Allison's POV
After ng mahaba at stressful na school day at isama mo pa ang nakakapagod na cheer practice namin kanina kaya eto ako ngayon gabing -gabi nang umuuwi. Hindi kasi katulad ni Ryan wala akong kotse at walking distance lang yung bahay. Ang problema nga lang kanina ko pa nafefeel na may sumusunod saakin. Parang eto ngayon bumabalik na naman yung feeling na ganun so tumingin ako sa likod para tignan kung meron nga.
Bad move. Dahil merong itim na van na sumusunod saakin at di katulad kanina na sa tuwing lumilingon ako, walang tao kaso parang mas nakakatakot pa ata yun eh ano nalang yung nararamdaman ko non multo?
Pero balik sa problema, nang nakita kong sinusundan nga ako ng itim na van ay agad binilisan ko nalang yung paglakad ko pero mali rin pala kasi nang napansin na nila na alam ko na sinusundan nila ako tatlong lalaking nakaitim ang bumaba mula sa van at nagsimulang sundan ako. At nang binilisan narin nila yung paglalakad nila ay tumakbo na ako kaya heto ako ngayon tumatakbo sa tatlong malaki pero mabilis na nakaitim na lalaki habang pauwi ng bahay. Whoopee, note the the sarcasm.
Sa kakatakbo ko hindi ko na narelize na nasa likod ko na pala sila nang may biglang humablot saakin kaya sinipa ko siya. Aba kung akala nila madali lang ang pangingidnap nila saakin pwes nagkakamali sila. Palaban ata toh ah.
At nang sinipa ko siya meron namang isa pang humablot kaya tinwist ko yung kamay niya at sinipa ko yung isa pa nilang kasama. Pero dahil busying-busy ako sa pagdedepensa sa sarili ko dun sa dalawa ay hindi ko nalang napansin na nakatayo na pala yung isa at may nilagay na panyo sa bibig ko at hindi ko man lang namalayan na nawawalan na ako ng malay.
-------------------------------------------
6 Hours Later
------------------------------------------
Yawwnnnn.....
Woah. Ang sarap ng tulog ko ah... pero parang masyado atang malambot tong kamang toh. I mean don't get me wrong hindi naman ako natutulog sa plywood pero parang masyado atang malambot tong kamang toh. Pero tama na muna yung usapan tungkol sa kutsyon dahil bigla kong naalala na nakidnap nga pala ako woohps? Mas inuna pa ang kutsyon kesa tandaan yung nangyari saakin? Eh. bahala na nga.
Nang minulat ko ang mga mata ko ay kulang nalang na mapanganga ako sa ganda ng kuwartong 'to I mean ang gara nito teh... promise. dark halos lahat ng colors from ceiling hanggang sa funrniture pero I can't help but feel at home? at nang nakita ko yung kamang hinihigaan ko ay parang gusto kong matulog ulit. Kasi naman ang laki nang kama at sa tingin ko king sized? Pero hindi lang yun meron ding tatlong mga pintuan sa kuwarto at siyempre curious ako so tumayo ako at tinignan isa-isa. Yung una at pangalawang pinto ay adjoining bathroom at closet siya at mahahalata mong sosyal pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit parang nakita ko yung mga damit ko sailan sa mga cabinet. Pero baka namamalikmata lang ako I mean papano naman yun diba. Ano yun kinidnap nila ako tas nag-stop over sila sa bahay nang hindi man lang nahahalata ni tita tere? I think no my friends. Kaya hinayaan ko nalang.
Triny kong buksan yung pangatlon pinto pero suprisingly nakalock to bakit kaya? Ahhh eto na siguro yung pintuan palabas...
Krungg...Krung...
Shaks.. gutom na ako. Makatawag nga ng room service.
Hello? ayy... ayaw ibang approach kaya.
Gutom na ako? Wala parin?
Tao po? Mamang kidnappers?
Ay nako
Kung walang tao pwede multo nalang? Aishhh ano ba naman toh pati multo wala tong bahay na to' ang sama naman nila, mga bastos, sila na nga tong nangingidnap hindi pa napapakain at hindi pa sumasagot.
-------------------------------------------
30 minutes later
-------------------------------------------
That's it ayoko na!!! kanina pa ako gutom at FYI lang hindi pa ako kumakain nag KAHIT ANO simula nung lunch which from the wall clock sa kuwarto is almost 12 hours and thirty minutes ago. And I mean that's more than like half of the day na hindi ako kumakain.
Paano pa nila ako maeenterogate ngayon? O kaya naman iharap man lang sa nagpakidnap saakin kung mamatay rin lang naman ako sa gutom?
Kaya tsineck ko muna yung paligid ko at siniguradong walamg taong paparating. As if naman may inaasahan ako. Kasi naman hello? Kanina pa ako tumatawag dito at may sumagot ba? Wala diba? Pero better safe than sorry ika nga nila.
At nang masiguro kong walang paparating ay pumunta ako sa binatana at nag-fingers crossed na sana hindi siya nakalock at thank you nang narinig kong may click na nagsasabing bukas siya. So kinuha ko yung gamit pero hindi bago itsek kung kumpleto nga yung gamit ko dahil baka may nawala noh.
At kahit alam kong bongga at sosyal yung kuwarto yun eh malay mo wala rin pala silang pera at nagnanakaw at nangingidnap for ransom lang sila para sa pera. At kung ganun nga ay nagaksaya lang sila ng pagod at gas para sa van nila dahil wala silang makukuha saakin kasi naman as if may ipambabayad ng ransom si Tita Tere at kung gusto man lang niya akong umuwi Sa bahay---Wait! Tita? Uwi?
Hala!!! O_o lagpas na ako Sa curfew ko... latay na naman ang aabutan ko nito eh, at hindi lang yon sana nga pakainin pa ako nun eh kahit ako naman bumibili ng pagkain dahil hindi lang siya bitter kundi strict pa pagdating sa curfew, parang fairy godmother lang kaso 1000 times mas nakakatakot, pangit at evil version nga lang niya.
Pero balik na sa problema dahil nasiguro kong walang nawala ay tumalin na ako Sa bintana at buti nalang walang nabali kahit anong buto.
Thank you cheerleading skills. At sa wakas....
Freedom!!! Oops??? Bigla akong napatigil nang narealize kong nasigaw ko pala yun.
Hoy! Anong ginagawa mo diyan?!? Huy! Bumalik ka nga dito! Too late na ata ako dahil mukhang nabuking ako ng aking out loud thingking kaya kumaripas na ako ng takbo papunta sa george of the jungle dahil ayokong mahuli ng big bad wolf.
[Gaga! Anong George of the jungle at big bad wolf ka diyan?!? Movie at Story yang mga yang! Tsaka FYI forset yang pinupintahan mo hindi jungle]
Ahh... Oo nga pala sorry. Peace tayo author. Pero hayaan mo magmamarathon ako ng movies at cartoons para lang sayo hihihihi.
[Tsk sige na nga takbo ka nalang baka mahabol ka pa nila o siya babu]
Bye author at thank you. At pagkatapos non ay tinuloy ko ang ang pagtakbo ko sa jungle este forest.
-------------------------------------------
So okay lang ba siya? Sorry kung medyo matagal...
Share
Vote
Comment and feel free to suggest
-Musiclouisse

BINABASA MO ANG
Mafia Boss' Wife
RomanceHappy on the outside but sad on the inside, yan ang sabi nila which is ang life motto ni Alisson Santiago. Pero sa kaso niya ay hindi lang lungkot ang nasa saloobin niya kundi sakit sa pagpapasakit sa kanya, at pangungulila sa kanyang mga magulang...