STRINGS AND CHAINS
CHAPTER 22
A lot of things happened in a day. I went to school, to the Liverton, and now I am here with the Roscoe. I met an incubus, vampires, witches, and now werewolves. Anong sunod ko pa kayang makikita at makakasalamuha? And to top all of it, my parents are hunters. My family are hunters. And I have a vampire boyfriend. What could go wrong?
Gabi na at wala pa rin akong balita sa mga magulang ko. Umalis si Trojan kasama ang iba pa niyang kamag-anak upang i-check ang pamilya ko. Tito Maria and Tito George went to the Liverton to see what they can do against the incubi and to convince them to take part of this mess and fight.
I was left here with Vanilla. She's my guard for tonight. Nasa loob siya ng bahay habang ako naman ay nandito sa bakuran. Wala siyang pakialam na baka may lumabas na incubus dito at dukutin ako. Ayoko naman siyang makasama sa loob. Baka magkasagutan kami at hindi niya ma-control ang sarili niya katulad kanina at baka mapatay n'ya pa ako.
If only I could go with them, so I could also see and maybe I could have an insight about what's actually happening and what are they planning to do. Without me to assess it, what can I contribute? Kung nandito ako sa bahay at wala sa aksyunan. Paano ko rin malalaman kung anong gusto nilang mangyari kung ayaw nilang sabihin sa 'kin?
I know there is a real reason behind all of this. I just need to know the incubi's side. I need to know what their goal is, what they actually aim.
And we need to know it as soon as we can bago pa man mahuli ang lahat. Iba ang kutob ko sa pinaplano nila. Ito na naman tayo sa kutob-kutob na 'yan. Napabuntong-hininga na lang ako.
Tumayo ako at akmang papasok na sa loob nang makarinig ako ng malakas na pagdabog sa likuran ko.
Nang lumingon ako ay laking gulat ko nang makita si Rai na duguan habang dala-dala ang mga magulang ko. Agad akong tumakbo papalapit sa kanila at inalalayan si Mama na walang malay. Tumingin ako kay Papa at nakita kong may tama s'ya sa tagiliran.
"Vanilla!" sigaw ko. Laking gulat ko nang makita si Vanilla na lumitaw agad sa harap ko at tinulungan ako kay Mama. Sa sobrang lakas niya ay hindi na niya kailangan pa ng tulong ko para buhatin si Mama. Dali-dali namin silang ipinasok sa loob. Agad na tumakbo si Van patungo sa isang kuwarto at naglabas ng first aid kit. Chineck ko si Mama at tiningnan kung humihinga pa ba ang nanay ko. Huminga ako ng malalim nang maramdaman ang paghinga ni Mama sa daliri ko. Chineck ko rin agad ang pulso niya.
Tumingin ako kay Papa at tiningnan ang sugat niya. "Dad..." tawag ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"It's okay, anak. I'm fine," nahihirapang sabi ni papa.
"No, you're not." He says he's fine when he's trying so hard not to flinch habang ginagamot siya ni Vanilla. I can see he's not okay.
"Anong nangyari?" Tumingin ako kay Raiden at tinignan siya mulo ulo hanggang paa. There are no wounds. Thank goodness. But why is he covered with blood?
"Are you okay?" tanong ko agad sa kanya. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Nang makita ko si Rai na balot na balot sa dugo habang dala-dala ang magulang ako, hindi ko alam kung paano pa ako nakakakilos ng normal ngayon habang hindi nagpa-panic. Pero ang kamay ko, nanginginig 'to sa takot.
"Rai, okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.
Tumango siya at hinawakan ang kamay ko. "I'm all right, Maru."
BINABASA MO ANG
Strings and Chains (The Frey, #1)
VampireAfter her scandalous break up with her ex-boyfriend, Maru experienced paranormal activities in her room. Someone was crawling to her bed, sleeping next to her, and touching her. She couldn't discern how the bloody guy could always crawl up to her a...