11th Color

5 0 0
                                    


Jirt's Case...

P.E. time., pareho kami ng schedule nng block nina Chaez kaya nasa isang ground lang kami.. magka-tabing court.. ang kyut-kyut niya nanaman.. nakatirintas kase nang parang mga babae sa panahon ni Hiawatha.. yung mga native Indian girls, at alam mo yung mas kyut?. may feather pa talaga siya sa ulo.. baliwag talaga 'to..tsk!. at nagtatatalon nang makita ako.. yung talon-kaway-talon-kaway na parang jumping jack.. laki-laki naman nga ng PE t-shirt niya sakanya., liit kase.. nginitian ko lang..ang ganda kase eh.. HAHA.. at nagsimula yung short lecture at instructions bago magsimula yung game.. volleyball kami.. dodgeball sila.. dodge ball with a twist kuno.. at yung twist na yun, nakaiirita.. yung hindi kase isahan.. try ko i-describe ah.. dalawahan siya.. may taong naka-backhug or nakahawak sa t-shirt sa likod.. yung mga "front" yun ang mambabato at target nila yung mga nasa likod.. wala bang nakaiirita? sakin, meron.. isa!. pair kase si Chaez at yung kasama niya sa ulan.. nakahawak lang si Chaez sa t-shirt nun sa likod tapos pinayakap nun para daw di nga tamaan,. eh siya ang tatamaan saaken eh!. ang ganda-ganda ng ngiti ni Chaez kase nageenjoy siya pero ako talaga umiinit na.. stage ano na kaya 'tong selos ko.. wala pa namang cure dito.. at sa katitingin ko kay Chaez habang napapatawa siya ng iba, ako yung natamaan ng bola..hindi naman nga ako kasali., nakaupo lang ako sa gilid eh., hapdi!. feeling ko namula mukha ko.. pero ganun talaga.. hindi naman nga ako kasali sa pag-ibig niya pero ako ang tinamaan.. ako ang nasaktan.. korrr..nyyy!. pero tinawanan ko nalang.. may iba pa bang pwedeng gawin?. kaya binaling ko nalang sa volleyball namin yung tingin ko.. at naglaro na din.. inenjoy ko yung time na masaya ako sa sarili kong buhay..inignore ko na muna yung nakasasakit..tss., andrama.. anu ba yan..

Nang matapos na P.E., nagpalit na ako kahit after lunch pa next subject., paglabas kong CR,. nagulat ako kase andun si Chaez,.

"oh, ba't andito ka?"

"inaantay ka.."

"bakit, asan na mga kaklase mo?"

"eh kakain daw sila.."

"ba't di ka sumama?"

"eh sa ikaw ang gusto kong makasama kumain., ba't ba dami mong tanong?"

di ko alam kung matutuwa ako o maiinis.. kaya yun, naglakad na kami palabas.. bumili siya ng cornetto sa dumaan na vendor., di niya na ako inofferan since alam niyang di naman ako mahilig sa sweets., tahimik kaming naglalakad papuntang canteen nang mapansin kong loose na yung tirintas niya kaya,.

"sira na buhok mo.."

"pakiayos naman please., anjan sa bulsa ng bag ko may sanrio pa jan.."

no choice ako kundi ang sundin siya.. nagkalat na sa kamay niya yung icecream eh., messy-eater..tsk!. so yun,. tigil muna sa paglalakad kase tinirintas ko muna yung half ng hair niya.. but please don't get me wrong, tirintas lang alam ko kase yun palaging pinagagawa saken ng kapatid ko.. hindi naman siguro so gay kung maalam ako nun di ba?. anyway, hindi pa nga nakakailang steps after naglakad kami ulet, natapilok siya, pagtingin ko, tss.. untied na yung sintas niya.. nagpakyut lang siya ng sad face.. nag roll eyes lang din ako at no choice nanaman ako.. kaya lumuhod na ako't inayos na yung sintas niya., pagtingala ko, wala lang patuloy lang siya sa pagkain ng icecream,. ankyut!. natuluan pa nga ako sa noo, siempre pahid agad, malay ko ba saan galing yun., sa cone, sa kamay, o worse, sa bibig niya?. gross di ba?. HAHA!. kaya tumayo na ako't,

"ayan, ok na.. hanggang ngayon, di ka pa marunong magsintas..

"

"thank you po, kuya.."

ngisi niya

"kuya... mukha mo!"

"maganda!"

guguluhin ko na sana buhok niya kaya lang nung nag-smile siya habang tinitingnan ako nang makahulugan,. narealize kong wrong move yun kase ako lang naman ang mag-aayos kung sisirain ko yung Indian braid niya kaya binawi ko nalang kamay ko..

At sa wakas, natapos na rin siyang kumain.. nag rawr pose pa siya saaken habang nilalapit yung madungis niyang kamay sa mukha at damit ko.,

"oi, umayos ka, kabibihis ko lang.."

ngumiti lang siya.. kaya kinuha ko na yung tubig sa bag ko't hinugasan na kamay niya.. panyo din siempre para sa bibig niya..

"hai naku..." buntong-hininga ko, "... para ka paring bata.. kahit maliit ka parin, matanda ka na oi.."

tawa ko..

"sobra ka naman sa matanda.. ok lang na ganito ako., mahal mo naman ako di ba?"

puppy eyes niya..

oo naman.. mahal na mahal.. tsk!

"ewan ko sa'yo"

sagot ko.

[Eleventh Chapter Done]

When VIOLET fades to BLUEWhere stories live. Discover now