20th Color

5 0 0
                                    


Chaez' Case...

Di na ako nagpahatid kay Jirt akse sabi ko may pupuntahan pa ako.. tsaka dapat may family time sila lagi.. alam ko kung gano kaiportante yun since alam ko din ang pakiramdam nang malalayo ang magulang.. anyway, ayoko pong dramahan ang araw na ito.. ang initial plan ko sa nasira kong bracelet ni Lance eh ipaayos pero parang mas feel kong ako nalang.. so naghanap ako sa mall ng materials para maayos ko yun.. at nang nakauwi na ako, direcho sa kwarto para simulan na yung pag-aayos nang nasira ko.. hindi naman siya gaanong kamahalan, black beads lang at may tatlong white na mat letter each.. E, G, tsaka M.. at napataas muna yung kilay ko.. initials ba 'to o pangalan? MEG? GEM? o... aaah!. ewan!. so kinuha ko phone ko't tinawagan si Jirt..

*ringing*

[Hello..]

[Jirt!]

[oh?]

[may tanong lang.. may girlfriend ba si Lance?]

[tss.. ano bang tanong yan?]

[sagutin mo nalang, please... or kung ayaw mo, pahingi nalang ng number niya..]

[wag na.. walang girlfriend yun..]

[ah, special someone? o kaya'y ultimate crush?]

[aba malay ko..]

[eeeh.. pahingi na nga lang ng number niya.. importante lang..]

tsk!. ba't ba napakairitado nito.. natahimik siya, so...

[hui!. ano na?]

[oo na,.isend ko nalang]

[thank...]

ai, binabaan ba ako.. tss.. suplado talaga nito.. magpinsan nga talaga sila.. so hintay-hintay muna.. tas may message na.. ayaw daw ni Lance ibigay number..tss.. ang arte-arte!. di wag.. di ko na nga nireplyan..mga 15 minutes siguro akong nag-isip..at yun, ang napagdesisyunan ko nalang eh GEM., para safe.. precious sakanya yung bracelet like a gem.. so yun na.. nabilis ko lang natapos since madali lang naman talaga..

At nagutom na ako.. kaya naghanap na ako ng makakain.. nang mabusog na ako, bumalik lang agad ako sa kwarto.. Jedd time!. kaya lang, puro lang drawings yung recent posts niya.. magaganda naman siempre pero mas enjoy ako pagka kwento.. anyway, busy rin siguro si Jedd..hai.. kelan ko kaya siya makikita..makikilala..magiging ka-close?. HAHA!. tapos biglang may Just Now post siya.. emoticons lang.. from annoyed to sad to cry .. aww.. anu nanaman kaya problema niya? so nagcomment lang ako ng happy face at encouraging words na someday magiging happy din siya.. at nag new tab nalang ako pata manuod ng Japanese movie.. asa naman kaseng replyan ako nun di ba?. nakadalawang movies lang ako't natulog na..

The following morning, maaga palang eh sinimulan ko na mga assignments ko.. andami na pala kase, may projects pa.. ano ba pinaggagagawa ko these past few days at hindi ko 'to naasikaso.. hanggang 3pm, nangangalahati palang ako.. though hindi pa naman bukas yung pasahan nito pero pag may nasimulan kase ako, kelangang tapusin ko na eh.. habang nasa mood at enthusiasm pa.. nang gabi na, mejo patapos na ako.. pwera dun sa Math subjects ko.. hina ko sa numbers eh.. pero di naman bobo, slow lang.. kaya tawag nanaman ako kay Jirt, sana di busy,

[Jirt!]

[ano? wala na si Lance, kaaalis lang..]

[hala siya.. wala pa akong sinasabi..]

[oh, anu nga?]

[patulong ako sa Algebra tsaka sa Stat..]

[kelan?]

[ahm,. basta this week, siguro kahit Friday nalang ulet.. end of this month pa naman deadline neto eh.. pero para lang maaga kong maintindihan..]

[ah, sige..]

[punta nalang ulet ako senyo, pwede?]

[sige..]

[yey!. sige, thank you!]

at binaba niya nanaman.. ano kayang nangyayare dito at iritado lagi.. di ko alam kung saakin lang.. pero baka di naman, hindi ko naman siya inaano.. pero kunsabagay, masungit naman talaga lagi yun,. ohwell, stretch-stretch!. sakit na ng paa, kamay, at likod ko.. in other words, sakit na ng kaluluwa ko!. HAHA.. wala pang Algebra at Stat jan ah.. yaaawn!. makatulog na ngaaa..

[Twentieth Chapter Done]

When VIOLET fades to BLUEWhere stories live. Discover now