5. No Escape

13.1K 437 21
                                    



Strings and Chains

Chapter 5

Nagtext na lang ako kay mama na kila Ginger ako matutulog. Hindi na ako umuwi at kumuha pa ng damit. Kahit tumapak sa mismong pamamahay namin natatakot na ako. Bumuntong-hininga na lang ako. Bali dalawang bagay ang gumagambala sa isip ko. Una, 'yang multo o aswang na gumagapang sa 'kin gabi-gabi. Pangalawa, si Ana Liverton.

Ana Liverton...

Mistisa. Total package talaga katulad nang pinsan niya. Hindi ko pa nakikita si Marian sa totoong buhay. Sa pictures ko lang siya nakikita. Pero base sa pictures, you can say that Marian is a beauty. Nasa lahi na ata nila ang magaganda't guwapo. Ana Liverton. Hindi mawala-wala sa isip ko 'yang pagsama niya sa lalaking 'yon. Bakit hindi ako mababagabag? Kung ang huling nabasa ko sa chat ay 'yong tungkol sa pagkamatay ng pinsan niya.

Sabi ni Yules sa group chat, huli niyang nakita si Marian na may kasamang lalaki. Sabi naman ni Josh, na mas lalong nakapagpasama ng kutob ko ay huli niyang nakita si Marian na nakasakay sa kotse, kasama 'yong lalaki. Pulang kotse. Red f-cking car. At ang pakiramdam ko pa na may kinalaman 'yong lalaking 'yon sa pagkamatay ni Marian.

At malakas ang pakiramdam ko na 'yong lalaking kasama ni Ana ay 'yong lalaki rin na kasama ni Marian. Hindi ko alam kung bakit pinag-iisip ko 'tong mga 'to. Masama mamintang pero... iba talaga pakiramdam ko sa isang 'to.

"Lalim ata ng iniisip mo," sita sa akin ni Ura.

"Nakita ko kasi si Ana kanina. May kasama siyang lalaki. Sumakay sila sa pulang kotse," sagot ko naman. Napatingin sa akin si Ginger na kasalukuyang naka-upo sa lapag habang hawak-hawak ang isang bowl ng popcorn na niluto namin kanina.

"Tapos?" tanong naman niya.

"Nabasa ko kasi 'yong usapan ng kaklase ko sa group chat. Sabi nila huli raw na nakita si Marian na may kasamang lalaki, nakasakay sa pulang kotse."

Natahimik ang dalawa. "Coincidence lang ba?" tanong ko pa sa kanilang dalawa.

Ngumiti naman ng pilit si Ginger. "Maraming may kotseng pula, Maru. Hindi naman siguro."

Nagkabali-balikat lang ako. "I don't know. I'm having a strange feeling about this."

Nakatingin pa rin sa 'kin si Ura kaya naman napatingin na lang din ako sa kanya. "What?" sita ko pa.

"I'll message Joseph, papa-check ko si Ana," sagot naman niya kaya tumango ako. Hinayaan na namin si Ginger enjoy-in 'yong pinapanood niya. Habang ako naman, nilalabas na pagka-detective ko. Una kong chinat si Yules.

Me: Yules, what's up?

Yules: Maru, napa-chat ka. Do you need anything?

Me: About doon sa napag-usapan niyo kagabi.

Yules: What convo?

Me: Sa gc ntin.

Yules: About Marian? Y?

Me: Sabi mo huli mo syang nakita na may kasamang lalaki. Right?

Yules: Yes.

Me: Can u describe him?

Yules: Well... he's tall. Tanned-skin. JB hairdo.

Me: Oh, I see. Thanks!

Yules: Why did you ask?

Me: Just checking coz I saw her too with a guy.

Palusot ko.

Yules: Is it the same?

Strings and Chains (The Frey, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon