6th Color

19 1 0
                                    


Chaez' Case...

Ba't kaya ansaya ko today? Siguro kase pinanuod ko yung boyfriend kong magbasketball kahapon,. tsk!. asa sa "boyfriend" pero angkinin na., alam naman ng lahat na hindi eh., kilig talaga., nagpapicture pa kami., at hanggang wallpaper nalang ba kita? chos! kase naman ampayat-payat niya! angwapong baliin sa yakap ko!. haha.. ewan kumbaket pero napaka-attractive sakin ng lampayatot, yung pwedeng liparin ng hangin.. yung parang bamboo lang., at yun na yun si Oliver, my love!. kaya lang kahit mahal ko siya, pang billboard crush lang dapat siya, unreachable eh.. though down to earth naman, hindi parin kami pwede.. he's like too good for me.. oops, ayoko ng bad vibes.. grin-grin lang dapat.. antuwa din pala kanina., parang feeling ko naging fairy ako nina Jirt at Elle.. ankyut lang.. naku naman kase 'to si Jirt,. napakatorpe., kundi lang ako babae, liligawan ko na talaga gusto ko ih,. eh siya, lalake naman sana, napakacoward naman.. anyway, ok na yung pamoment-moment lang muna sila..

At natapos na pala klase., tungkol san daw yun? wala akong naalala nor naintindihan nor narinig,. soreh.. lutang po ang utak at puso eh.. haha.. lumabas na agad ako pagkalabas ni Sir, nagutom ako bigla eh., sakto andun na si Jirt.. so tumakbo na ako't inakbayan ko hanggang lumevel siya sakin., tangkad kasi.. liit ko,. haha..

"kumusta date?"

tinanggal niya lang kamay ko't ngumiti..

"suuus.. pasikreto paaa!"

kiniliti ko nga., ngumiti lang din ulit,. tss.. nagpipigil 'to ng kilig for sure..lalake eh.,

"tara na nga lang kung ayaw mong magkwento., gutom na ako ih.."

tumango lang siya..

Hinila ko nalang., gutom na talaga ako eh., 7/11 lang pinakamalapit., sanwdwich and tuna siopao plus large gulp inorder ko., siya, chips lang.. kaya 'to halos maging skeleton nalang eh., ang arte kumain.. wala lang muna akong kibo-kibo o salita.. binusog ko muna sarili ko.. siya, soundtrip lang din tsaka naglalaro sa phone..ganun..magkaharap kami pero nasa magkaibang mundo kami..haha.. nang matapos na ako, tinanggal niya na rin earphones niya't ibinulsa phone niya at,

"dessert mo?"

natawa naman ako., para namang nagdinner ako't kelangan pa ng dessert? tsk! pero..

"fundae please..yung chocolate"

ngiti ko., at pumunta ako sa freezers at kumuha ng gatorade na blue.. nag 'pst' siya't,

"hindi ka kaya sikmurain niyan? nag-gulp ka,. tas magfufundae pa., tas gatorade yan?"

"ah hindi.. para kay Oliver 'to"

kumunot-noo siya..kaya..

"babayaran ko naman, don't worry..yan lang ang libre mo.."

tumango lang siya, kaya yun., icecream habang lakad pabalik ng school diretso sa gym.. wala nang pasok pero may laro..hindi naman pwedeng umabsent ako dun..

Pagkarating namin dun, nagwawarm-up na sila.. nireready ko na yung gatorade.. dapat mainom niya 'to before magstart ang game eh.. ayun tapos na, palapit na sana ako sa may bench nila nang may naunang babae,

"Hi Sean..."

ang ganda niya

"... brought your favorite.."

may dala din siyang gatorade, violet nga lang., napatigil na nga yung paglalakad ko, napadilat pa mata ko nang hinalikan niya sa pisngi si Oliver at sumambit ng,

"good luck kiss lang.."

"thank you, love."

at niyakap niya.. at mejo hindi ko na naabsorb yung iba pang pangyayare..

"tara na, Franchette.."

sabi ng mga kaibigan nung girl.. Franchette.. so siya si Franchette Ariane De Mesa.. ang rumored girlfriend ni Oliver.. pero hindi na rumor yun,. nawitness na mismo ng mga mata ko.. kiss..hug..love? binuksan ko nalang yung gatorade at iinumin ko na sana nang,.

"sabi nang sisikmurain ka niyan eh.."

sambit ni Jirt sabay agaw ng gatorade at,

"manunuod pa ba tayo o uuwi na?"

di ako kumibo kaya hinila niya nalang ako palabas ng gym., pinilit kong ngumiti't,

"bigla umiba tiyan ko., di pala bagay ang gulp at sundae.. hehe.. uwi nalang ako.. manuod ka na.."

"hindi, hindi ka uuwi.. dito ka lang.."

sambit ni Jirt nang hindi nakatingin sakin at iniimun na yung gatorade.. napangiti tuloy ako nang totoo.. binalewala ko na yung sinabi niya.. di ko din naman alam ang dating nun.. kaya ako naman ang humila sakanya pabalik ng gym., kumunot-noo ulit siya kaya ngumiti na talaga ako't,

"okay naman na ako., tsk!. hindi naman bago 'to..halika na."

at yun,. nanuod parin kami pero bawas na yung #girlfriending ko., andun yung totoo eh., kaya.. hanggang "go", "shooot", at "whoo!" lang ako.. at natapos na ang laro., sana matapos na rin 'to.

[Sixth Chapter Done]

When VIOLET fades to BLUEWhere stories live. Discover now