Chapter 6:Rae Cueto mo?

9.3K 470 126
                                    

Myka

"Myka nag alala talaga ako sa'yo kanina" sabi sa akin ni Ysa habang nakahawak sa dalawa kong kamay, mukha nga.

"Ok lang 'yon nandoon naman si Andrei na knight in shining armor ko" Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Tsk! Andrei? Dahil nga sa Andrei na 'yon kaya nga muntik ka nang mapahamak kung hindi mo siya hinabol hindi ka magkakaganyan" siya

Ang laki talaga ng galit niya kay Andrei ano kayang problema?

"Pero kilala mo ba kung sino ang nakabanggaan mo kanina?" Yung lalaki na akala mo kung sinong gwapo wala na akong pakialam sa kanya. Pero gwapo naman talaga siya pero sobrang sama ng ugali niya buti na lang talaga tinulungan ako ni Andrei. Hihihi

"Siya si Rae Cueto famous 'yan sa facebook dahil sobrang gwapo niya kaya"

"Tsk. Masama naman ang ugali. Famous ba siya? Bakit hindi ko siya kilala?

Ang kilala ko lang na Cueto ay si

Cueto mo sa unggoy

Cueto mo sa pagong

At si Cueto mo sa kambing na may bangs

 Sila kaya ang sikat sa facebook pero si Rae Cueto? Hindi ko siya kilala kaya hindi siya famous"

"Tsk tsk visit mo na lang yung Facebook account niya para malaman mo hindi siya snober hindi kagaya ng Andrei na 'yan hindi naman sikat masyado pang mayabang"

"Wala akong pakialam sa Rae Cueto na 'yan" Si Andrei lang sapat na, para akong jejemon.

"Hays, bahala ka nga" sabi naman niya sa akin yung Rae Cueto nga na 'yon ang sobrang yabang kanina kung umasta.

Natapos ang walang kwenta naming pag uusap ni Ysa tungkol kay Rae Cueto, binuksan ko ang fb ko at inistalk ang Facebook ni Andrei the poser.

Sobrang gwapo niya talaga. Hihihi

Andrei Rodriguez
⚪Active 1 hour ago

hi good evening

eat well

ok lang na hindi ka magreply basta ginagawa mo ang assignments mo

matulog ka ng maaga para maganda ang gising mo dahil makikita mo ang magandang mukha ko 😃😃

sige tulog na ako good night sweet dreams

Nilagay ko na sa table ang cellphone ko at pinatay na ang ilaw.

*Ting*

Andrei Rodriguez
Active now


goodnight :)

***

"Myka gising na "

"Myka" Ano ba'yan inaantok pa ako. Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa harap nakikita ko ngayon si Ysa.

"Myka malelate na tayo gumising ka na" sabi niya sa ako bumangon naman ako at nagtanggal ng muta.

"Sandali lang" kinuha ko ang phone ko sa tabi ko at tiningnan.

O.O Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ito.

"WAAAHHH!" Sigaw ko sa sobrang gulat.

"Myka naman 'wag ka ngang sumigaw kanina ko pa kasi sinasabi sa'yo na malelate na tayo"

"Hindi waaahhh si Andrei nag goodnight sa akin may smile emoticon pa waaahhh kinikilig ako" hindi ako makapaniwala sa nabasa ko, kyaah!

"Hays tsk tsk kung maligo ka na kaya diyan at magbihis hindi yung puro kilig ang inaatupag mo "at umiling iling na lang siya.

"Oo na po boss oo na " sabi ko sa kanya at dumiretso na sa banyo.

Waaahhh nag good night sa akin si Andrei buti na lang ngayon ko lang nabasa 'yon kung hindi hindi talaga ako makakatulog.

Hihihi..

After 15 mins. Tapos na ko magbihis at nagmadaling nag ayos ng sarili dahil sobrang kulit ni Ysa.

And after a years tapos na ako sobrang OA naman minutes lang. Umalis na kami ni Ysa at pumasok na sa school excited na akong makita si Andrei.

Kyaahhhh kinikilig talaga ako sa kanya.

Naghiwalay na kami ni Ysa at pumasok na siya sa room niya, ngayon naglalakad na ako papunta sa room ko pero nakasalubong ko ang lalaki na natapunan ko ng chocolate drink, si Rae Cueto. Nakatingin lang siya sa akin ng masama pero hindi ko na pinansin 'yon .

Nagulat ako ng huminto siya sa harap ko.

"Sabi ko diba hindi pa tayo tapos?" Tumingin ako sa kanya at pinagtaasan siya ng kilay.

"O anong gagawin ko sa'yo?" tanong ko naman sa kanya.

"Sa ayaw at sa gusto mo susundin mo lahat ng iuutos ko sa'yo kung hindi, hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa'yo sumama ka sa akin" bigla niyang hinawakan ang kamay ko at kinaladkad. Teka?

Nababaliw na yata ang lalaki na 'to. Dinala niya ako hanggang sa garden.

Anong gagawin niya sa akin? Nilibot ko ang mata ko sa buong paligid para makita si Andrei pero wala siya kinakabahan at natatakot ako kay Rae na 'to. Kaming dalawa lang ngayon ang narito sa garden.

Nagulat ako nang bigla niya akong  sinandal sa pader.

"Ito ang gagawin mo" nilapit niya ang mukha niya sa akin, natatakot ako sa mga mata niya ang seryoso ng aura niya nakakatakot talaga siya. Pinikit ko na lang ang mga mata ko para hindi na makita ang susunod na mangyayari.

Sisigaw na ba ako?

"Ra---"

"I lakad mo ako kay Andrei " Napadilat agad ako mata sa narinig ko sa kanya.

"Ano?!" Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat sa sinabi niya.

"Enebeyen nahihiya ako hihi sa atin lang to hah crush ko kasi siya matagal na simula ng nasa Ibang school pa kami and kaya ako nagpalipat dito dahil nag transfer din siya so sa ayaw at sa gusto mo susundin mo ako or else may mangyayari sa'yo na hindi mo magugustuhan " siya

Bakla pala siya? Sayang naman!

Ang gwapo pa naman niya tapos napakaangas pa. Pero teka crush niya si Andrei? Hindi to pwede! Walang makakaagaw kay Andrei ko.

"Eh loka loka kang bakla ka crush ko kaya si Andrei at sa totoo lang nililigawan ko na siya "

"Eeew bukod sa babae ka na nanliligaw ka pa ang cheap mo naman " siya

"Anong cheap? Bakit ba walang basagan ng trip may the best girl win nalang "

Sabi ko sa kanya

"Ay! Nakakaloka ka naman putik sige na nga" pero bigla niyang nilapit ang bibig niya sa tenga ko.

"Walang makakaalam na bakla ako, kung hindi ipapasalvage kita, ikaw lang ang may alam ng sikreto ko"

O.O

Mr. Poser Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon