12th Color

3 0 0
                                    


Chaez' Case...

Early lunch with Jirt!. sa canteen lang kami malapit sa building C para madali nalang lakarin for the next subject.. habang pumipila kami, yung nasa unahan ko bigla nalang nag,

"Ui, Hi Charina.. cute ng feather mo ah., ang cute mo ngayon.. sige.."

napadilat lang mata ko at napasmile na rin para di awkward., napahawak din sa feather sa ulo ko,

"thanks JD!"

pahabol ko kahit di na ata ako narinig.,

"sino nanaman yun, crush mo?"

bulong ni Jirt..

"grabe, nagthank-you lang, crush agad.."

"tigilan mo nga ako., ayan nanaman yang ngiti mo eh.,"

HAHA!. mapang-asar talaga 'to si Jirt eh..

"eh kase naman,. si Jeremy Denn yun., panu naman ako hindi kikiligin nun? sikat kaya yun.."

"ah talaga? ba't di ko kilala?"

"eh kase po napakaboring ng buhay mo!"

pero siempre joke lang yan.. at kumain na nga kami., dumaan din si Ezekiel.. nagawkward smile lang ako.. siya rin.. nakapanghihinayang pero at least we're in good terms., di yung back to stangers..

Napansin kong aknoti niya talaga kumain,. so since palasubo ako,.

"aaah!"

sabi ko while sinusubo sakanya ang malaking slice ng beef steak., kaya lang sa sobrang arte niya,

"may kamay ako.. di mo 'ko kelangang subuan.."

"dali na., aaah.. para baby kita.."

"ayaw nga.. para kang baliw.."

so nagpout nalang ako at kinain nalang yun.,

"arte mo!. ayaw mong kuya, ayaw mong baby..anu gusto mo?"

"Jirt..."

inirapan ko nga., nagcross-arms pa ako.. arte kase., daig pa ako.. tahimik na akong kumain.. maya-maya lang,

"sorry.."

boses niya.. tiningnan ko lang..

"di lang kase ako sanay sa ganun.. naiilang talaga ako.. di naman kase ako ganun di ba? sorry na., please?"

"oo na., may magagawa pa ba?"

"smile na muna.. para maganda ka.."

"kahit hindi ako ngumiti, ma.gan.da. ako!"

at yun, tawanan na.. HAHA!

Sa bus pauwi,. mejo pagod talaga ako today kaya sabi ko kay Jirt matutulog talaga ako sa byahe.. tas biglang napasandal ako sa may glass window..

"masakit sa ulo yan.."

sambit ni Jirt, kaya pinasandal niya ako sa balikat niya, kaya lang.. talim.. HAHA!

"eh mas lalong sasakit ulo ko sa balikat mo eh., deadly weapon!"

sambit ko nang nakapikit parin ako..

"arte mo.. oh!"

tas naramdaman kong hinagis niya nanaman sa mukha ko yung jacket niya.. eh patay-malisya ako.. kaya siya parin nag-ayos nun para maging unan ko sa balikat niya.. pero wala pang isang minuto,

"baba ka konte., magiging giraffe naman ako sa taas ng balikat mo ih.."

reklamo ko., narining ko lang siyang nag,

"pff.."

pero ginawa niya parin., maganda ako ih.. HAHA!

Nagising nalang ako nang may furry something nang pinangkikiliti niya sa ilong ko,

"Charina Prinsesa, gising na po..malapit na tayo.."

bumangon na ako't,

"Queen Ezther nalang.."

sambit ko pero wala parin ako sa wisyo ko., mejo lutang pa..

Nang makababa na kami, tinanggal ko na braid ko., nagulo nang lalo sa pagtulog ko eh,. yan, hello curls!. tas habang naglalakad na kami, naramdaman kong nilalaro niya buhok ko., nang tiningnan ko siya, nakatingin lang sa kawalan., kahit nakikiliti na likod ko, hinayaan ko lang., minsan kase talaga naiisip kong baka bakla 'to si Jirt ih., HAHA!. mas maarte pa saken,. sa pagkain at sa katawan.. tapos eto talaga nagaayos ng buhok ko, though pagtirintas lang.. tapos ngayon baka naiinggit sa curls ko.. HAHA!. sorry., kulet ng isip ko., nang nasa may gate na kami, napalaki mata ko't napatakbo nalang bigla habang sumisigaw ng,

"momehhh!"

HAHA!. nayakap ko tuloy nang sobrang higpit..kase naman.. month kong di nakita tapos isusurprise pa ako nang gan'to.. I'll make the most out of her stay dito., love love ko si momeh eh..

[Twelfth Chapter Done]

When VIOLET fades to BLUEWhere stories live. Discover now