Chapter 17: Missing Andrei

6.8K 348 13
                                    

Andrei

Umalis na ako at Iniwan siya. At pagkatapos ng isang linggo. Nabalitaan ko na lang na umalis na siya at pumunta na ng states iniisip ko na isa ako sa pinaka tangang tao sa mundo dahil hinayaan ko siya na umalis pero hindi dahil bad influence lang ako sa kanya at baka dahil sa akin baka maulit nanaman na malagay sa kapahamakan.

Gusto ko siyang kalimutan pero hindi ko kaya dahil siya ang unang minahal ko at siguro huli na. Simula ng mawala siya nawala na rin ang saya ko kahit pagngiti ay nakalimutan ko na dahil sa kanya lang ako sumasaya at ngumingiti.

At ngayon nasa harap ko siya at nakayakap sa akin.

"Mahal kita Andrei I still love you hindi nagbabago 'yon alam ko na rin kung bakit mo ginawa 'yon. Handa akong mapahamak mabugbog masaksak masaktan hindi naman kasi 'yon masakit pero alam mo ang masakit?"

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga sinabi niya.

"Ang mawala ka sakin " sagot ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

Myka

Ano ba 'yan?! Kanina lang sinabi tapos ngayon umpisa na ng tutorial?

Nandito kami ngayon ni Derek sa room niya, wow! Iba talaga itong si Derek may sariling room. Ang mga teachers nga nasa faculty lang tapos siya may sariling room dito? Wow hah?

Dapat kasi bukas na lang namimiss ko tuloy si Andrei the poser. Hindi ko siya makikita ay makikita ko pala siya pero hindi ko na siya makakasama.

Ito kasing Derek na 'to.

"Simulan mo na " seryoso niyang utos sa akin. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso habang nakataas ang mga paa at nakasandal sa couch.

"Oo na simulan natin sa math " nagsulat ako sa white board

1+1=

Tiningnan niya lang ito at pinagtaasan ako ng kilay

"Seryoso ka ba?"

"Mukha bang nag jojoke ako?" masungit kong tanong sa kanya.

"Tanga ka ba?! Kahit bata alam ang sagot diyan"

"Aba Derek Enriquez kung alam mo na pala edi dapat hindi ka na nagpatutor!" iritableng sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hindi ako ngayon natatakot sa gangster na ito.

"Ayusin mo nga ang pagtuturo mo" bored niyang sagot sa akin.

Nagsulat naman ako ng x²+y³=

" Sagutan mo 'yan"

"Edi ikaw ang sumagot"

Arrg! Nakakainis siya.

"Paano kita matuturuan ng maayos kung ganyan ka"

"Pagtuturo?" Napansin ko ang isang boses sa labas. May pumasok na isang lalaki teka si Miguel 'to. Gwapo siya pero playboy. Miyembro rin siya ng Black Knights kilala rin siya sa buong campus dahil isa siyang dakilang womanizer. Balak siguro niyang maging girlfriend ang lahat ng babae dito sa buong campus ng Ashford High. Siguro hindi niya na rin nakikilala ang mga nagiging girlfriend niya sa sobrang dami.

Tumingin naman sa kanya si Derek at seryoso lang din.

"Hindi ba siya marunong magturo derek? Hey girl gusto mo turuan kita ng alam mo na" At ngumiti sa akin ng nakakaloko.

"Umalis ka rito nagpapatutor ako" cold na sabi sa kanya ni Derek.

"Wow Derek may lagnat ka ba? Himala yata 'yan ah magpatutor haha" Bago lang ba kay Derek ang magseryoso sa pag aaral? Kasi parang gulat na gulat si Miguel sa nangyayari.

Mr. Poser Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon