#pag-ibigOpaghihinganti

106 3 0
                                        



NANALO ang Papa ni Eunice sa eleksyon pero hindi niya magawang magsaya. Sa lahat ng natuklasan kay Lei, hindi na niya alam kung totohanan ba ang ipinaramdam nito sa kanya o pagpapanggap lang.
Kaya pala nagalit ito sa kanya nang mapag-usapan nila ang babaeng nanloko dito. Para sa kanya pala talaga ang galit nito. Sinadya nga kaya nito ang lahat? Kung iisipin noong magkakilala sila, para namang wala lang itong pakialam sa kanya. Sa sakit nga ng pagkahawak nito sa braso niya sa restaurant, pakiramdam niya babaliin na nito iyon.
Mukhang sinadya nga ata nitong kunin ang loob niya sa pamamagitan ng mga pagtulong nito kapag nahihirapan siya sa ginagawa. Naalala din niyang halos di pa siya nito kinakausap nang maayos tapos bigla na lang naging parang sweet na. Bumait na sa kanya at heto nga siya ngayon, masyado nang nagpadala. Nalilito siya kung paniniwalaan pa ba niya ang kabaitan nito sa nalaman.
Sa inasal nito noong mabanggit niya ang tungkol sa lalaking pinaglaruan niya, kitang-kita niya ang galit nito. Kaya naman hindi imposibleng gumaganti lang ito sa kanya.
Napatingin siya sa cellphone. Nasa mesa iyon at kanina pa naka-silent mode pero umiilaw. Kanina pa tumatawag si Lei kaya malamang ito pa rin ang tumatawag. Hindi niya iyon magawang sagutin. Baka kasi hindi niya mapigilang magtanong at hindi rin niya matanggap ang isasagot nito. Napabuntong hininga na lang siya.
“Hindi ka ba happy na nanalo si Papa?” Tanong ng kuya Amado niya.
Maraming tao sa bahay nila lalo pa’t kakapanalo pa lang ng Papa nila. Marami sa naroon mga kaalyado ng ama at mga kamag-anak nila na hindi rin naman niya gaanong kasundo kaya naisipan niyang sa kwarto na lang manatili. Hindi niya akalaing susunod doon ang kanyang kuya Amado na paniguradong nai-enjoy na ang makihalubilo sa maraming tao lalo na’t nagawa na nitong maipakita sa lahat ang totoong pagkatao.
“Masaya,” maikli niyang sagot.
“Kung gano’n, bakit ganyan 'yang itsura mo? Ganyan na ba ang itsura ng mga taong masasaya ngayon? Ano na lang kaya ang itsura ng mga malulungkot.”
“Si Lei kasi,” napaiyak na siya.
“Bakit, anong problema? May ginawa ba siya sa 'yo? Hiniwalayan ka ba? Kaya ba siya bumalik ng maynila? Aba’y baka gusto niyang bumalik ako sa pagiging Amado. Bubugbugin ko siya!”
“Huminahon ka nga. Hindi siya nakipaghiwalay.”
“Kung gano’n, anong inaarte-arte mo diyan?”
“May nalaman kasi ako sa pagkatao niya.”
“Oh my God. Girl din siya?”
“Hindi!”
“Sabihin mo na kasi! Bakit ba?”
Huminga siya nang malalim. “Noong highschool ako, may schoolmate akong naging boyfriend nang isang araw.  Sa april fool’s day. Pinagkatuwaan lang namin ng mga kaibigan ko. At ngayon, nakita ko siya ulit. Nalaman ko na dinibdib niya pala 'yon.”
“And then? Nagkakilala sila ni Lei? Nag-away?”
Umiling siya. “It was Lei.”
“Seryoso?” Nanlaki ang mga mata ng kapatid. “Ganoon kagwapong lalaki pinaglalaruan mo lang noon?”
“Hindi pa naman kasi ganoon ang itsura niya dati. Hindi ko nga rin agad na-realize na iisa pala sila. Pandak siya noon, payatot at saka-.”
“Pangit? Kaya pinaglaruan mo?”
Tumango siya. “At sa tingin ko mula nang magkita kami ulit, alam na niyang ako 'yon. Kuya…”
“Ate.”
“Ate, paano kung gumaganti lang siya sa 'kin? Paano kung gusto niya lang akong paibigin tapos bigla na lang rin niya akong hiwalayan?”
“Sigurado ka ba talagang iisa lang sila? Parang napaka-imposible naman yatang dumaan sa pagiging pangit si Lei. Kung totoo nga, aba’y puberty hit him so hard!”
“Naalala ko na ang pangalan ng schoolmate ko dati. Nanigurado ako’t nagtanong din sa dati kong kaklase. Licensio ang pangalan niya at iyon ang totoong pangalan ni Lei. Leicensio Villaflor.”
“Ibig sabihin iisa nga sila? Paano na 'yan?”
“Hindi ko alam.”
“Kailan ba daw siya babalik dito? Babalik pa nga ba siya?”
“Hindi ko alam.”
“Puro ka na lang walang alam. Ito, sa tingin mo, mahal ka ba niya?”
Lalo na siyang napaiyak.
“E-ewan. Bago lang naman kami nagkaaminan.”
“Ha? Nalilito ako. Paanong bago lang? Hindi ba dapat mga halos dalawang buwan na ring kayo? Sa bagay, bago pa naman talaga 'yon.”
Napabuntong hininga siya. “Ang totoo kasi nagpanggap lang kaming magkasintahan. Nang dumating kami dito, hindi totoong kami.”
“What? Bakit kayo nagpanggap? Anong dahilan? Ang gulo niyo ha!”
“Masyadong mahabang kwento.”
“Nasimulan na lang rin naman natin, tapusin mo na.”

“WHY she’s not answering her phone?” Muli na naman niya itong tinawagan.
“Could you please calm down and relax kuya? Maupo ka nga.”
Hindi siya mapapakali hangga’t hindi sinasagot ni Eunice ang tawag niya.
“So what ba kasi kung nakita ni Eunice ang highschool and childhood photos mo? Natatakot ka bang hindi ka na niya mahalin dahil dumaan ka sa ganoong stage noon? Kung hihiwalayan ka niya dahil lang sa itsura mo noon, then that only means she doesn’t really love you.”
“Hindi 'yan ang inaalala ko.”
“Then what? Alam mo wala ka naman talaga kasing dapat ipag-alala. Hindi ka rin naman dumaan sa plastic surgery. Late ka lang talaga nag-bloom.”
“I don’t want her to think that I only played with her feelings. Na maghihiganti lang ako sa kanya.”
“What do you mean?”
“Remember that girl I told you before? My first love?”
“Yeah. You said you saw her again right? And she didn’t recognize you? Wait, do you mean…”
“It was her Michelle.”
“What!? That woman! Kaya pala hirap talaga akong maging mabait sa kanya. Masasabunutan ko talaga siya kapag nakita ko siya ulit!”
Tinawagan si Michelle ng pinsan nilang si Sonia. Niyaya daw nito si Eunice magpunta sa bahay nila’t ipinakita ang mga childhood pictures nila. Nagulat daw ito sa itsura niya noon. Hindi na nga raw ito nakapagsalita pa lalo na nang malaman ang totoong pangalan niya. Tumawag ito dahil na-curious kung bakit gano’n ang naging reaksyon ng girlfriend niya. Na kung hindi ba daw nito alam maging ang kanyang totoong pangalan.
Mabuti na lang at idinahilan ni Michelle na sinadya niyang hindi ipaalam dito ang totoong pangalan. Na kunwari surprise kapag ikinasal na sila. Naniwala lang din naman ito.
Ang problema niya ay si Eunice. The fact na hindi nito sinasagot ang mga tawag niya, malamang alam na nito ang katotohanan. Nag-aalala siyang isipin nitong gumaganti siya sa nagawa nito noon. Masaya sila nang naging opisyal na ang relasyon nila. Ayaw niya iyong mapalitan ng pagdududa’t mauwi sa hiwalayan.
“I need to see her.”
“Pupunta ka ng Zambales?”
“Kung iyon lang ang paraan para kausapin niya 'ko.”
“Ipagpapabukas mo na lang 'yan. Maliwanag lang dito sa office mo but its already seven in the evening. Hatinggabi ka na nakakarating do’n.”
“You don’t have to worry about me, I can manage. Ikaw na muna ang bahala dito.”
“You can’t leave. Kuya!”
Kahit anong pigil ng kapatid, hindi siya nagpaawat. Hindi na niya kayang hintaying mag-umaga. Kailangan na niyang makita si Eunice at makausap.

“NOW tell me, sa mga nai-kwento ko tingin mo ba mahal nga ako ni Lei? Na hindi niya planado ang lahat para magkalapit kami?”
“Kung ako ang tatanungin, sa tingin ko mukhang sinadya nga niya.”
“Sabi ko nga sa 'yo e!” Muli siyang napaiyak.
“Kasalanan mo rin naman kasi. Bakit hinayaan mo pang isipin nila Mama, namin na boyfriend mo nga ang lalaking 'yon? Hinayaan mo pang umaabot na maisama mo siya dito at naging malapit sila ni Papa.”
“Nauna na kasing nalaman nila Mama na boyfriend ko siya. Hindi ko na nagawang bawiin.”
“Bakit? Natakot kang malaman nilang hindi totoo? Para namang ikamamatay mo na 'yon o nila.”
“Natakot kasi akong magtanong sila kung bakit ginawa 'yon ni Lei. Na baka magtanong sila kung sino nga si Lei sa buhay ko. O di kaya sila na mismo ang magtanong sa kanya tapos sasabihin ni Lei sa kanila ang totoo. Na nanggulo ako sa restaurant, na muntik nila akong naipakulong, na ginawa nila akong dishwasher para lang di 'yon mangyari. Alam mo naman ang golden rule ni Papa hindi ba? Magkasala man tayo basta hindi lang tayo makulong, mapapatawad niya. Pero kapag nakulong tayo sa kahit ano pa mang dahilan, itatakwil niya tayo.”
“Eh hindi ba natapos mo naman 'yong consequence? Hindi ka sumira sa kontrata? Isa pa, kahit nalaman pa nila Papa ang rason kung bakit ka muntikang nakulong at naging dishwasher, the point is, imposible ka nang makulong. In short, abswelto ka na. Kaya bakit hinayaan mo pang magpanggap kayo?”
Napaisip siya. “Oo nga noh?”
“Para mas maliwanagan ka, let me answer my own question little sis. First, hindi lang talaga gumana ang utak mo nang panahong iyon. Second, ginusto mo ang nangyari.”
“Mangyari ang ano?”
“Na magpanggap kayo.”
Napatayo siya sa kama. “Hindi ah! Bakit ko naman gugustohin 'yon? Brokenhearted kaya ako kay Leo nang panahong iyon! Saka oo gwapo siya, attractive, mabango, matangkad pero crush ko lang siya. Magkaiba kaya 'yong like sa crush!”
“Masyado ka namang defensive. Oo na 'di mo 'yon ginusto, di mo rin siya gusto crush lang, na attracted ka lang sa kanya, nagagwapohan. Halatang-halata nga, hindi mo ginusto.”
“Kuya naman eh! Nasa bingit na nga ako ng pagiging brokenhearted ulit tapos ganyan ka pa!”
“Ayan na naman 'yang kuya mo!”
“”Ikaw kasi nang-aasar pa!”
“Kung bakit kasi di mo kausapin 'yong tao? Kung gusto mo talagang malaman ang totoong nararamdaman niya para sa iyo, siya ang kausapin mo hindi ako! Nasaan na ba 'yong cellphone mo at ako na ang magda-dial!”
“Huwag!”
Nag-unahan pa silang kunin ang cellphone niyang nasa mesa. Halos madapa na nga siya dahil sa pakikipag-unahan dito pero mas mahaba talaga ang biyas ng kapatid.
Hindi na siya nakakilos nang pindutin nito iyon at inilapit sa tenga. Maya-maya pa’y tumingin ito sa kanya.
“A-ano, sumagot na?” Kabado niyang tanong dito.
“Cannot be reached.”

SA lahat ng pagkakataon, nang oras na 'yon pa nagkaroon ng banggaan. Malalaking cargo van kaya humarang sa daan. Hindi na makausad ang mga sasakyan.
Napapiksi si Lei. Sa lahat din kasi ng pagkakataon, nang oras ding iyon na-empty ang phone niya. At sa malas, wala rin doon ang USB chord para makapag-charge. Kinailangan din niyang tanggalin ang suot na contact lenses dahil humahapdi na ang mga mata. Nakalimutan kasi niyang dalhin ang eyedrops. Mabuti na lang talaga at nasa loob ng sasakyan niya ang eyeglasses.
Sabay-sabay ang kamalasan niya. Napatingin siya sa relo. Alas nuwebe na pero ang layo pa niya. At sa sitwasyon, mukhang malabong makaalis siya agad doon.



Just for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon