24th Color

3 0 0
                                    


Chaez' Case

Antuwa namaaan!. Kase 98% nakuha ko sa problem set ko sa Math,. Thanks to Jirt!. Kaya naisipan kong ilibre,. At sa sobrang excited kong magkwento eh hindi ko na siya inantay, ako na mismo pumunta sa building nila.. wala naman kase kaming discussion,. Sinauli lang yung mga graded preparations and projects.. habang nag-aantay ako sa labas ng room nila, siempre pasilip-silip ako.. hanggang sa nakita ako at yung mukha niya ang cute kase gulat na nagtataka.. haha!. So ngumiti at kumaway lang ako.. at sakto din yung sa dismissal nila., labas siya agad at,.

"Anung ginagawa mo ditto?" tanong niya

"sinusundo ka, bakit?" ngiti ko

"bakit?" kunot-noo niyang tanong

"for a change.." tawa ko

At nagsilabasan na yung mga kaklase niya na mostly boys.. parang less than ten lang nga yung nakita kong mga babae dun.. may grupo ng mga lalake dun na nag,.

"ayuuun!. Binata na pala si Silvano.." pantitrip nila kay Jirt so sumabat ako

"wag niyo ngang inaasar boyfriend ko!" pakyut kong kunyare galit.. HAHA!.

"whoooaaah!" chorus nila at may isang bumoses lang ng, "ok,. Oh tara na mga pre,. Wag nang storbohin ang boyfriend ng cute na yan.."

Tumawa lang ako., si Jirt parang ewan na.. nagsialisan na sila.. maglalakad na rin sana ako nang,

"ba't mo sinabi yun?" sambit niya

"alin?"

"yun.."

"na boyfriend kita?"

Tumango lang siya..

"bakit, hindi ba?" sabay akbay ko sakanya at ngiti

"tigilan mo 'ko Chaez., totohanin ko yan.." pigil ngiti niya habang naglalakad na kami after niyang tanggalin yung akbay ko sakanya since ang liit ko at antangkad niya,. Haha..

"eh di totohanin mo!"

Di na siya umimik at diretso lang yung tingin at lakad niya., so bumoses ulit ako..

"hindi.. di ba kase., 'boyfriend' naman talaga kita.. ikaw lagi kong kasama., ikaw ang laging nanjan pagka kelangan o hindi,. Ikaw ang nasasabihan ko ng lahat.. at siempre kase mahal kita..ganun.. HAHA!. Hindi ko kase maimagine na magkakaboyfriend ako ng totoo..yung seryoso.. I mean like, yung.. basta!. Ano, tayo nalang? Hahaha.."

"panu kong ligawan kita?" seryoso yung mukha niya kaya,

"marunong ka? Hahaha!"

"hindi nga ih.." kamot niya sa ulo..hahaha

"kung manliligaw ka, sagot agad.. kilala naman na kita eh,. Ba't ko pa papatagalin?"

"bakit, mahal mo rin ba ako?"

Tingin niya sakin.. kaya napatigil kami sa paglalakad habang nasa tapat na ng hagdan..

"ewan..." kibit-balikat ko, "...bakit, mahal mo ba ako nang ganun?"

"ewan... siguro?"

"tss.. yan tayo eh., magulo.. wag na.. let's just be friends forever,. We're better off this way.. lika na,. gutom lang yan.."

Sabay hila ko sakanya pababa ng hagdan.. tahimik na siya ulet.. diretso lang kami sa bagong bukas na café malapit sa school.. sinabi ko nang libre ko dahil galling niya ngang tutor,. Na all thanks to him,.

"wala naman nga akong masyadong ginawa.. ikaw naman lahat nagsolve nun.." argument niya

Dinamihan ko parin order kong food for us.. habang nagkukwento ako at nakikinig siya like the usual setting pag magkasama kami.. habang nakatingin ako sakanya, may mga thoughts na pumapasok sa isip ko like.. what if siya nalang? Magiging better kaya? O baka makasama pa? ok naman si Jirt ih,. Mahal ko., mahal ako.. ok na kaya yun? Sapat na bang rason yun? Kelangan nga ban g rason? Kaso di ako kinikilig sakanya pero nakakagaan siya ng damdamin.. kelangan ba yung nakakagulo ng puso? O yung nakakapacalm? At di ko napansin sa gulo ng utak ko, napatigil na pala ako sa pagsasalita at nakatingin lang sakanya.. nagising lang ako nang nagsnap siya sa mukha ko,

"hui!. Anu ka jan? nagagwapuhan ka na saken?" tawa niya

"mukha mo!." Irap ko pero siempre joke lang

At yun,. Inubos nalang naming ang nachos.. na mostly ako lang ang kumain kase baka tumaba daw siya lalo., lalo? Tumataba ba ang bones? HAHAHA!. Haii., ansaya lang kase sa feeling na kasama ko siya at gan'to kami., boyfriend ko man siya o kaibigan lang, ok lang kahit ano basta gan'to kami lagi., ewan..

[Twenty-fourth Chapter Done!]


When VIOLET fades to BLUEWhere stories live. Discover now