Chapter 21: Trouble

6.2K 326 43
                                    

Andrei

Sinuntok ko siya sa mukha at natumba siya sa simento sa lakas ng suntok ko sa kanya.

"Andrei!" Naramdaman ko ang higpit ng hawak ni Andrea sa braso ko. Tumingin ako sa kanya, umiiyak siya.

"Andrei tama na" umiiyak niyang sabi sa akin at lalong humigpit ang hawak niya sa akin. Naalala ko ang sinabi ni Andrea na huwag na akong makikipag away.

"Ikaw!" Sinugod ako ng mga kagrupo ni Joseph. Sabay sabay sila para mapagtulungan ako.

"Lumayo ka muna" sabi ko sa kanya.

"Pero paano ka?"

"Wag mo akong intindihin kaya ko 'to"

"Umalis na tayo diba sabi mo hindi ka na makikipag away?"
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

Tumingin ako sa harap.

O.O Nagulat ako nang bigla akong sinuntok ng isang lalaki at sinipa naman ako ng isa.

"Aaarrrayyy!"

"Andrei!" Wala na akong ibang dapat gawin kundi itulak na lang siya. Tinulak ko siya at natumba siya tutulungan ko sana siyang tumayo pero sinuntok ako ng isa pang lalaki na nakapaligid sa akin.

Natumba ako sa simento. Tatayo sana ako pero bigla nila akong sinipa. Paulit ulit niya iyong ginawa sa akin.

"Aaaahh!" Daing ko sa sobrang sakit.

"Andrei!" Narinig kong sigaw ni Andrea sa akin.

"Tama na tama na! Maawa kayo!" Nakita ko na tumayo siya at sinuntok si Joseph.

Napahinto naman sila at napatingin kay Andrea. Pinunasan ni Joseph ang mukha niya at tiningnan kung may dugo ito.

Meron nga.

O.O

Bigla niyang sinuntok si Andrea kaya natumba ito.

Gusto kong tumayo at bugbugin si Joseph pero hindi ko na kaya dahil bugbog sarado na ako dahil sa mga kagrupo ni Joseph.

"Ano Andrei? Nasaan ang lakas mo? Tsk! Ang babae lang pala na ito ang kaninaan mo haha "

"Wag mo siyang sasaktan"

"Kung ayaw mo siyang masaktan lumaban ka!" Bigla niya akong sinipa sa tagiliran.

"Araay!"

"Ano Andrei?! Hindi ka na ba lalaban? Tsk! Ang hina mo! Hanggang yabang ka lang!" Kwinelyohan niya ako at sinuntok niya ako sa mukha.

"Alam mo Andrei nakakainis ka. Kahit nagdudugo na ang mukha mo dahil bugbog sarado ka na pero bakit gwapo ka pa rin? Gustong gusto kong basagin ang mukha mo dahil pag nakikita kita naiinis ako"

*Pak* at sinuntok niya ulit ako.

"Tumigil ka na!" Sigaw ni Andrea sa kanya.

"Tsk.. iyak na na iyak ang girlfriend mo oh? Lumaban ka kasi"

"Kung kami kaya ang labanan mo? Hindi ka patas lumaban" Nagulat kami sa nagsalita at napatingin sa gilid.

Nakikita ko ang grupo ni Rae. Bakit nandito ang hayop na lalaking 'to? Lumapit siya sa amin at ngumiti kay Joseph.

"Ang dami niyo isa dalawa tatlo apat, pito kayong lahat tapos lalabanan niyo ang isa na may babae pang kasama? Mga duwag at mahina naman pala kayo. Tsk! Maging patas naman kayo" sabi ni Rae sa kanila.

Lumapit sa kanila ang gang ni Joseph. Tinulak naman ako ni Joseph kaya napahandusay ako sa simento. Lumapit sa akin si Andrea na iyak ng iyak.

"Andrei"

Mr. Poser Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon