1st Color

42 4 0
                                    


 Thirteen seconds remaining nalang kaya umugong na nang malakas ang hiyawan sa gym.. one point lead lang eh.. kanya-kanyang cheer, tawa, usap, ingay at kung anu-ano pa.. pero mas malakas parin ang sigaw ni Chaez at hampas niya saakin., adik sa basketball 'to eh.. kahit masakit sa tenga at braso, kinakaya ko, masaya siya eh.. mejo hugot ang dating pero literal naman yan at totoo siempre.. sarap kaya sa pakiramdam ang tingan siyang nakangiti't masaya.. kaya lang, bago pa man matapos ang oras, sabay sa whistle ng referee dahil sa foul ang foul ding paghatak ni Ezekiel kay Chaez.. napa-angat ulo ko't gusto ko na agad basagin yung pagmumukha niya kaya lang narealize kong ang overboard naman nun..

"ano ba?"

pagpupumiglas ni Chaez

"di ba sabi mo masama pakiramdam mo kaya uwi ka lang pagkatapos ng klase, tapos andito ka?"

sagot ni Ezekiel at hinila niya na patayo si Chaez

"dude, dahan-dahan lang,. masakit yan."

boses ko

"wag kang mangialam dito Jared Jirt Silvano.. usapang magsyota 'to"

sagot niya

"usapang ano? hindi kita boyfriend, ok?"

sabat ni Chaez

"halika na!"

sigaw ni Ezekiel

at natapos na nga ang laro.. pero ni hindi ko na nga napansin kung sino nanalo.. nagulo na ako eh.. ang gulo naman talaga pagka kaibigan ka lang.. typical na issue pero iba pa rin pag nararamdaman.. matagal ko nang kaibigan si Charina Ezther Villareal.. and along the way ng friendship namin, bigla nalang may nagbago.. at patuloy na nagbabago kahit na pinipigil ko.. pero teka lang, magpapakilala pa ba ako?. kelangan ko pa bang magpakilala eh binanggit nang buo ng gagong yun ang pangalan ko?. tss.. pero sige, magpapakilala ako.. ako si Jared Jirt Silvano, minsan Jared o kaya'y Red pero madalas Jirt.. at mas gusto ko din yun.. yun ang tawag sakin ni Chaez eh.. at yun,. ipagpapatuloy ko na ang drama ko.. dati, nung magkaibigan lang kami.. este,. kaibigan lang ang turing ko sakanya.. wala lang.. andun siempre yung fact na mahal ko siya pero walang selos.. walang pigil na feelings.. walang hidden pain.. kaibigan ko eh.. magkaibigan kami eh.. at sa di ko malamang rason.. unti-unti ko nang nararamdaman anng mga hindi naman dapat.. yung gusto ko palaging ako lang ang kasama niya.. ako lang yung nakakapatawa sakanya.. yung basta gusto ko ako lang.. pero siempre hindi ko naman maipakita or magawa yun, mabubuko ako nun.. kaya dun na nagsimula yung battle ko versus my own emotions.. kahit selos na selos na ako.. sa mga umaaligid sakanya.. mga may gusto sakanya.. sa mga gusto niya.. wala.. nagiging napakasinungaling ko.. fake smiles.. fake cheer.. fake lahat.. ansakit eh pero pinapakita kong okay lang.. supportive friend.. baka kase pag umamin ako,. maging katulad lang ako ng mga panandaliang boyfriends niya.. ayoko naman maging isa lang sa mga walang kwentang dumadaan lang sa buhay niya.. gusto kong magstay.. hindi man forever pero sana matagal..matagal na matagal.. at mangyayare lang yun kung kaibigan ako.. maingay siya, maldita, mataray, pero palabiro at mabait.. napaka.. pero yung mga negative lang yung tumatatak sa mga tao sa paligid.. at yung mga so-called boyfriends niya?. hindi naman seryoso yun.. minsan yung iba nag-aassume lang.. namimisinterpret yung pagiging sweet and friendly niya kaya akala mutual na rin ang feelings.. gusto kong mangialam pero kahit matalik kaming magkaibigan, personal masyado yun eh.. kaya nagcocomment lang ako o nagaadvise pagka nakwento siya.. pero yun.. pili parin yung mga sinasabi ko.. hirap magpakatotoo pagka nakasalalay yung mahal mo eh.. magulo din kase siya minsan.. alam ko naman kung sino yung gusto niya.. ang nag-iisang Oliver Sean Garcia.. yung di siya mahal kase ayaw siyang mahalin.. mabait sanang tao pero nakakainis kase madalas siya parin ang rason ng mga luha ni Chaez.. kahit hindi naman siya masisi, nakaiirita parin.. ako yung nag-aabsorb ng mga luha at sakit na naipaparamdam niya kay Chaez at ako lang din ang nakadarama ng sakit pagka hinahanap ni Chaez sa ibang tao yung hindi niya makuha kay Oliver.. andito naman sana ako,. pero yun parin,. kahit pinakamamahal niya akong kaibigan.. kaibigan parin lang ako.. na hindi magiging ever enough to patch the wholes or stitch the tears in her heart.. minsan parang gusto ko nang bumitaw.. hindi ko na rin alam kung ano pa't naghohold on ako eh.. gusto ko na siyang pabayaan para sarili ko naman yung bigyan ko ng pansin.. pero kahit kaya ko., sinasabi ko nalang na hindi kase ayoko talaga siyang mawala sa buhay ko eh.. mahal ko kase talaga.. heart breaker man siya nang hindi sinsasadya at ni hindi nga siya aware, I'd rather be heart broken, basta ba siya ang dahilan.. ang peste naman kase ng puso kong 'to eh.. okay naman dati.. bakit kase sumobra pa yung pagmamahal ko sakanya? eto tuloy ang sitwasyon.. feeling ko ang dishonest ko sakanya.. kase alam niya lang mahal ko siya.. pero di siya aware na mejo umiba na.. pero pinipigil ko naman.. I'm really trying to love her less.. pero 'tong feelings, the more na nasusuppress, the more na nagiging deep.. pati utak ko nalulunod na eh.. ewan.. anhirap magpretend.. lalo na't walang sikreto saamin., wala naman talaga akong sikreto.. well, maliban sa mahal ko siya more than she knows.. pero balang araw alam kong mawawala rin 'to.. kaya hinding-hindi ko talaga sasabihin sakanya.. baka pati saakin mailang siya eh.. at mabawasan yung trusted people niya.. ansakit na ngang andami kong kaagaw sa puso niya,. gugustuhin ko pa bang mas lalong mawalan ng lugar? at nagreact nanaman siya ng 'love' sa post ko.. hai.. kung alam mo lang Chaez na ikaw ang babaeng tinutukoy ko.. at kung alam mo lang na ako ang writer na hinahangaan mong si Jedd.

[First Chapter Done]

(to be continued)


When VIOLET fades to BLUEWhere stories live. Discover now