PAGDATING ni Eunice sa bahay nadatnan na lang niya doon ang kuya niyang parang model na naligaw ng runway. Nakasuot ito ng green na gown.
"Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang? Wala ka namang trabaho para may mapagkaabalahan. Sandali, huwag mong sabihing may naipalit ka na do'n sa Leo mo? Halos isang balde rin ang iniyak mo do'n. Naka-move on na girl?" Wika ng kuya niya na ngayon ay ate Amanda na niya.
Nang mapadpad sa maynila ang kanyang kuya Amado, nagbago na rin ito ng katauhan. Ilang taon na nitong itinatago ang pagiging bading. Ang totoo kasi, hindi pa rin alam ng magulang nila na wala na ang dating anak ng mga ito na si Amado. Dahil doon, matagal nang hindi nakakauwi sa probinsiya nila ang kapatid.
At dahil rin sa sekretong iyon naging buhay prinsesa siya. Fashion designer ang kapatid at marami na rin itong mga sikat na artistang nagawan ng mga gown. Umabot na nga rin sa ibang bansa ang designs nito. Kaya naman naging sisiw lang ditong mabilhan siya ng bahay at bigyan ng allowance kapalit ng pananahimik.
Wala siyang balak magsumbong pero hindi ibig sabihin tatanggihan na lang rin niya ang mga suhol nito. Mula nang magpunta siya ng maynila ito na ang gumastos para ng lahat ng kailangan niya. Kahit nga nang makapagtapos na sa pag-aaral ganoon pa rin ito. Iyon na nga rin siguro ang dahilan ng pagiging tamad niya. Kahit kasi wala siyang trabaho, nakukuha niya ang lahat ng gusto. Excempted nga lang doon ang lovelife na kahit kailan hindi na niya papangarapin.
Kapag sinabi niya sa kapatid ang nagawa dahil sa pagkasawi sa pag-ibig, na magiging dishwasher ang una niyang magiging trabaho, siguradong pagtatawanan siya nito sa halip na ipagtanggol. Baka nga magpunta pa ito sa restaurant para asarin siya.
Pero ano kaya kung hayaan na lang niya na makulong? Bibigyan siya nito panigurado ng pangpiyansa. Sigurado din na hindi nito iyon ipapaalam sa magulang nila. Ang problema mukhang may alam si Lei sa pagkatao niya. Baka may gawin nga ito sa oras na hindi niya ginawa ang nasa pinirmahang kontrata.
Isang buwan lang naman. Pagtiyatiyaan na lang niya.
"Wala akong lovelife. Wala na akong balak. Magpapakatandang dalaga na lang ako. May dala ka bang pagkain? Gutom na 'ko," naupo siya sa sofa at pumikit. Pagod na pagod talaga kasi siya. Masakit ang mga binti niya sa apat na oras ding pagtayo at ang mga kamay niya sa walang tigil na pagkiskis ng pinggan.
"Wow ha. Ako na nga nagbabayad sa mga luho mo, hihingan mo pa 'ko ng pasalubong," naramdaman niya ang pag-upo nito sa kanyang tabi. "Pasalamat ka angelic ako. Nasa ref, initin mo na lang. Ang tagal mo kasing dumating. Akala ko kumain ka na."
"Pakiinit na lang kuya. Please," paglalambing niya.
"Sa ayos kong 'to? Kuya? Mahiya ka nga sa gown ko."
"Sige na kasi kuya. Gutom na 'ko."
"Saan ka ba kasi galing at kung makaarte ka para kang pagod na pagod? Umakyat ka ba sa Mt. Everest?"
"Stress ako kuya kaya sige na, dali na."
"Aba, kung makapag-utos 'to. Saka itigil mo nga rin 'yang kaka-kuya mo. Isa pa talaga at sasampalin na kita. Nagka-amnesia ka na ba? Well let me remind you again. Ako lang naman ang Ate Amanda mo, ang pinakamaganda mong ate na hindi mo na dapat kinukuya!"
"Hindi kita tatawaging ate hangga't hindi mo 'ko pinapakain. Sige na sabi kuya."
"Oo na! Savage wicked witch!"
Napangiti na lang siya. "Thank you."
Para sa kanya hindi issue ang pagiging bakla ng kuya. Sa katunayan naging dahilan pa nga iyon ng pagiging sobrang close nila.
Ilang beses na niyang sinabi sa kapatid na ipaalam sa parents nila ang totoo. Na hindi kasalanan ang pagiging bakla nito. Sa dami rin ng naging achievements nito bilang Amanda, baka ang parents pa nila ang mahiyang itakwil ito. Pero hanggang ngayon nga na walong na taon na ito sa maynila, hindi pa rin nito iyon nagagawa. Natatakot daw kasi ito sa maaaring maging reaksyon ng magulang. Baka biglang atakehin sa sobrang pagkadismaya.
Nang maihanda na ng kuya ang pagkain, sumabay na rin ito. Nagutom sa kahihintay sa kanya.
"Bakit ka ba biglang napadpad dito?" Tanong niya.
"Bakit, hindi na ba ko pwedeng pumunta dito? Bahay ko pa rin 'to kaya kahit kailan ko man gustohin, makakapunta ako."
"Bahay mo pa pala 'to? Mukhang mas madalas ka pa nga atang nandoon sa bahay ng boyfriend mo kaysa dito."
"Hindi ah. Strict kaya ang parents no'n. Hindi nagpapatulog ng babae sa bahay nila."
"Seryoso?"
"Sira! Brokenhearted nga rin ako hindi ba? Pinapaalala pa."
Napangiti siya. "Pero seryoso, bakit ka nga nandito? May problema ba? Wala man akong perang maitutulong, matiyaga naman akong makinig."
Napansin niya ang pagseryoso ng ekspresyon nito. "Sina Mama at Papa kasi."
Bigla siyang kinabahan nang banggitin nito ang magulang. "Bakit, anong tungkol sa kanila?"
"Luluwas sila ng maynila."
Dalawang beses sa isang taon lang niya nakakasama ang magulang. Kapag may conference na pinupuntahan ang mga ito at twing december kapag umuuwi siya ng probinsiya. Kahit kasi walang trabaho, hindi niya magawang manatili doon nang matagal. Kahit kasi mga kapatid, pakiramdam niya iba ang tingin sa kanya. Mukha bang kahit hindi nagsasalita, dama niya ang panghuhusga sa titig ng mga ito. Tulad na tulad ng mga kapitbahay nila. Kaya nga mas gusto na lang rin niya sa maynila. Mas mabuti pa kasing ibang tao ang humusga sa kanya kaysa sariling pamilya.
Excited siyang makita ang magulang pero syimpre inaalala rin niya ang kapatid.
"Balak mo na bang ipaalam sa kanila?"
"Siguradong papatayin ako ng mga kapatid natin kapag may nangyari kina papa nang dahil sa akin."
Walo silang magkakapatid. Dalawa't kalahating babae, lima't kalahating lalaki. Patay nga ito.
"Ano na ang gagawin mo? Hindi ka ulit magpapakita?"
Sa tuwing nagpupunta ng maynila ang magulang, palagi na lang may idinadahilan ang kuya niya para makaiwas.
Napansin niya ang pamumula ng ilong nito. Unti-unti na rin namumuo ang luha nito.
"S-sa totoo lang, miss na miss ko na rin talaga sila. Syimpre eight years na rin kaming hindi nagkikita. Buti nga hindi pa rin nila ako itinatakwil."
"Feel ko kuya matatanggap naman nila sakaling umamin ka na eh."
"Ate nga sabi," sa kabila ng seryoso nilang usapan, nagawa pa rin nito iyong isingit.
"Naging mabuti kang anak bilang si Amado at napakabuti mong tao bilang si Amanda. Walang dahilan para hindi ka nila matanggap. Ako nga kahit ang pangit ng tingin sa 'kin ng mga tao sa atin pati ng mga kapatid natin, wala pa rin nagbago sa pagmamahal nina papa. Kahit nga rin sa 'yo hindi ba? Kahit matagal mo nang iniiwasan na makita sila, hindi ka pa rin nila kinakalimutan. Kaya naman, mas mabuti na rin siguro na manggaling na mismo sa 'yo ang katotohanan kaysa marinig pa nila sa iba. Seryoso lang talaga si Papa, istrikto pero mabait naman iyon."
"Kapag sinabi ko na ang totoo, hindi na kita bibigyan ng allowance. Syimpre wala ka nang pang-blackmail sa akin. Ayos lang ba 'yon sa iyo?"
Natawa siya. "So ako pa pala ang magiging dahilan kaya hindi mo masasabi?"
Natawa na rin ito. "Babawiin ko na rin itong bahay. Wala ka nang matitirahan kaya kakailanganin mo nang magtrabaho."
"Dapat nga matagal mo na 'yang ginawa. Masyado tuloy akong sumandal at umasa sa 'yo. Saka kahit naman hindi mo ibinigay sa akin ang nga 'yon, wala naman talaga akong balak sabihin kina Mama ang sekreto mo. Gift ko sa 'yo para sa pagmamahal mo sa kabila ng mga masasamang bagay na sinasabi ng mga tao sa akin. Pasasalamat ko rin kasi hindi mo 'ko hinusgahan. I love you kuya."
"Wow. Hindi ko akalaing may ganyan ka palang side bunso. Sino lang rin ba kasi ang magdadamyan kundi iyong may mga sayad din. Payakap nga." Niyakap siya nito nang mahigpit at pareho silang nag-iyakan. "Ayos na sana 'yong mga sinabi mo kanina kung wala lang 'yong kuya."
"I love you ate Amanda."
"Good. Anong gusto mong birthday gift?"
BINABASA MO ANG
Just for Love
RomanceNagmahal. Nasaktan. Nagwala Kung kailan nagseryoso si Eunice sa pag-ibig, saka siya naloko. Kaya naman naging bitter siya. Pati love life ng kaibigan, pinakialaman niya. Pero ang nangyari, may forever pala talaga ang lovelife nito samantalang sa kan...