18th Color

7 0 0
                                    


Chaez' Case...

Friday... Friday... Friday... movie time daw kila Jirt kase miss na daw ako ni Jhoeyane..hihi.. punta muna akong mall, bili lang ng snacks para astig.. pero babalik muna akong bahay kase kukuha ng ibang gamit.. overnight ih.. habang nasa bus, may nakatabi akong gwapo..HAHA!. kaso masungit.. tahimik lang kase siyang naka-earphones, naka-shades, at nakayakap sa bag niya.. alangan naman kaseng kausapin ako di ba?. HAHA!. ako, kain lang ng cheesy balls.. crunchy!. nang naubos ko na., napansin kong., oh my gosh!. yung cheese powder hinahangin pala sa t-shirt niya..hala.. andumi na ng damit niya., tsk!. gusto ko sanang mag-sorry kaya lang tulog ih,. tsaka pababa na rin ako., so hinayaan ko nalang., di niya naman ako kilala or maaalala..

Nang ready na ako., dumiretso na ako kila Jirt., diretso lang din akong pumasok since bukas naman yung gate kase inaasahan ako., haha.. pagpasok ko sa sala., nakita ko si Jirt nakatalikod na nakaupo sa sofa nila., umandar nanaman yung mapantrip kong cells.. tinakpan ko yung eyes niya from behind.. yung usual na trip.. as if di niya alam na darating ako di ba., pero wala lang., trip ko lang.. nakahawak na siya sa kamay ko nang makita ko si Jirt palabas sa kwarto niya.. ha?. teka, ano? si Jirt palabas sa kwarto niya?. eh di sino...?. napatingin ako sa lalake sa sofa at biglang bawi ako ng kamay kong hawak niya.. napalaki mga mata ko't napatakip bibig.. yung lalakeng nakatabi ko kanina sa bus.. anong...?.

"naku, sorry po.."

sambit ko.. sorry kase napagkamalan ko siyang si Jirt at sorry na rin sa kanina.. napansin kong nagpalit na rin siya ng damit.. napansin kaya niya? ngumiti lang siya nang sobrang saglit..

"ah, Chaez, si Lance pala,. pinsan namin.."

boses ni Jirt..

"hello po.."

bati ko.. ngumiti lang siya ulet.. sungit nga..

"wag kang masyadong magalang..." sabat ni Jirt, "...aside na di bagay sa'yo, mas matanda ka pa jan.."

"ganun?"

ngumuso ako., sabay irap kay Jirt., porke bahay niya 'to, lakas mang-asar!. buti nalang lumabas na si Jhoeyane,

"ateee!."

patakbo niyang sabi sabay yakap sakin..

Maaga kaming nag-dinner para daw makarami ng movies.. nagprisinta akong ako ang maghuhugas.. buti nalang pumayag naman sila tita't tito.. ayaw sana nila kaya lang bumoses si jirt na oo na daw para daw matuto ako.. konti lang naman ih.. maya-maya lumapit si Lance sakin sa may sink at siya na daw babalik ng utensils sa dish rack.. habang siniset daw nila Jirt at Jhoeyane yung movies.. tahimik lang ako.. nang matapos na, naattract ako sa beads bracelet niya,

"anu yan?"

sabay hawak ko., since sanay ako sa ganung gesture.. kaya lang bigla niyang nilayo kamaya niya eh nakasabit na pala daliri ko., so next thing was, nagkalat sa kitchen yung beads.. napalaki lang mata ko..

"hala!. sorry po.."

sabay upo ko na para pulutin yung mga beads.. narinig ko lang yung buntong-hininga niya at cold niyang boses,

"yaan mo na yan, 'lika na..magsastart na yung movie.."

tas umalis na siya., pero ang nasa isip ko lang eh mahanap lahat ng beads.. kahit tinatawag na ako ni Jirt.. di pa rin ako tumitigil hanggang di ko pa nahahanap lahat..tumayo lang ako nang wala na akong maaninag na beads.. buntong-hininga din.. tas nilagay ko sa pouch ng pouch ng bag ko.. at yun,. nag-start na ang movie marathon..

Normal na awkward yung atmosphere.. awkward na hindi kami nagkikibuan ni Lance pero normal lang naman yun since hindi naman kami close pero yun nga mas awkward kase may kasalanan agad ako.. hai.. hindi ko tuloy masyado naenjoy yung movies kase disturbed utak ko.. di ko na siya kinibo... nakatatakot kase yung aura niyang ambaet na masungit na ewan na parang anytime magtuturn into a monster.. so ang plano ko nalang is paayusin yung bracelet niya.. whew.. kase naman.. ang ewan ko.. kahit si Jirt napansin yung pagkabalisa ko.. kaya after ng tatlong movies, before ako pumasok sa kwarto ni Jhoeyane para matulog, kinausap ko muna si Jirt at kwinento ko yung nangyare.. mabaet naman daw si Lance.. feel ko naman yun pero may something lang dun sa bracelet na ewan., bakit ayaw niya pahawakan?. at bakit parang naewan siya nang nasira.. yun bang nahiya lang siyang magalit saaken since bisita ako at di naman siya taga rito.. tsk!. naman kase Chaez!.

[Eighteenth Chapter Done]

When VIOLET fades to BLUEWhere stories live. Discover now