14th Color

6 0 0
                                    


Chaez' Case...

Sarap ng gising ko pagka katabi ko si momeh matulog.. bumangon na ako kase alam kong kelangan pa niya ng more tulog since wala pa siyang pahinga from byahe kahapon.. lamig-lamig naman ng day ngayon.. brrr!. nagsuot na ako ng jacket, diretso sa kitchen, bukas ng ref, kuha ng tatlong banana, peeled and sliced them, tas lagay sa plate, kuha ng undissolved milo, lagay sa malaking mug,. at yun, ididip ko yung each slice ng saging sa milo powder bago subo.. baliwan ba?. good mood ako ih,. sa sala lang muna ako, nakataas ang paa habang nanunuod ng cartoons.. HAHA!. sarap kayang maging bata.. nomnomnom.. tapos biglang may nagkiss sa ulo ko., ulo ko talaga ha., hindi noo.. haha.. siempre si momeh yun..

"Happy birthday, 'nak."

sabay bigay sakin ng fresh milk

"thank you 'mi.."

at tinabihan niya na ako.. yun., chika-chika muna about sa kung ano plano namin for the day.. di naman ako mahilig sa parties., yung kahit gala or kaen lang sa labas basta kasama siya, best na yun..

Before lunch, punta kaming mall., yun request ko ih.. shopping lang.. kelan ko nanaman siya makikita ulet after nito eh., buti na nga lang nakauwi siya at saktong Saturday ang birthday ko.. dami na rin naggreet saken sa SNS at text.. pero parang wala pa ata yung kay Jirt.. tulog pa siguro.. sarap mag-hibernate sa araw na 'to eh., kung wala lang si momeh ngayon, tulog ako maghapon pero I need to make sulit her stay here.. gala hre, gala there, kain here, kain there, bili this and that, tawa about this and that..ganun lang.. super enjoy., video call din kay daddy siempre..

"Hi Daddeyyy!"

*kaway-kaway*

"Hello Princess!. Happy birthday!"

at yun., touching sweet message from him., nakakamiss din talaga!. kase next year ko pa ata siya makikita ulet eh.. hmm.. sabay-sabay lang kaming kumain.. kahit nasa ibang lugar siya., yey!. ansimple lang ng birthday ko pero ansaya-saya.. kaya lang, nasaang lupalop kaya 'tong Jared Jirt Silvano na 'to at parang hindi pa nagpapramdam sakin.,

Mejo madilim na kami nakauwi ni Momeh., pero habang naglalakad na kami papasok, andun na si Jirt sa gate., naku, may pakulo pa 'to eh., natuwa naman ako.. kaya bungisngis bungad ako sakanya,

"hoi!. ba't ngayon ka lang?"

"bakit, anung meron?"

"suuus!. pakunwari ka pa ih.."

"ah, hi tita!. sauli ko lang po yung container na pinaglagyan mo ng cookies kahapon tapos may pinabibigay din po jan si mama sa'yo."

sabay abot kay momi ng paper bag., i-snobin ba ako..

"ah, salamat.."

kinuha ni momi yun pati na rin yung mga bitbit ko't papasok na sa bahay.,

"mauna na ako.. sunod na kayo.."

nakacross-arms ako kunyare at masama tingin sakanya..

"anu namang aura yan?"

"regalo ko?"

sabi ko, sabay patingin ng palad ko sakanya..

"bakit?"

tanung niya

"bilis na..."

"bakit nga?"

maangmaangan pa talaga 'to..

"wala..sige,. pasok na ako.."

"sige,. pakisabi ki tita di na ako magsstay., bye.. good night.."

tas naglakad na siya paalis.. napataas kilay ko dun ah..

"hoi!"

sigaw ko, lingon siya nang parang, 'ano?'

"seryoso ka?"

mas naguluhan siya., baka nga seryoso siya., nakalimutan niya talaga siguro yung birthday ko.. sad..

"birthday ko ngayon Jirt.. at matatapos na yung araw na 'to na hindi mo man lang ako binabati., kahit wala nang gift., kase alam kong di ka ganun.. pero kahit man lang 'happy birthday', wala?"

nagulat siya., tama nga.. nakalimutan niya., iyak!

"ansama mo!. oo, wala tayong label na best friends, closest friends, super friends, o kung anu man pero di naman kelangan yun para maging special tayo sa isa't isa di ba?. oo din, hindi ka sweet, napakawalang emosyon mo nga eh., pero grabe namang kalimutan mo yung birthday ko.. nakatatampo ka!. ewan ko sa'yo!."

tas tumakbo na ako papasok.. sumigaw siya ng,

"Chaez, sorry!"

pero ewan.. ayoko na sakanya!. cry-cry.. nagulat din nga si Momi na tumatakbo ako diretso sa kwarto ko nang naluluha.. pero pag bukas ko ng kwarto ko, nagulat ako.. puno ng aqua blue balloons at may ilang balloons na may letters each na nagform ng C.H.A.E.Z. ,may cookie monster cupcakes sa sidetable ko at sa bed ko, may malaking Stitch na stuffed toy..

"Si Jared ang nagprepare niyan lahat.."

boses ni Momi..

[Fourteenth Chapter Done]

When VIOLET fades to BLUEWhere stories live. Discover now