13th Color

5 0 0
                                    


Jirt's Case...

Isa din sa nakapagpapaaliwalas ng mukha ni Chaez eh si tita.. ganda ring makita ulet silang sobrang miss yung isa't isa.. at yun, nainvite na ako for dinner.. sa dining table,

"kumusta ka naman Jared?:

panimula ni tita habang siya yung naglalagay ng pagkain sa plato ko na sana wag niyang damihan kase nakakhiya pagka di ko maubo., manang-mana si Chaez eh.,

"okay naman po tita.."

ngiti ko., hindi naman ako akward sakanya kase kasing cool niya lang rin si Chaez pero hindi talaga ako palakwento eh.,

"eh itong si Chaez, kamusta?"

intended parin saken yung tanong pero sumabat si Chaez,

"momeh!"

sabay make-face saming dalawa..

"may nanliligaw na ba dito?"

"siempre naman!. ganda-ganda ng anak mo eh.."

si Chaez yan, hindi ako.. at tawanan lang..

"pagka may umaaligid-aligid dito Jared isumbong mo agad sakin..

"hehe, opo.."

ako na yan..

"pero mas gusto ko sana kung kayo.."

ngumiti lang ako., gustong-gusto ko rin po yun tita..

"isusumbong ko talaga kayo kay dady pag-uwi., inaaway niyo 'kong dalawa.."

ayan nanaman yang kyut niyang kaartehan..

"bakit?" tanong ni tita, "siempre yung gugustuhin ko para sa'yo yung matino., at mas kampante ako kung si Jared yun.."

tahimik lang ako pero kinakabahan..

"eh hindi nga kase mih..."

wag Chaez., wag mo nanaman sanang ulitin yung masakit na katotohanan..

"... kase may girlfriend na yan si Jirt.."

napabuntong-hininga naman ako nang tahimik..

"ah ganun ba?"

gulat na tanong ni tita..

"wala po.."

tapos yun pinagkukwento niya na yung kay Elle., ako prinoblema ko na kumpano uubusin yung sinerve saaken..

Nang matapos na kaming kumain.,

"tumutugtog ka parin ba ng piano?"

tanong nanaman saakin ni tita.

"ai opo tita,. di nga lang po palagi., gawa nang mejo dami pong dapat gawin sa skul pero pagka may time po.."

"naku mabuti ka pa., eh itong si Chaez, ayaw na eh.."

"momeh kase, kahit love na love ko yung piano, ayaw talaga sakin.. ang stupid pa ng left hand ko, di marunong makisama.."

kaya nga sabi kong bagay kayo ni Jared.. ikaw sa notes, siya sa chhords.. besides, left-handed ka di ba Jared?"

tumango lang ako., biglang nag-brighten yung mukha ni Chaez nang parang may bright idea..

"oo nga noh., tara Jirt, tayo nalang.. ligawan mo na ako bilis!. tas sagutin na rin kita agad para maachieve ko na yung love for piano ko.. dali!"

"baliw.."

sambit ko,. sumimangot siya,

"'ta mo mih,. ayaw na nga sakin ng piano, ayaw pa sakin ni Jirt,. huhu.."

tas nag cry-cry gesture siya.. ankyut!. tawanan lang kami..

Nang pauwi na ako, hindatid nila ako sa gate at pinabaunan ng bili daw ni tita na cornstarch cookies..

"ikumusta mo nalang ako sa parents mo Jared ah?. pati na rin sa kapatid mo,. sino na ga yun?"

"ah, si Jhoeyane po..thanks po tita., una na po ako..bye Chaez.."

"bye sa boyfriend ko na sana kaya lang ayaw naman saakin..HAHA!"

nginitian ko lang at yun nagpaalam na talaga ako..

Parang andaming nangyare sa araw na 'to.. andami niyang naparamdam saakin., mga emosyong pamilyar at bago.. mga bagay na sanay ako at yung ayaw kong masanay.. ayokong masanay kase balang araw mawawala lang din naman kaya baka mahirapan ako sa pagbabagong yun.. ewan., overthinking ba?. feeling ko much better nang gan'to.. at least, I could spare myself from hurting and siya din ma-spare sa pain na posible niyang mafeel kung hahayaan kong kainin ako ng damdaming eto na hindi naman nga kelangan.. siguro magiging kontento na ako sa kung ano ako sa buhay niya at mananatiling ganun as long as she would let me.. basta ako, mahal ko sya.. at yung totoong pagmamahal, di nageexpect ng something in return pero siempre naghohope ka to be loved back..

[Thirteenth Chapter Done]

When VIOLET fades to BLUEWhere stories live. Discover now