Chapter 33: Set Up

6.5K 319 15
                                    

Rae

"Boss samahan kana namin"

Kalorki naman itong si Gio sosolohin ko nga si Miguel tapos sasama pa siya?

"Ok na ako" Sagot ko sa kanya at sumunod na kay Miguel.

Pumunta kami sa kotse niya at sumakay na. Hihihi kaming dalawa lang dito kinikilig ako bakla. Hahaha.

Pero napansin ko lang. Bakit kami ipapatawag ng principal ng kaming dalawa lang ng Miguel na ito. Lahat naman kami may kasalanan. I smell something fishy. Mukhang may mangyayari na hindi inaasahan kaya Rea bakla. Wag mong pairalin ang kalandian hah?

Habang nasa daan kami tumingin ako sa kanya nagda-drive lang siya at nakatingin sa daan walang kakaiba siyang ginagawa pero tingin ko sa isip niya parang may binabalak siya na hindi maganda.

Omo! Rerapin niya ako?!

Wag! Uunahan ko na siya per may nararamdaman ako na may kakaibang mangyayari. Napatingin ako sa daan at napansin ko na iba na ang dinadaanan namin hindi ito papunta sa school.

Mukhang tama nga ang hinala ko.

"Mukhang mali ka yata ng dinaan" cold na sabi ko sa kanya

"Hindi, tama lang" at ngumisi siya.

Hininto niya ang kotse sa tapos ng isang warehouse dito. Walang tao sa buong paligid. Pero nagkamali ako. Nagsilabasan ang mga tao dito at ang mga tao ay mga miyembro ng Black Knights.

"Bumaba ka na" Binuksan ng lalaki na pinalo ko ng bote ang pinto ng kotse at tinulak ako ni Miguel palabas ng kotse.

O.O S-in-et up nila ako.

Napaupo ako sa simento at pinaligiran ako ng mga miyembro ng Black Knights.

Andrei

Pumunta ako sa bahay nila Andrea pero ayaw niya akong kausapin. Pero kahit kausapin niya ako hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kanya.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Mahal ko si Andrea pero bakit isip ko lang ang nagsasabi non? Hindi ko alam.

Mukhang hindi ko na lang muna dapat isipin 'yan. Kailangan ko munang intindihin ang lahat.

"Andrei ayos ka lang ang lalim yata ng iniisip mo?" Tanong sa akin ni Richard.

"Sino ang iniisip mo yung babae ba na pinuntahan natin sa com shop?" Nagulat ako sa tanong niya sa akin. Si Myka ang nasa isip nila.

"Ang ganda niya noh? Pero parang may something wrong sa utak"

"Oo baliw talaga 'yon" sagot ko sa kanila.

Kapag naiisip ko siya parang sumasaya ako lalo na pag naaalala ko ang kabaliwan na ginagawa niya.

"Pero Andrei tanong ko lang bakit pala galit ka sa Rae ba 'yon? Ang nagligtas sa'yo, yung bumugbog sa miyembro ng Gang Government ang astig niya noh? Pero bakit galit ka sa kanya? May gusto ba siya kay Myka ba 'yon? Doon sa babaeng baliw"

"Tsk" Bakit nga ba ako naiinis kay Rae? Siguro nga dahil kay Myka kaya ako naiinis sa kanya.

Rae

"Masyado kasing mayabang kaya tuturuan ka namin ng leksyon" 

"At magbabayad ka sa ginawa mo sa akin dahil sa'yo nasira ang mukha ko" sabi sa akin ng lalaking pinalo ko ng  bote. Wow nasira ang mukha mo? Sa tingin mo ba ayos ang mukha mo? Nagpapatawa ka ba? Ipapalo na sana sa akin ang hawak niyang baseball bat pero nahawakan ko ito agad.

Mr. Poser Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon