16. Are we clear?

8.8K 235 15
                                    


STRINGS AND CHAINS

CHAPTER 16


Nakahiga kami sa kama ni Rai. Nakapatong ang ulo ko sa balikat niya habang hawak-hawak niya naman ang kamay ko. Tahimik lamang ako at hindi umimik. Ganoon din siya. Mukhang malalim ang iniisip naming dalawa. Sa iba nga lumilipad ang isipan ko ngayon. Hindi pa rin nawawala ang pangangamba ko sa puwedeng gawin nila Jax. Hindi puwedeng hayaan ko na lang na magpagala-gala 'yon dito pagkatapos ng nangyari kay Ana at Marian.

At isa pa...

'Yong narinig ko sa usapan nina Mama at Papa.

Umupo ako at tumingin kay Rai.

"Okay ka na?" tanong niya. Tumango ako sa kaniya.

"Kukuha lang ako ng maiinom sa baba."

Tumango siya sa akin. Lumabas ako ng kuwarto. Pababa na sana ako nang marinig kong may kausap sila Mama sa sala. Hindi pa nga pala ako nakakabati sa kanila. Hindi nila alam na kakauwi ko lang. Didiretso sana ako sa sala para bumati pero napahinto ako.

"Anong sabi ng papa mo tungkol dito, Trojan?" tanong ni Mama.

Trojan? Bakit nandito 'to?

Kahit alam kong mali na makinig sa usapan ng iba ay umupo ako sa hagdan at nakinig sa kanila. I'm pretty sure tungkol na naman 'to sa kasal naming dalawa ni Trojan.

"We've been observing the area. So far, ang Liverton pa lang ang inaatake nila."

Kumunot-noo ako at mas lalong nakinig sa usapan nila. Ano 'tong pinagsasasabi ni Trojan?

"Ilan ang incubi na umatake sa magkapatid?" tanong ng Papa ko.

Napalunok ako. Bakit nila alam 'to?

"Three incubi," sagot ni Trojan.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Papa.

"Kailangan maayos natin 'to sa lalong madaling panahon. Ayokong pati ang mga bampira at ang iba pang mga lahi ay sumali sa gulong 'to."

Natulala ako sa kawalan nang marinig ko ang salitang bampira mula sa bibig ng tatay ko. Bakit alam nila ang mga bagay na 'to? Bakit pati si Trojan alam 'to?

"I do have a feeling na pati ang bampira ay damay na sa gulong 'to," sagot ni Trojan kaya't mas lalo akong napakunot-noo.

"Lately I saw Maru-"

Agad akong bumaba at nagsalita bago pa man may masabi itong si Trojan sa mga magulang ko.

"Ma? Pa?"

Huminto sila sa pag-uusap at tumingin sa akin. Umarte akong nagulat nang makita ko si Trojan.

"Oh, Trojan, napadalaw ka," sita ko sa kaniya saka siya tiningnan ng mabuti.

Ngumiti siya sa akin.

"Nakauwi ka na pala. Kumain ka na ba?" tanong sa akin ni Mama. Umiling ako agad.

"Hindi pa, Ma. Gutom na nga ako eh," pagmamaktol ko kunwari.

"Oh siya, pupunta muna ako ng kusina nang makapaghanda na ng pagkain. Trojan, dito ka na rin maghapunan," wika ni Mama.

Ngumiti si Trojan at sumagot, "Sige po."

"Mag-usap tayo sa opisina," anunsyo ni Papa saka ito tumayo at naunang pumunta sa kaniyang opisina. Tumayo naman si Trojan at sumunod kay Papa. Tiningnan ko siyang maigi hanggang sa makapasok siya ng tuluyan opisina ni Papa.

Strings and Chains (The Frey, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon