2. Good Girls

18.4K 447 106
                                    



Strings and Chains

Chapter 2

Naupo ako sa sofa at dumikwatro. Nakatingin lang ako kay Jan na hanggang ngayon ang tamis-tamis pa rin ng ngiti sa akin. Guwapo si Jan. Galing sa mayaman na pamilya katulad ko. Pero syempre, mas mayaman pa rin kami. Kababata ko siya. Sabay kaming lumaki dahil magkakilala ang mga parents namin. Lagi silang dumadalaw sa bahay noon kaya naman siya palagi ang kalaro ko. Mabait si Jan. Sobrang bait. At sa kabaitan niya, wala siyang pakialam kahit may ka-relasyon ako kahit na fiancée ko na siya. At talagang ginawa kong makipagrelasyon dahil una sa lahat, ayoko nitong ginawang desisyon ng mga magulang ko.

Hindi ako ang babaeng nararapat kay Jan. Hanggang magkaibigan lang kami. Hanggang childhood friends lang, period, no erase. Wala ng kasunod. Hindi na aangat pa. D'yan lamang ang label. Friendzoned sa madaling salita.

Pero siya... ewan ko ba. Tuwang-tuwa siya na fiancée niya ako. Alam ko naman na matagal na akong crush ni Jan pero... pusa naman, hindi ko aakalain na ang magiging peg naming dalawa ay mababaon habangbuhay sa fixed marriage. And I'm not really happy about this. Sinong matutuwa sa puntong pinagkait sa akin na maghanap ng lalaking mamahalin ko at papakasalan ko?

"Trojan... napadalaw ka..." Tumingin ako sa oras at alas nuebe na ng gabi. "Ng alas nuebe ng gabi? Mukhang emergency?" tanong ko pa.

"Ah... yeah, I was just checking you."

Sumingit si Ate Tek at nilagay ang juice sa lamesa. "Ate Tek, paki linis pala 'yong lapag sa taas. Nagkalat na naman kasi si Rai," bilin ko.

"Okay po." Umalis si Ate Tek. Muli akong napatingin kay Jan. Tumango-tango na lang ako.

"Ahh..." Saka ko na-realize na nakarating na agad sa kanya ang balita. Wow, sobrang bilis.

"Are you okay?" tanong pa niya.

Tumango lang ako at pilit na ngumiti sa kanya. "Yes, I'm okay," sagot ko which is true. Hindi naman ako hirap mag move-on. Well, okay medyo masakit. Three years din 'yon. Pero kaya ko 'to. I'm a strong independent woman! Char.

"Kung 'yan lang ang pinunta mo rito, umuwi ka na at gabi na rin." Tumayo na ako at paakyat na sana nang magsalita siya.

"Is it okay if I..." Lumingon ako kay Jan at bumuntong-hininga.

"Jan..." tawag ko sa kanya. "Alam mo naman na kaibigan lang ang tingin ko sa 'yo 'di ba? Kaya please... 'wag na nating ipilit 'to."

Nawala ang ngiti sa mga labi niya nang sabihin ko 'yon. Ilang beses ko na siyang pinrangka about dito pero siya pa rin talaga ang matigas ang ulo. Knowing him for almost years, siya ang tipo ng tao na hindi madaling sumuko. If he likes something, he'll do anything just to get it. Ayoko naman talagang maging rude sa kanya at maging ganito ang asta kasi kaibigan ko siya pero... dahil nga kilala ko 'tong lalaking 'to, kailangan ng malakas na sampal ang gawin para matauhan 'to.

"Umuwi ka na. Pagod na ako, at tiyak pagod ka rin galing school." Tuluyan na akong umakyat sa kuwarto ko at hindi lumingon kahit isang beses kay Jan. Dahil kapag ginawa ko 'yon, magdadagdagan na naman ang pursyento na aasa siyang mapapansin ko rin siya.

Dahan-dahan kong isinara ang pinto at muling bumuntong-hininga. Pumikit na lang ako at napahilamos sa mukha.

"Aahhh... Hindi ko talaga kayang makita ganoon mukha ni Jan pero... kailangan na niyang tumigil." Nang idilat ko ang mga mata ko, nakita ko si Rai na nandoon sa mini sofa ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Dahil ako itong na-curious din kung anong tinitignan niya ay tumingin din ako sa labas. Doon nakita ko si Jan na ang layo ng tingin habang nakatayo lamang. Hindi siya umiimik at tila ang lalim ng iniisip.

Strings and Chains (The Frey, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon