22nd Color

6 0 0
                                    


Chaez' Case...

Weekend nanaman.. ambilis ng panahon!. at sa di ko alam na rason, naeexcite ako.. ah siguro kase makikita ko si Lance at masasauli ko na sakanya yung bracelet nang ayos at ako mismo umayos.. tapos matutulungan na rin ako ni Jirt sa assignments ko.. para wala na ako masyadong alalahanin pag start ng week.. after ko lang maglunch eh bumyahe na ako papunta kila Jirt.. may dala-dala akong self-made egg roll sushi.. tsamba-tsamba lang.. mejo makulimlim pero hindi naman naulan at parang hindi naman uulan.. buti naman para di ako pag pawisan..hmm.. pagkarating ko dun, nakita ko agad si Lance, kase naman nasa bubong, tss.. anung trip yun?. pumasok ako't dinatnan sina Tita at Tito na nasa sala nanunuod ng TV..mano muna ako tapos binigay yung dala ko.,

"si Jirt po?

"ah, kaaalis lang, susunduin si Jhoeyane sa kaklase, dun kase natulong.. project eh.."

sabi ni Tita..

"ah, okay po.."

pagtingin ko sa phone ko, may text nga pala.. di ko na napansin kase excited masyadong malasahan nila yung gawa ko.,

"ah, diretso na po ako sa kwarto ni Jirt.."

"ahsige na Charina,. dun mo nalang antayin..mabilis lang naman yun.."

so pumasok na ako.. nilagay ko na yung gamit ko sa upuan dun at dumiretso sa bintana.. tanaw ko si Lance.. kinuha ko muna yung bracelet niya at saka tinawag yung atensyon niya,

"pst!."

lumingon siya't tinanguan alng ako..tss.. kaya inakyat ko na yung binatana para makalapit sakanya..eh mahina ako sa mga gan'to kaya dahan-dahan yung yapak ko papunta sakanya..napansin niya yun kaya inalalayan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa kamay..and the moment our hands touched, na-ground ako.. ewan.. di ko naman 'to nararamdaman kay Jirt.. psh.. siguro kabado lang ako kase may kasalanan ako.. kaya nang nakaupo na ako sa tabi niya, binawi ko na agad kamay ko.. at para mawala na yung mga daga sa dibdib ko, kinuha ko na agad yung bracelet at binigay sakanya,

"eto na pala yung bracelet mo..sorry talaga.."

kinuha niya't sinuot at tiningnan at ngumiti at,

"gem..."

so napaexplain ako,

"di ko kase alam kung ano talaga eh., so I chose the safest..mali ba?"

"actually, it's Meg.."

"ganun?. akin na.. ulitin ko.."

aagawin ko ulit sana.. at nilayo niya nanaman.. pero napatigil na ako baka kase mangyare ulit,. pag nagkataon, mahirap-hirap yung paghahanap ng beads since nasa bubong nga kami..

"okay lang.. okay na 'to..salamat.."

tahimik na sana ako.. pero since hindi naman talaga ako ganun,

"sino si Meg?... ai sorry, gossiper ba masyado?"

tumingin na lang ako sa kalangitan.. hindi naman 'to magkukwento.. si Jirt ngang close ko hindi nakwento.. siya pa kaya saakin?. hmmm.. ganda ng ulap.. kahit alas tres ng hapon, hindi masakit sa mata.. sarap magstar gaze neto mamaya..

"first love ko si Meg..."

bumoses siya so napatingin ako sa kanya.. magkukwento siya? saakin? seriously? HAHA!. game!. so yung mata ko focused na sakanya.. handang-handa na rin yung tenga kong makinig,

"first girlfriend din.. and last na rin siguro.. ewan.. pero wala na kami.. tama talaga sigurong you won't end up with your first love,. sad di ba?. pero if hindi lang naman siya, wag nalang.. corny di ba?"

awww.. parang nagbabasa lang ako ng Jedd.. yung tingin ko sa kanya parang kwento-ka-pa-po-please..

"...etong bracelet nalang na 'to yung naiwang inanimate object na makapagpapaalala sakin sakanya.. kinuha niya kase lahat ng bigay niya saken.. sinunog without my permission para mabilis ko daw siyang makalimutan.. kaya nga nung nasira 'to., parang napaisip akong siguro nga dapat ko na siyang kalimutan.. pero ngayong andito nanaman siya sa wrist ko, hindi ko alam kung anung message nanaman ang meron 'to.."

owmaigaaash!. Jedd lang talaga yung dating niyaaa.. parang kausap ko lang yung totoong Jedd.. si Jedd!. kinukwentuhan ako nang personal..haiii.. ansarap naman sa pakiramdam nang makinig.. most of the time, ako lang kwento nang kwento eh..

"dapat ba hindi ko na inayos yan?"

tanong ko.. pero shrug lang sagot niya.. pero ewan bakit gumaan na yung pakiramdam ko.. nakangiti nanaman ako..hai.. at yun, nakita na naming dumating na sina Jirt at Jhoeyane..

[Twenty-second Chapter Done]

When VIOLET fades to BLUEWhere stories live. Discover now