Happy on the outside but sad on the inside, yan ang sabi nila which is ang life motto ni Alisson Santiago. Pero sa kaso niya ay hindi lang lungkot ang nasa saloobin niya kundi sakit sa pagpapasakit sa kanya, at pangungulila sa kanyang mga magulang...
Isang katok ang bumasag sa mga bumabagabag sa isip ko kaya agad kong ipinahintulutan na pumasok sila habang pinipilit kong ayusin ang sarili ko at pumasok doon si Jake na namumutla at para bang mahihimatay na sa mga susunod na sandali.
Bakit ka pumunta rito Jake? Anong nangyari? mukhang ayaw niya pa akong sagutin at lumiliko ang kanyang tingin sa bawat sulok ng opisina ko maliban saakin. Pero after finally getting his courage ay may inilabas siyang isang maliit na envelope at ibinigay 'yon saakin.
Ano at saan galing 'to? sabi ko habang iniinspek ang bawat sulok ng envelope na para bang may itinatagong sikreto o camera.
Nahanap namin 'yan nang itsek namin ang progress ng rebuilding ng omega base. Ang suspetya namin ay bago lang nila inilagay 'yan dahil wala naman 'to noong nag-clean sweep sa omega base noon. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niyang impormasyon at umnkot nanaman ang ilang posibilidad ng kung ano laman at saan galing 'to.
At dahil alam kong nangagagalaiti naring malaman ni Jake ang kung ano ang narito ay binuksan ko ang envelope at isang sulat ang lumantad dito na nagpa putla sa aking mukha
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The lettering was intricate pero mula sa kulay at itsura ng bawat letra ay masisigurado kong galing ito sa dugo at ang letrang 'V' na laging lumalantad sa bawat lugar at pangyayari ng mga atake na hindi napapansin ng iba kundi kami lang ay nakakapangilabot.
Sobrang ingat ng pagkakalagay ng mga marka na 'to na para bang alam nila kung saan ilalagay ito upang mahanap ng tamang tao at lumilitaw sa tamang oras.
But the messgae itself made my blood boil. Napuno ng galit at takot ang katauhan ko na lukutin ang sulat na nasa kamay ko at dala ng galit ay itapon ang lahat ng nakapaibabaw sa mesa ko na nagpalipad sa mga ito sa lahat ng sulok ng silid.
At puno parin ng galit pero iniisip ang nararapat na gawin ay bumaling ang tingin ko kay Jake na seryoso parin ang stance at tingin.
He wasn't his usual happy and stupid self. Alam niya ang kagrabehan ng sitwasyon at umaakto siya sa nararapat na asta ng isang right hand.
I'm dropping you, Harry and Erick as Alisson's bodyguard. I was expecting him to react, magreklamo, magtanong, or something pero wala siyang sinabi ang I clearly knew why.
You read it didn't you? bigla naman siyang napayuko at bigyan ako ng mapanglusot na ngiti that made me shook my head.
Wala na talagang magbabago kay Jake, no matter how hard he tries ay lalabas parin ang ugali niyang ganito.
I would have laughed at the thought pero naalala ko ang mga kailangang mangyari and as of now ay kailangan ko nang maghanda for something I will always regret.
Boss? sigurado kaba dito?
Yes. Alam kong alam niya ang balak ko. After all he is my right hand man and dare I say it alam na alam niya kung gaano ko kamahal ang asawa ko kaya alam niya ang mga balak kong gawin para lang masiguradong ligtas siya.