9th Color

3 0 0
                                    


Jirt's Case...

Maaga kaming dinismiss ng prof namin kase may pupuntahan daw siya at ayaw niya raw ma-trap sa ulan.. pagtingin ko sa kalangitan, may umaambang ulan nga.. kaya hinanda ko na payong ko, sigurado kase akong walang dalang payong si Chaez.. dumiretso na rin ako sa building nila para hindi na maulanan yun or magpaulan.. paborito nun ang ulan eh., at kahit alam niyang mabilis siyang sipunin eh inienjoy niya parin.. pero antagal naman ata nilang magsilabasan, umaambon na oh?. kaya nagdecide na akong puntahan nalang siya sa klasrum nila., pagdating ko dun, waw!. wala ni isang kaluluwa.. maliban nalang siguro yung hindi ko nakikita.. awoo!. at yun tinakot ko sarili ko kaya kinilabutan tuloy ako.. so bumaba na ulit ako,.tsk!. wala man lang pasabi kung umabsent siya o may pupuntahan.. tinext ko kung asan, di naman nagreply, tinatawagan ko naman, ring nang ring, di naman nasagot.. okay.. so uwi nalang siguro ako.. ansarap nang matulog eh.. paglabas ko ng building, tsk!. buhos na ang ulan.. useless ang payong ko.. natagalan pa nga akong makasakay ng jeep kase paunahan na yung mga stujante traka puno na rin yung ibang jeep.. ako pa naman yung taong hindi nakikipagsiksikan nor nakikipagunahan.. I'll just wait for my turn or kung kelan pwede na,. so yun, nakasakay na rin ako, yun nga lang ambagal ng takbo.. caught in a traffic jam kase may baha na daw sa ibang lugar.. tinulugan ko na nga., pero in less than 15 minutes siguro nagising na ako sa di ko malamang rason at mas lalo pa akong nagising sa nakita ko sa kalsada.. paliko na yung jeep sa may bandang pedestrian lane at sa mismong lane na yun, may bigla nalang nakabasag ng puso kong hindi naman nga glass.. HAHA!. ankorni noh?. kase naman.. nakita ko lang naman si Chaez na halos nakayakap na kay..ewan.. di ko kilala at wala akong balak kilalanin.. at yung napakaganda nyang ngiti, suot niya nanaman.. nagkatinginan kami pero kunyare di ko siya nakita, hindi ko kase kinayang magfake-smile kahit sanay ako dun lalo na pagka anjan siya o tungkol sakanya.. ambakla man, pero tumulo luha ko,. pinunas ko lang kaagad at nagkunwaring ulan yun.. nasa jeep kaya ako.. anong drama naman yun kung ganun di ba? tsk!. ewan..

Pagkarating ko sa bahay.. punong-puno na ang puso ko ng halo-halong emosyon at ang utak ko ng mga salitang kelangan ko nang mailabas kase parang sasabog na,. naibuhos ko lang lahat sa Jedd.. at pagkatapos lang nun,. inoff ko phone at laptop ko't pinilit nang matulog habang pinipigil ang mga luhang gusto na ring lumabas pero ayoko lang.. maingay ang patak ng ulan.. maingay ang tibok ng puso ko.. maingay ang mga sumisigaw na boses sa utak ko.. gusto ko lang ng katahimikan.. at sa tulog ko lang makukuha yun.. buti nalang nakatulong ang bigat ng mata ko para makatulog na rin ako..

Kinaumagahan,. nanotify ako ng tagged post saken ni Chaez,. ni-like ko lang.. bakit naman kase nagsosorry yun? sa FB pa..tss.. babae talaga.. after kong mag-ayos., bumyahe na ako papuntang eskwelahan.. at nagulat ako na nasa building namin si Chaez., ayoko sanang isipin pero napatanong parin ako sa sarili ko kung para sakin ba kumbaket siya andito? at oo nga..kase kahit mejo malayo pa ako., kumakaway na siya't sumisigaw ng "Jirt!".. napangiti naman ako dun.. ang ganda ng araw tapos pinaganda niya pa.. ang emosyon talaga weather-weather lang din.. sobrang lakas ng buhos ng ulan kagabi at halos mawasak na rin puso ko pero ngayon ang cool ng sun na parang wala lang nangyare at ang gaan lang din ng pakiramdam ko as if wala lang ding nadama.. tss.. nang makalapit na ako,

"oh, napadito ka?"

"magsosorry lang ako sa kahpon..."

sambut niya ng nakayuko.. napakunot-noo na lang ako.

"...kase kahapon nung nagtetext at tumatawag ka, nasa bag yung phone ko tapos hindi ko hawak yung bag ko., at yung nakita mong nakaakbay sakin si Perces at nakahawak din ako sa t-shirt niya., kase maulan yun di ba tas sakanya din jacket yun.. tas nakangiti ako nun kase alam mo namang inienjoy ko masyado yung ulan.......sorry......"

inangat ko ulo niya, tiningnan sa mata't,

"ba't ka nagsosorry? bat ka nageexplain?"

"kase feeling ko,. naneglect kita.. tapos baka isipin mong.......isipin mong......."

"isipin ko rin yung iniisip nila sa'yo?. Chaez, kaibigan mo ako, okay? alam kong may mga rason naman talaga yang pinag-gagagawa mo sa buhay at kahit hindi mo ipaliwanag eh naiintindihan ko, iintindihin ko., kase kilala kita.."

"ayoko lang kaseng mawala ka.."

pinat ko ulo niya

"tsk!. anu ba yan., dinramahan mo agad yung umaga eh.. ilibre mo nalang ako kung talagang naguiguilty ka.."

at nginitian ko na., sabitan niyo na po ako ng medal for Best In Pretense.. pinutol ko na yung drama baka kase masabi ko bigla yung mga hindi dapat at siya yung mawala saken..

Ang sarap niya na sanang yakapin para ma-assure na kaya kong tiisin lahat ng mga sakit na naibibigay niya.. wag lang siyang mawala saken., kaya lang pagka ginawa ko yun, baka hindi ko na mapakawalan.. HAHA!. pasensya na, masaya lang ako na minsan, kahit super minsan, pinahahalagahan niya rin pala ang worth ko sa buhay niya,. at the fact na may parte din talaga ako sa puso niya, masaya na ako..

[Ninth Chapter Done]

When VIOLET fades to BLUEWhere stories live. Discover now