MAY magaganap na party bilang celebration sa pagkapanalo ng ama. Sa lahat ng tao sa bahay mukhang siya yata ang pinakawalang ganang makisali. Paniguradng maraming tao ang dadalo. Maliban sa hindi niya feel ang mga ito, nakakahiya rin ang itsura niya. Mukhang hindi ata matatakpan ng make up. Ang lalaki ng eyebags niya sa kakaiyak. Hindi na rin siya nakatulog kaya lalo siyang nagmukhang haggard.
Kapag sinabi niyang hindi maganda ang pakiramdam, siguradong hindi lang siya paniniwalaan at iisipin ng mga tao na sinadya niya ang hindi dumalo. Wala na nga sana siyang pakialam sa sasabihin ng iba pero syimpre, para pa rin iyon sa Papa niya. Kaya sige na lang, kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, hahayaan na lang niya. Wala na rin naman iyong ipinagbago mula pa noon. Kahit sandali lang siyang magpakita, ayos na siguro iyon.
“Bakit ganyan 'yang itsura mo? Sigurado ka bang nakapag-ayos ka na sa lagay na 'yan? Nakaitim ka pa. Magpalit ka nga!” Ang kuya Amado niya. Sa pagpasok nito sa kwarto ay nakatodo na ang make up. Sa totoo lang mas nagmukha pa nga itong babae kaysa sa kanya.
Sa talagang nagluluksa siya nang oras na iyon. Panigurado kasing mamamatayan ulit siya ng puso kaya inunahan na niya.
“Hindi mo pa rin ba matawagan?”
“Kuya naman e!” Sigaw niya dito kasabay ng muli na namang pagpatak ng mga luha. Ilang oras din niya iyong pinaghirapan na hindi na umiyak. Pero dahil ipinaalala na naman ng kapatid ang puno’t dulo ng kalungkutan, muli na naman siyang napaiyak.
“Huwag ka ngang masyadong magdrama diyan. Kagabi ka pa. Tuloy-tuloy ang shooting? Wala man lang bang break?”
“Kuya, anong gagawin ko?”
“Ano pa eh di move on ulit. Ganyan lang naman ang cycle niyan, wala nang ipinagbago. Wala ka na rin magagawa kung ginawa lang niyang paibigin ka para gantihan. Nangyari na. Kaya bago pa may ibang magpunta dito, tumigil ka na sa pagiging drama queen mo.”
KAHIT inumaga, nakarating si Lei ng Zambales. Kaya nga lang nang makarating siya sa bahay nila Eunice, nakasarado ang pinto. At kahit ilang beses na rin siyang kumakatok walang nagbubukas. Mabuti na lang at may nakapansin na sa kanyang kapitbahay at sinabing nasa gym pala ang buong pamilya. May inorganisang maliit na salu-salo bilang pasasalamat ng pamilya sa pagkapanalo ng ama nito.
At dahil doon rin patungo ang nakausap, isinabay na lang niya ito. Sa pagdating pa lang nila, natanaw na niya si Eunice.
AKALA niya namamalikmata lang siya. Nang oras kasing iyon, si Leicensio na dating schoolmate ang nakikita at hindi si Lei. Nakasuot kasi ito ng eyeglasses at hindi na rin kulay abo ang mga mata nito. Nagsusuot lang pala ito ng contact lenses. Na-inlove pa naman siya dito dahil doon, fake pala. Ang tanga talaga niya, pati contact lenses hindi pa niya agad nalaman.
“Eunice please, lets talk,” anito.
Iyon pa nga lang ang sinabi nito, naiiyak na siya. Gusto niyang malaman ang totoo pero natatakot siya. Isa pa, tingin niya hindi iyon ang tamang oras para pag-usapan nila ang tungkol sa kanilang dalawa. Ang oras na iyon ay para sa papa niya. At dapat maging masaya siya para dito.
“I don’t think it’s the right time for us to talk. Ayokong umiyak, masasayang ang make up ko,” pagdadahilan niya.
Hindi rin naman namilit si Lei. Nanahimik lang ito sa tabi niya. At kahit ba sinabi niyang dapat sa speech ng ama ituon ang atensyon, humaharang sa mga salitang sinasabi nito ang sinasabi ng utak. Nagtatanong kung ano kaya ang sasabihin ni Lei. Na kung hindi talaga siya nito mahal, hindi na ito mag-aaksaya pa ng panahon na puntahan siya ng Zambales. Pero paano rin kung tulad ni Leo, na-guilty lang ito at gustong itama ang pagkakamali?
Para siyang nasa sarili niyang mundo. Natauhan na lang siya nang makarinig ng sigawan. Iyong sigaw na nakakakaba. Napatingin siya sa paligid.
“Anong nangyayari?”
Natanaw na lang niya na nasa stage na pala si Lei at tumalon ito patungo sa Papa niya. Kasabay no’n ay putok ng isang baril. Nagkagulo. Nakita niyang may hinarang na lalaki ang mga tao’t binugbog. Tingin niya’y iyon ang may kagagawan ng pagpapaputok ng baril.
Muli siyang napatingin sa stage. Paakyat na doon ang mga kapatid niya. Nakaupo na rin sa pagkakatumba ang ama niya pero si Lei, nakahiga pa rin ito at hindi gumagalaw.
Napuno ng kaba at takot ang puso niya.
“Lei!”
Mabilis na siyang napatakbo patungo roon.
“May dugo!” Narinig niyang sigaw ng kanyang kuya Amado.
“Lei!” Nilapitan niya ito. Nakapikit pa rin si Lei. May nakita rin siyang pulang likido sa may bulsa nito sa dibdib. Nanginig ang buong katawan niya’t napahagulgol na siya. “Hindi!” Niyakap niya ito nang mahigpit. “Don’t leave me please!”
“I will never do that,” narinig niyang sabi nito.
Napatingin siya dito. “Y-you’re alive! Dadalhin ka namin sa ospital.”
“I’m fine,” nakikita niya sa mukha nito ang sakit.
“Fine? Paano ka magiging fine? You’re bleeding!”
“Bleeding? Wala naman akong nararamdamang tinamaan ng bala. Masakit lang ang braso ko,” napatingin ito sa sarili’t napangiti. “Ito ba?” May kinuha ito mula sa bulsa. Tatlong maliliit na plastic na nagkalat na ang pulang laman. “Catsup lang 'to.”
“Nakakainis ka!” Hinampas niya ito. “Kung gano’n planado mo 'to?”
“Hindi,” seryoso itong tumingin sa paligid. “May gusto talagang bumaril sa papa mo. Kailangan natin siyang mahanap.”
“Nahuli na siya,” ang Papa niya. “Pupunta muna ako ng presento para malaman kung sino ang may kagagawan nito.”
“Walang duda, si Sandejas ang may gawa nito,” ang kuya Albert niya. “Sasamahan ko na kayo.”
“Sasama rin ako,” ang Mama niya. Sunud-sunod na rin nagsabi ang iba pa niyang mga kapatid na sasama.
Ang ate Mariz naman niya ang nagsabing mananatili na lang doon para asikasuhin ang mga taong naroon pa rin. Nadakip na rin naman ang lalaking naggulo kaya safe na rin doon.
“Kayo namang dalawa, dito na lang kayo. Moment niyo 'to,” ang kuya Amado niya.
At nang makaalis na ang mga ito, sila na lang ang naiwan sa stage. Napatingin ulit siya sa nagkalat na catsup sa may bulsa nito. “Bakit ka ba kasi may ganyan? Akala ko talaga nabaril ka na.”
“Dapat kasi kagabi pa 'ko nandito. Kaso may nangyaring banggaan kaya nahirapan akong dumaan. Habang naghihintay may nag-alok sa 'kin ng siopao kaya bumili ako ng isa.”
“Isa lang? Bakit ang dami niyang catsup mo?”
“Gwapo daw kasi ako kay may libre. Pero laking pasasalamat ko talaga sa mga catsup na 'to. Nalaman ko kasing takot ka palang mawala ako sa buhay mo.”
“Ngayong alam mo na, iiwan mo na ba 'ko?”
“Iiwan? Bakit ko naman gagawin 'yon?”
“Kasi alam mong masasaktan ako. Makakaganti ka na sa nagawa ko sa 'yong panloloko noon. Naaalala na kita Leicensio Villaflor.”
“Listen,” hinawakan nito ang mga kamay niya. “Wala akong masamang intensyon sa hindi pagsabi sa 'yo ng totoo. Naisip ko lang na hindi na naman iyon mahalaga. Na ang importante ay ang kung anong meron tayo ngayon.Kahit kailan, hindi ko ninais na maghigante. Mula pa man noon ang tangi ko lang ginawa ay mahalin ka. I can do everything just for you, for my love to you. That includes forgetting that part of my past. I love you Eunice.”
“I’m s-sorry,” muli siyang napaiyak. Patawarin mo 'ko sa nagawa ko sa 'yo noon. Hindi man kita naalala pero pinagsisihan ko 'yon.”
“I know,” niyakap siya nito nang mahigpit. “I love you. Hindj mo ba sasabihin sa 'kin na I love you two? Pangalawa ko nang sinabing I love you. Pangatlo na pala 'to.”
Napangiti siya. “I love you too.”
Isang mainit na halik ang pinagsaluhan nilang dalawa.
“Huwag kayong masyadong magpakabusog na dalawa diyan. Marami pang pagkain dito!”
Napangiti na lang sila sa sinabi ng kanyang kuya Amado. Napaka-killjoy talaga nito.
Nalaman nilang si Mr. Sandejas nga ang nag-utos na ipabaril ang kanyang ama. Kaya rin pala gusto talaga nitong maupong congressman muli, may mga pinagtatakpan pala itong mga druglord.
Sa paglipas ng tatlong buwan sa wakas ay nabigyan rin ito ng karapatdapat na parusa.Ang ate Amanda naman niya ay umusbong na rin ang lovelife. May nakilala kasi itong isang foreigner na mukha namang seryoso dito.
Siya naman ay nagtatrabaho na sa fashion house ng kanyang ate Amanda. Matagal na rin kasi siya nitong pinagsasabihan na doon magtrabaho pero siya itong tamad. Kapag umaalis ito ng bansa, kampante raw ito lalo at siya na ang naiiwan doon.
At tulad din ng sinabi ni Chandler noong una niya itong makilala, magkasama na nga silang dumalo ni Lei sa kasal nito.
Nang patayuin na ang lahat ng mga single ladies, sa halip na ihagis ng bride ang bulaklak nang patalikod, pinalaro sila ng pak ganern. Bago magsimula ang opisyal na laro, nilapitan niya si Lei.
“You have to win your game cause I’m surely gonna win this.”
“Gusto mo na rin bang maikasal? Kahit hindi tayo manalo kung gusto mo, pakakasalan na agad kita bukas.”
“Hindi pa pwede, mauuna pa sina Norman at Lyka. Basta, make sure to win.”
Nagkataon rin kasing magkasunod ang araw ng kasal ni Chandler at ng kaibigan niyang si Lyka.
Sineryoso niya ang laro. Sisiguraduhin niyang siya ang makakatanggap ng bulaklak. Good luck din iyon sa relasyon nila ni Lei. Kembot doon, kembot dito. Todo na rin ang konsentrasyon niya at baka magkamali. Hindi naging madali ang laban lalo pa’t may lumi-level din sa kanya sa kagalingan maglaro ng pak ganern. Ayaw patalo! Napapagod na rin siya. Pero nang pandilatan niya ito ng mata, nasindak yata kaya nagkamali. Paniguradong siya na ang panalo.
Hinihintay niyang banggitin ang pangalan niya bilang nanalo. Pero hindi iyon nangyari. Tinawag ang pinakaunang babae na natanggal sa laro at siyang tinanghal na panalo. Nasayang lang ang pagod niya!
At nang ang mga lalaki na ang pinatayo, mabilis ulit niyang nilapitan si Lei.
“Siguraduhin mong hindi pinakamaliit o pinakamalaki ang balloon mo. Nagbago na ang isip ko, hindi ka na pwedeng manalo!”
Napangiti ito. “Yes mam.”
Binigyan ng tig-iisang balloon ang mga ito. Habang iniihip iyon, nakatalikod ang groom at magbibigay lang ng signal kung kailan hihinto na sila sa pagpapalobo.
Hindi niya alam kung butas ba ang balloon ni Lei o sinasadya nitong huwag iyon palobohin. Sa laking lalaki nito, mukhang wala yatang kahangin-hangin sa katawan. Para kasing walang pumapasok na hangin sa balloon nito.
“Stop!” Sigaw ng groom. “I’ll choose the smallest.”
Napatayo siya. Napatingin naman sa kanya si Lei. Para itong batang takot na takot dahil may nagawang kasalanan.
Nang malaman naman ng babaeng nanalo sa pak ganern na si Lei ang napili, nagtitili ito. Para bang kilig na kilig. Sino ba kasing hindi? Ang pogi kaya ng boyfriend niya!
Habang unti-unting itinataas ni Lei ang garter sa kaliwang binti ng babae, bigla na lang hinawakan ng babae ang kamay nito at ninakawan ng halik si Lei sa pisngi. Natipuhan yata talaga nito ang boyfriend niya. Ang landi! Humanda ito sa kanya!
Nakatayo siya malapit sa mga ito kaya naman mabilis niyang nahablot ang babae. Nahulog nga ito sa kinauupuan dahil sa lakas niya. Sumisigaw na ito at humihingi ng tulong. Para ngang natulala ang mga tao sa paligid dahil wala man lang pumigil sa kanya maliban kay Lei.
“Stop it,” niyakap siya nito.
“Nakakainis kasi! Pinagnanasahan ka!”
“Sino ka ba? Bakit ganyan ka umasta? Girlfriend ka ba niya?” Nakatayo na ang babae’t pilit iniaayos ang dapat na yatang i-rebond na buhok nito.
Aba’t may lakas pa talaga ito ng loob na itanong iyon. Hindi pa ba halata?
“Private property ko siya kaya huwag ka nang sumubok pang agawin dahil tutuluyan na talaga kitang kalbuhin!”
“Relax,” ani Lei sa kanya.
“Ayoko nang mabroken hearted ulit kaya dapat akin ka lang. Hindi ako nahihiyang magwala dito masigurado ko lang na walang makaagaw sa 'yo!!”
Muli itong natawa. “Halik lang naman 'yon. Bakit ba ang hilig mong magwala?” Nakatawa nitong sabi.“Ikaw nga ninakawan rin ako. Mula noong magkakilala tayo, nanakaw mo na ang puso ko.”
Doon na nagtilian ang mga tao lalo na nanghalikan siya ni Lei. Hindi sana magalit ang bride at groom sa pagiging scene-stealer nila.
AZEL

BINABASA MO ANG
Just for Love
RomanceNagmahal. Nasaktan. Nagwala Kung kailan nagseryoso si Eunice sa pag-ibig, saka siya naloko. Kaya naman naging bitter siya. Pati love life ng kaibigan, pinakialaman niya. Pero ang nangyari, may forever pala talaga ang lovelife nito samantalang sa kan...