Chapter 76: Goodbye Andrei

3.7K 172 20
                                    

Myka

Habang kumakain kami rito ay napansin ko ang mga estudyante na nagtatakbuhan sa papunta sa canteen. Ano kayang nangyari?

May mga estudyante na gulat na gulat at ang iba ay tumitingin sa direksyon namin.

"Guys si Andrei Rodriguez natagpuang duguan sa garden. Nakita rin sa garden ang isang baril na wala nang bala, siguro nabaril siya." Nagulat ako sa narinig ko sa mga estudyante na dumaan sa likod ko.

"Grabe naman nasaan na puntahan natin" nagsialisan na ang mga estudyante. Napatingin ako kila Rae at Ysa. Gulat na gulat sila at napatayo sa upuan.

"Baka prank lang 'yon "

"Kung prank 'yon hindi magandang prank 'yon!" Bigla akong napaluha sa kaba at pag aalala sa narinig namin. Napatingin kami sa lalaking pumunta sa direksyon namin. Si Miguel ito, pagod na pagod siya tumingin siya sa akin. Ito na naman ang kaba na nararamdaman ko. Sana walang mangyaring masama please.

"Myka si Andrei nakitang nakahandusay sa damuhan, duguan siya mukhang nabaril siya"

"Anu?!" Agad akong tumakbo papuntang garden para kumpirmahin kung totoo ba o hindi ang sinasabi niya? Sana hindi totoo. Iyak na ako ng iyak habang tumatakbo papunta sa garden. Sumunod naman sila Ysa, Sam, at Rae sa akin pati na rin si Miguel.

Nang makapunta ako sa garden ay nakita ko ang ambulansya sa harap ng garden at ipinasok sa loob ang isang tao. Gusto kong sundan kung sino man ang nasa loob pero agad na pinaandar ang ambulansya at umalis na.

"Kawawa naman si Andrei nuh?"

"Gangster kasi, karma niya na 'yan dahil mayabang siya"

"Pero hindi dapat nangyayari ito sa kanya" Narinig kong bulungan at sinasabi ng mga estudyante rito. Humarap ako kila Ysa.

"Please sundan natin siya" pag mamakaawa ko sa kanila habang patuloy na umiiyak.

"Sige kukunin ko lang ang kotse ko" Sabi ni Miguel at tumakbo para kunin ang kotse niya. Lumapit naman sa akin sila Sam at Ysa para yakapin ako.

"Paano pag hindi niya nakaya? Paano pag namatay siya? Diba nabaril siya pero kahit hindi siya nabaril sigurado akong bugbog sarado siya. Baka mamatay siya sa bugbog" Sabi ko sa kanila habang umiiyak.

"Myka ipagdasal na lang natin na maging ok na siya pero sino bang may gawa nito sa kanya?"

Biglang hinila ni Rae ang isang lalaki sa harap niya at iniharap sa akin.

"Nakita mo ba kung sino ang mga gumawa non kay Andrei?"

"Hindi, pero sabi nila maraming lalaki ang pumunta dito sa garden mga taga Phoenix Academy sila at mukhang matindi ang galit nila kay Andrei." Nagulat kaming lahat sa sinabi ng lalaki, kung hindi kami nagkakamali sila Joseph ang gumawa nito sa kanya.

"Salamat" sabi ni Rae agad namang tumakbo ang lalaki paalis. Dumating na ang kotse ni Miguel at huminto sa harap namin.

"Sakay na" dali dali kaming sumakay sa kotse niya at minaneho niya ito palabas ng school papunta sa Hospital.

Andrei sana maging ok ka, please wag kang mamamatay dahil hindi ko kaya pag nawala ka.

Nakarating na kami ngayon sa harap ng hospital at hinanap ang ambulansya kung saan isinakay si Andrei. Ang daming mga ambulasya na dumating kaya nalilito ako sa mga ambulansya. Nasaan siya?

Nabaling ang tingin ko sa isang ambulansya. Nilabas nila ang isang duguan lalaki sa tingin ko. Mukhang si Andrei 'yon.

"Myka sandali" hindi ko na sila hinintay pa at sumunod sa duguang lalaki na tinutulak nila emergency room. Pumasok na sila sa loob at naiwan ako rito sa labas. Napatingin sa akin ang isang nurse at lumapit.

"Kamag anak ba kayo ng---"

"Hindi, mahal ko po siya kaya gawin niyo ang lahat para mabuhay siya please po nurse please" at humagulgol na ako sa harap ng nurse.

"Gagawin po namin ang lahat ng makakaya namin para mabuhay siya" pumasok na siya sa ER at naiwan na ako dito sa labas. God please sana maging ok na si Andrei. Please god. Iyak na ako ng iyak dahil sa mga scenarios na maaaring mangyari. Paano pag namatay siya? Hindi pwede 'yon mamahalin ko pa siya.

Pagkatapos ng mahigit 30 minutes ay lumabas na ang doktor. Lumapit ako sa kanya para tanungin siya kung ok na ba si Andrei.

"Doc ano na pong nangyari?"

"Sorry miss pero ginawa na namin ang lahat pero hindi na talaga kaya ng katawan niya pasensya na"

Biglang sumakit ang dibdib ko sa sinabi niya sa akin. Lalo akong umiyak nang sabihin niya 'yon.

"Doc sabihin mong nagbibiro ka lang? Please doc naman please.. b-bakit hinayaan niyo siyang mamatay?!"

"Sorry talaga excuse me" Iniwanan niya ako at naglakad paalis. Naiwan ako dito sa labas na umiiyak dahil sa nangyari. Andrei bakit hindi ka lumaban?

Dati pinaasa mo ako
Tapos niloko
Tapos ngayon iiwan mo ako?
Napaka unfair mo!

Ang sakit Andrei. Sana hindi na lang ikaw ang minahal ko dahil palagi mo nalang akong sinasaktan. Nakakainis ka Andrei. Napaupo ako dito sa upuan habang humahagulgol sa pag iyak.

Diba sabi mo Andrei hindi mo na ako sasaktan? Sa tingin mo ba hindi masakit na iwanan? Ang sakit Andrei!

Napansin kong lumabas na ang ibang nurse rito. Tumayo agad ako at pumasok na sa loob. Ngayon nakikita ko ang bangkay na nakatakip ng kulay asul na kumot.Lumapit ako doon at hinawakan siya. Pinakiramdaman ko ang pulso niya pero wala na talaga. Naramdaman ko rin na matigas at malamig na.

Lalo akong naiyak nang malaman ko na hindi ka na talaga mabubuhay.

"Myka" napalingon ako sa may pinto at nakita ko sila Rae,Ysa at Miguel na malungkot na nakatingin sa akin. Lumapit si Ysa sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Humagulgol na ako sa kakaiyak dahil hindi na talaga, wala na talaga siya. Lumapit din sa akin sila Rae at Miguel para yakapin ako.

"Myka akala ko sabi lang ni Andrei na baliw ka, pero totoo pala" napatingin ako kay Rae at parang nagtaka sa sinabi niya. Anung koneksyon non sa pagkamatay ni Andrei? Pinunasan niya ang mga luha ko sa mukha at ngumiti.

"Alam mo bang malulungkot si Andrei kapag nalaman niya na umiiyak ka?"

"Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin hah? Magpakasaya? Nang malaman na ang taong mahal mo na patay na pala?"
Niyakap nalang nila akong lahat. Tumingin ako sa may pintuan at nagulat ako nang may makita akong isang lalaki.

Napapaligiran siya ng puting ilaw, nakakasilaw ito. Nagpapakita sa akin ngayon ang kaluluwa ni Andrei. Kahit pala kaluluwa na siya bugbog sarado pa rin ang itsura niya. Nagtubig ulit ang mga mata ko nang malaman na ilusyon ko lang pala ang lahat ng nakita ko. Nanatili lang na nakayakap sila Rae sa akin. Habang iyak pa rin ako nang iyak at hindi matanggap ang buong pangyayari.

Napansin ko ang isang lalaki na nakatayo sa may pintuan. May mga band aid siya sa mukha at may black eye rin siya sa kaliwang mata. Namamaga at may sugat ang kanang niyang pisngi.

Si Derek.

Mr. Poser Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon