ang mga mata ko na parang nakakita ng multo at tumingin sa gilid niya.

"Waahh! Derek! Si Bloody Marry nasa likod mo!" Nakita ko na nagulat siya sa sobrang takot, napansin ko na namula siya sa sinabi ko.

"AAHHH!" Agad siyang tumakbo at tumakbo ng mabilis palabas ng room.

O.O Takot siya sa multo.

Pfft! HAHAHA gangster tapos takot sa multo? Hahaha ngayon lang ako nakakita ng ganon. Ang epic ng reaksyon niya kung napicturan ko kaya 'yon hahahaha dadami ang likes ko sa Facebook dahil makikita nila ang kilala nilang Derek Enriquez ay takot pala sa multo.

Andrei

Binuksan ko ang Facebook ko sinearch ang account niya. Hindi ko makita blinock niya nga ako. Teka? Bakit ba naapektuhan ako kung blinock niya ako? Wala naman akong pakialam kung blinock niya ako dahil wala lang siya sa akin.

Hindi ko na siya isesearch, mabuti 'yon dahil wala nang manggugulo sa akin wala nang baliw na babae na laging nagchachat sa akin. Wala nang tatawag ng poser dahil hindi naman totoo.

"Andrei the Poser" Napatingin ako sa may pintuan at tiningnan ang tumawag pero wala naman siya. Kung ano ano ang naririnig ko. Imagination ko lang 'yung mga naririnig ko.

"Poser Andrei" Napatingin ako sa pinto at nakita ko ang isang babae. Nakauniform siya ng pang maid? Si manang Susi.

Pumasok sa loob si manang Susi.

"Sir Andrei ano pong gusto niyong kainin mamaya?" Tanong niya sa akin.

"Ikaw ba ang tumawag sa akin kanina?" Tanong ko sa kanya.

"Yes sir Andrei bakit?"

Sir Andrei pala ang sinabi niya akala ko poser Andrei.

"Ano pong gusto mong kainin mamaya?"

"Pagkain" tipid kong sagot.

"Alam ko naman 'yon sir Andrei pero anong klaseng luto ng pagkain?"

"Ahm adobo na lang" sabi ko sa kanya.

"Ah sige sir Andrei" Lalabas na sana siya ng room ko pero pinigilan ko muna siya.

"Manang Susi diba may Facebook ka?"

"Yes sir Andrei " sagot niya sa akin.

"I open mo nga ang Facebook mo sa phone ko may gagawin lang ako" Nagulat siya sa sinabi ko.

"Sir Andrei wag naman po kayong ganyan Facebook ko nalang po kasi ang dahilan kung bakit kami may communication ng anak ko at nagbabasa rin ako ng mga stories sa facebook ko at famous na ako dahil naka 10 likes na ako sa dp ko tapos ihahack mo lang "

"Huh?"

Wow hindi inaasahan na Sasabihin niya yan dahil sa edad niya. Mukhang hindi uso sa kanya ang Facebook.

"Hindi ko ihahack ang Facebook mo may isesearch lang ako"

"Ay ganun ba? Sige sige bakit ngayon mo lang sinabi may mga nasabi tuloy ako " sabi niya sa akin. Ako pa ang may kasalanan? Inabot ko sa kanya ang phone ko at nagsimula na siyang mag type.

Myka

Pinuntahan ko si Derek sa labas. Para magsorry haha ang epic kasi talaga ng mukha niya. Lumabas ako ng room niya at nakita ko siya sa labas.Pulang pula siya. At pawis na pawis, halatang halata talaga na may takot siya sa mga multo kahit hindi naman ito totoo.

"Bakit mo ako tinakot?!" Nagulat ako sa aura niya ngayon sobrang nakakatakot parang gusto niya akong suntukin dahil magkaclose fist na siya at lumalabas na ang ugat sa sentido niya dahil sa sobrang galit.

"Hindi ko naman alam na takot ka sa multo dapat sinabi mo agad" Mahinahon kong sagot sa kanya, nagiguilty kasi ako sa ginawa ko sa kanya.

"Kahit na hindi mo pa rin dapat ginawa yon! Magmukha akong tanga Myka" pagtataas niya ng boses sa akin.

"Sorry na hindi ko na gagawin 'yon hindi ko naman kasi alam" sabi ko sa kanya na may halong lungkot nagiguilty ako sa ginawa ko sa kanya. Hindi ko dapat pinaglaruan ang kahinaan niya.

Feeling ko nakatingin siya sa akin pero nakayuko lang ako.

"Ok lang  basta wag mo nang gawin ulit" Napatingin ako sa kanya. Ngayon ay nakangiti na siya sa akin. Ginulo niya ang buhok ko.

"Ok lang na matakot ako sa horror movies wag ka lang matakot sa akin dahil 'yon ang pinaka kinatatakutan ko sa lahat" sabi niya sa akin.

Nagulat naman ako sa sinabi niya dahil hindi ko naintindihan. Puro takot lang kasi ang naintindihan ko sa mga sinabi niya.

"Huh?"

"Oras na siguro para turuan mo ako" Nakangiti niyang sabi sa akin at inunahan na ako sa pagpasok sa loob.

Sumunod naman ako sa kanya.

Ngayon nakaupo na siya sa desk niya at kinuha ko naman ang marker at tiningnan ang schedule.

"Sige magsimula na tayo " sabi ko sa kanya

Andrei

Binuksan na ni manang ang Facebook niya at sinearch ko na ang pangalan niya.

Myka Santiago
Search

Lumabas ang Facebook niya blinock niya nga ako.

Myka Santiago

Ang sakit pala malaman na ang taong mahal mo ay wala palang pakialam sayo :'(

Myka Santiago

Nasubukan mo nabang magmahal sa isang Poser?

Nagulat ako nang mabasa ko ang mga post niya

Ako ba ang pinapatamaan niya?

Mahal niya ako?

Mr. Poser Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon