TULAD ng ipinangako ni Lei, todo ang naging suporta nito para sa pangangampanya ng kanyang ama. Kahit nga ang mga kamag-anak nito ay ganoon rin. Sumasama ito sa rally at tumutulong sa pamimigay ng mga flyers. May mga ipinagawa din itong mga shirts na may pangalan ng Papa niya.
Sa loob ng isang linggo halos hindi sila mapaghiwalay. Kung nasaan siya, naroon din si Lei. Ito rin ang nagbibigay sa kanya ng dahilan para ipagpatuloy ang pangangampanya para sa ama. May mga araw kasi na parang ayaw na niya. Nakikita kasi niya sa mga taong nakikilala ang panghuhusga. Mabuti na lang at naroon si Lei. Ano man ang maaring mangyari at ano man ang iniisip ng iba, maligaya siyang naroon si Lei dahil pakiramdam niyang may kakampi siya.
Ngunit dahil may business ito, kailangan rin nitong bumalik sa maynila.
"Promise I'll be back," anito habang magkahawak kamay sila. "Promise I'll call you."
Nangako itong babalik. Magkikita pa sila ulit. Pero nang oras na iyon, ewan ba pero naiiyak talaga siya't hindi niya mapigilan.
"Pangako mo 'yan ha," niyakap niya ito.
"Ang O.A na ng scene na to ha. As if naman hindi na kayo magkikita. Tigilan niyo na nga 'yan bago ko pa masabunutan ang isa sa inyo," ang kuya Amado niya.
"Maghanap ka na kasi ng pwede mong yakapin para hindi ka mainggit," aniya dito.
"Lei awatin mo 'ko, masasabunutan ko na talaga iyang girlfriend mo."
"You can do it to me instead of her," kunwari ay ihinarang ni Lei ang katawan nito mula sa kuya niya.
"Nang-iinggit pa eh, noh? Umalis ka na nga. Nakakainis na sabi ang ka-sweet-tan niyo!"
Hinila na ng kuya niya si Lei papunta sa sasakyan nito.
"Sandali," ani Lei. Binalikan siya nito at binigyan ng matamis na halik sa pisngi. "Bye," anito bago pumasok ng kotse.
Kumaway si Lei sa kanila bago nito tuluyang pinaandar ang sasakyan.
"Sweet niya noh? Ang sarap niyang maging boyfriend," nakatanaw pa rin siya sa papalayong sasakyan ni Lei.
"Nang-iinggit ulit? Nakakarami ka na ha. Oo na, ikaw na ang naka-jackpot ng bf. Kaya siguraduhin mong hindi mapapakawalan 'yon. Kung kailangang itali gawin mo. Dahil kung hindi naku, baka maagawan ka ng iba."
"Hindi na maaagaw sa 'kin 'yon. He's all mine."
"Ang sarap mo talagang sabunutan! Ano bang nagawa mo noong nakaraang buhay mo't pinalad kang makakilala ng ganoon kagwapong lalaki?"
Napangiti siya. Ano nga ba ang nagawa niya't pinalad siyang makakilala ng tulad ni Lei? Noong una akala niya masungit ito. Pero nitong mga nakaraang araw na mas nakikilala niya, napakabait pala ni Lei. Napaka-sweet rin nito. Pakiramdam nga niya parang valentines day araw-araw. Araw-araw kasi siya nitong pinapakilig.
Noon, nang magsimula siyang makipag-date, magpaligaw, magka-boyfriend, hindi siya nakaramdam ng kilig na tulad ng nararamdaman niya dito. Akala nga niya todo na ang pagka-inlove niya kay Leo, may ilalala pa pala.
Araw-araw habang wala si Lei, hindi ito nagmimintis na tawagan siya para lang tanungin kung kumain na ba siya, kung ayos lang ba siya. Tuwing gabi bago matulog tumatawag rin ito. Ayaw na nga niyang maputol ang usapan nila. Kaso kailangan hindi para sa kanya kundi para dito. May trabaho ito kinaumagahan kaya kailangang magpahinga. Mula din kasi nang umuwi si Lei, hindi na siya lumalabas ng bahay. Ito lang talaga ang dahilan kung bakit napilit siyang maglibot-libot sa lugar nila. Mukhang naiintindihan naman iyon ng Papa niya't hindi nito ikinasama ng loob.
"Tatapusin ko lang ang mga dapat kong asikasuhin. Kapag nagawa ko na, babalik na 'ko diyan," anito nang mapatawag.
Nakakaisang linggo na kasi ito sa maynila sa sobrang busy. Hindi daw kaya ni Michelle mag-isa. Pero sa tingin niya nagdadahilan lang si Michelle para hindi makabalik agad si Lei ng Zambales.
"Huwag mo na kaming isipin dito," aniya.
"Sinong kami? Ikaw lang naman ang iniisip ko."
Napangiti siya. "Baka sa pagbalik mo dito puro pantal na 'ko. Nilanggam na kasi ako sa sobrang sweet mo."
"Ayos lang. Handa akong alagaan ka kung sakali man."
Sa bawat gabi na magka-usap sila, hindi yata ito nauubusan ng mga pampakilig sa kanya. Palaging may baon. Pero kahit naman wala, sa boses lang nito solve na siya.
"Marunong ka bang kumanta?"
Sandali itong natahimik. "Bakit mo naman naitanong?"
"Maganda kasi ang speaking voice mo kaya tingin ko kapag kumanta ka, mas gaganda."
Narinig niya ang mahina nitong pagtawa. "Kapag narinig mo ang boses ko baka hindi mo na na 'ko sagutin."
"Sagutin? Bakit, nanliligaw ka na ba sa lagay na 'yan?"
"Hindi pa ba halata?"
"Noong nasa maynila ako, wala ka nang ginawa kundi paghugasin ako ng pinggan. Pagdating naman natin dito, wala tayong ibang ginawa kundi maglibot at mamigay ng flyers. Saan banda mo do'n naisingit ang panliligaw mo? Hindi ko ata ramdam."
Natahimik ito. Hindi lang basta ilang segundo. Akala nga niya nawala na ito sa kabilang linya. Nang tingnan niya ang cellphone, andoon pa naman.
"Hoy, natahimik ka na diyan."
"S-sorry. Ano kasi..." sandali na naman itong natahimik. "Akala ko nandoon na tayo sa ganoong stage. Honestly all my life, ngayon pa lang ako nanligaw. Kaya naman hindi ko alam na hindi pa pala sapat ang effort ko. I'm sorry."
Sa naikwento nito tungkol sa unang babaeng inibig, hindi na nga imposibleng hindi pa ito nakapanligaw.
"Ayos lang, pwede ka pa namang makabawi. Simple lang ang paraan para mapaniwala mo 'kong nanliligaw ka na nga. Hindi naman mahirap."
"Ano?"
"Kailangan mo lang akong kantahan."
"Kanta? Hindi ako kumakanta. No, I can't."
"E di hindi. Ibig sabihin hindi mo nga ako gusto. Sige na, matulog na tayo. Goodnight."
Siya mismo ay kinabahan sa nasabi. Paano na lang kung hindi na nga nito ituloy ang panliligaw dahil doon? Mukhang siya ata ang magiging agrabyado.

BINABASA MO ANG
Just for Love
RomantizmNagmahal. Nasaktan. Nagwala Kung kailan nagseryoso si Eunice sa pag-ibig, saka siya naloko. Kaya naman naging bitter siya. Pati love life ng kaibigan, pinakialaman niya. Pero ang nangyari, may forever pala talaga ang lovelife nito samantalang sa kan...