Quarter to ten na nang makarating kami sa tapat ng Greenbelt Madison, ang building kung nasaan ang condo ko. Tinulungan pa rin ako ni Noah na bitbitin ang maleta ko papanik sa taas na hindi ko na tinanggihan dahil napagod rin ako sa byahe.
"So here we are," Sabi ko at inilabas ang keycard ko sa traveling bag na nasa ibabaw ng maleta.
"Gusto mo pa bang pumasok? Gabi na din, you should rest." Dugtong ko pa nang mabuksan ko na ang pinto.
"I badly need a rest. We had a whole day taping for my show yesterday, kaya sobrang antok na rin ako." He explained. So kaya pala hindi siya nagpakita sa akin the whole day. May parang humaplos naman sa puso dahil sa pagpapaliwanag niya. And it feels really weird.
"Oh.. Pasensya na at baka naabala pa kita. Dapat hindi na pala ako nagpahatid.." Sinserong sabi ko. Looking at his tired eyes made me feel a twinge of guilt.
He shook his head erratically. "No no, not at all. Same route lang din naman kaya ayos lang."
"Cool. So..." I trailed off.
"Oh sige! I'll go ahead." Aniya.
"Sige, maraming salamat ha. For everything." I gave him the most genuine smile that I can give. Nakita kong natigilan siya ng kaunti pero umiling siya ng mabilis.
"No worries. Before I forgot, I would like to give this to you.." He said, fishing out something from his back pocket. Inilabas niya ang wallet niya at may kinuha siya doon. Nagtatakang nakatingin naman ako sa kanya nang iniabot niya sa aking ang isang pamilyar na parihabang papel.
"I can assure you that it's really mine, not my aunt's." Tumawa siya. Sinuri ko naman ang hawak kong calling card at natawa na din.
"Finally! So I think, I can hangout with you sometime huh?" I teased.
"I guess. My manager Dale, has his number there. Call him so you can talk about your fashion show." Sabi niya.
Tumango naman ako at ngumiti. "Will do. Thanks, so much."
"Alright. Gotta go. Good night." Pagpapaalam niya. He leaned in and it caught ne off guard a bit. Hindi ko alam kung yayakapin niya ba ako o ano. Kaya niyakap ko na lamang siya at hinalikan siya ng madiin pisngi.
"Good night, Noah." I smiled teasingly before getting my luggage on his hand and went inside my unit, leaving him standing there like a statue.
I feel really good because I find out that I also have an effect on him. And that is a good start for making him fall for me and break his heart in return.
****
Tinatapik-tapik ko ang steering wheel ng kotse ko habang sumasabay sa kanta ni Ariana Grande na "Side to Side." Patungo kasi ako sa Cubao para dalhin ang sketches ko kay Aling Neri. Siya ang eksklusibo kong mananahi, and her team of course.
Magmula kasi noong dalagita pa ako at kailangan ko ng mga costume sa mga pageants o sa mga rakets ko ay siya talaga ang tumatahi n'on. Aling Neri is very talented, talagang hindi lang namarket ng maganda ang mga gawa niya dahil ka kakulangan sa budget. Pero nang sinimulan ko ang pagdidisenyo ng gown ay syempre siya agad ang naisip ko na mananahi. And she never fails me. Sa akin lamang siya nanahi, dahil iyon ang gusto niya.
"Naku ano ka ba! Bakit pa ako tatanggap ng ibang kliyente? Ayoko na naman nga talagang manahi dahil wala namang nagtitiwala sa akin noon. Napilit mo lang talaga akong babaita ka. Utang na loob ko din ito sa'yo dahil kung hindi ako ang kinuha mong mananahi ay baka hindi makakatungtong sa kolehiyo itong si Philip at hindi ako makapagpupundar ng bahay..." And then a lot more of her sweet gratitude. Laging ganoon na lang ang sinasabi kapag may ibinibigay ako sa kanyang malaking kliyente. Medyo kulang pa sa self-esteem eh. But it's my advantage that she's just working for me and no one else.
BINABASA MO ANG
To Gamble (A heart for a heart) R18
Ficção GeralSa sugal ng pag-ibig, hanggang saan ang kaya mong itaya? In love, we gamble. In love, we take risks. In love, we share our secrets because in love, we trust. But what if I can't?