16th Color

5 1 0
                                    


Chaez' Case...

Masasabi kong ang birthday ko sa year na ito ang pinakamasaya't pinakaspecial.. at dahil yun sa maraming bagay at tao at realizations.. basta!. Monday nanaman, pasukan nanaman, pero ewan bakit natatamad ako.. ang lamig kase.. sarap lang matulog.. pero di naman pwede., so pumasok parin ako..

Nakahalumbaba na ako sa may canteen habang hinihintay si Jirt,

"woi!.nakabusangot ka jan?"

bungad niya sabay upo sa harap ko

"sakit kase ng ngipin ko.."

reklamo ko

"yan kase, hindi nagtotoothbrush eh.."

asar niya..

"mukha mo!"

inirapan ko nga..

"joke lang"

"dahil kaya 'to sa cupcakes mo!"

"kase sa sobrang takaw mo, hindi ka na namigay.. inubos mo talaga.."

tawanan lang ulet., at kumain na nga kami..nakakainis nga kase di ko manguya., lunok lang ako nang lunok.. di ko tuloy naenjoy yung pagkain..

Nang paalis na kami, napansin niyang papilay-pilay akong maglakad,

"oh, napano yan?"

"blisters, anliit ng shoes ko ih.."

"ba't yan pa sinuot mo?"

"eto lang kase babagay sa dress ko"

"baliwag ka talaga eh noh?. kahit masakit titiisn mo basta maganda ka? eh nawala na rin porma mo since ampanget mong maglakd.."

"hayaan mo na.."

"hayaan... hali ka nga dito.."

pinaupo niya ako sa pinakamalapit na bench dun tas hinubad sapatos ko., umaksyon siyang parang ambaho ng paa ko, nilapit ko nga mismo sa ilong niya., HAHA!. at yun, nilagyan niya ng band-aid., tsk!. amazing., boyscout!. at nung okay na, punta na daw kaming clinic para sa ngipin ko, ayaw ko na sana pero mapilit eh, minsan lang din 'to., unfortunately, kauubos lang daw ng med for toothache.. inofferan ako ng isang box ng toothbrush,. binatukan ko nga.. HAHA!. nakadadalawa na ako sakanya., so yun, dinisolve niya lang ang napakaraming asin sa isang cup of warm water at i-gurgle ko daw yun hanggang maubos.. pwede ko daw lunukin after., suntok sa braso naman inabot niya., three strikes na., sorryyy.. HAHA!. mejo naging ok na yung ngipin ko, ok na rin paa ko., hmm.. all thanks to him ah..

Sa hapon, wala talaga ako sa mood mag-aral..kaya tahimik lang ako., napansin din nga ni Perces na matamlay daw ako.. sabi ko lang wala ako sa mood.. kaya kahit nung nagbreak na, di ako sumama bumili nang kahit ano sa labas., ginawang unan ko lang yung bag ko sa arm ng chair at natulog kunyare., maya-maya lang may na-feel akong malamig sa pisngi ko., pagdilat ko, si Perces, may dalang double choco shake na Vitamilk.,so naupo na ako nang maayos., inoffer niya yun saken,

"oh, magka-energy ka lang ulet., parang di ikaw yan eh pagka tahimik.."

ngumiti lang ako't nagtahnk-you at ininom na rin yung bigay niya..may dala pa nga siyang mga chocolate bars pampahyper ulet saken.. nagsad-face lang ako't sinabing nasobrahan nga ako sa sweets kaya sakit ng ngipin ko kaya siguro ang tamlay ko., nilagay niya parin sa bag ko,. kainin ko nalang daw pag pwede na.. hmm.. ano kaya nakain nito't parang ambaet sakin ngayon..HAHA!.

Nang uwian na, hinabol ni Perces yung lakad ko't sinabayan.. at may nilabas siyang wrapped box,

"belated birthday gift ko nga pala sa'yo.."

"ooh.. thank you!"

nagulat naman ako.. di pa pala tapos yung surprises for me.. hihi.. napa-waw nalang ako nanag mabuksan ko't nakita..

"hala!. thank you naman dito Perces.."

"welcome..naalala mo kase yung nagpasama ka saken sa mall., kinulit mo 'kong bilhan ka niyan ih.."

"aww., waw.. thank you talaga!"

Nakatutuwa namang makatanggap ng surprise gift sa taong never kong inasahang magbibigay.. HAHA!. kahit matamlay ako sa araw na 'to, before mag-end, ansaya!. di na ako nagpahatid kay kay Jirt.. kahit kase ansaya na, wala parin akong energy.. hmm..

[Sixteenth Chapter Done]

When VIOLET fades to BLUEWhere stories live. Discover now