#aprilfool'sday

167 3 0
                                    

"KAMUSTANG trabaho?" Tanong ni Lyka nang mapadalaw ito sa bahay.
"Trabaho ba ang tawag do'n? Akala ko pagpapaalila."
"Sorry Bes. Wala talagang effect kay Michelle ang pakiusap ko."
"Hayaan mo na, nakakakalahati na rin naman ako. Konting tiis na lang."
Saka kung tutuusin, kung ikukumpara noong unang linggo niya sa restaurant, magaang na ang trabaho niya. May kasama na kasi siya sa paghuhugas ng pinggan. Dati na iyong doon naka-assign pero pinalipat ni Michelle pagdating niya. Siguro nga'y napakabagal niyang kumilos kaya mas pinili na lang nitong patulungan siya kaysa maubusan ng pinggan.
"Kamusta na nga pala kayo ni Lei?"
Napakunot-noo siya. "What do you mean?"
"Hindi ba ang sabi ni Norman sa 'yo type ka niya? Dumidiskarte pa ba? Sagutin mo na lang kasi para hindi ka na mahirapan. Madali mo lang din naman 'yong magugustuhan."
Nasabi nga pala niya iyon sa kaibigan  nang magdahilan siya kung bakit palihim silang magkausap ng boyfriend nito.
Ang totoo, maliban sa katulong niya sa paghuhugas may iba nang nakapagpagaan ng trabaho niya, si Lei.
Malalaki ang mga kawali at kaldero. Hindi niya alam kung sinasadya o ganoon lang talaga na nilalagyan ng tubig ang mga iyon at punung-puno pa. Sa tuwing binibitbit niya sa hugasan, pakiramdam niya hihiwalay na ang braso sa katawan. Wala rin nagbo-boluntaryong tulungan siya dahil malamang, utos din iyon ni Michelle.
At sa mga pagkakataong iyon, bigla na lang dumarating si Lei. Malapit na malapit na talaga siyang maniwala na supernatural ito. Dumarating kasi ito kapag nangangailangan siya ng tulong. Hindi ito masyadong nagsasalita pero bago pa man niya mabuhat ang mga hugasin, mabilis na nitong nasasabi na "ako na". Syimpre gusto man niyang sabihin na huwag na, hindi niya masabi dahil napakabigat talaga.
Iyon na ba ang tinutukoy ni Lyka? Dumidiskarte na ba ang tawag doon? Mukha namang hindi. Nakakahiya rin kung mag-a-assume siya.
"Wala na 'yon, napahiya na siguro."

"WHY did you do that?"
Sa pagpasok pa lang ni Michelle at sinabi, alam niyang hindi nito nagustuhan ang naging desisyon niyang ibalik sa dati nitong trabaho si Agnes para makatulong ni Eunice.
"Ginawa ko lang kung anong makakabuti para sa business natin."
"Para nga ba sa business o talagang pinapaboran mo lang ang babaeng 'yon? Hindi ka naman dating nakikialam sa mga desisyon ko."
"You're taking everything about her too personal Michelle."
"No, its not me but you kuya."
"Mali bang solusyonan ko ang problema? You keep on complaining about utensils shortage but all you ever did was to scold her about her performance. You're only focusing on her mistakes amd not thinking for a better solution. Now tell me, who's taking everything about her too personal?"
Natahimik ito.
"Akala mo hindi ko alam? That you're making everything hard for her? Sinasadya mong palagyan ng maraming tubig ang mga malalaking kalderong huhugasan niya para mahirapan siyang buhatin?"
"Hindi ko na problema kung masyado siyang tanga at hindi man lang naisipang bawasan man lang 'yon ng tubig para hindi siya mabigatan. Alam mo sinasadya lang talaga no'n na magmukhang kawawa sa harapan mo. Hindi mo ba nakikita 'yon? She's manipulating you and making me the wicked one. I'm just trying to do my job right."
Napabuntong hininga siya. "I know you're mad at her for what she did to you. Pinagbigyan na nga kita sa gusto mong parusahan siya kahit ba pwede namang palampasin na lang natin. Iyon ay dahil ayokong isipin mo na hindi ko pinapahalagahan ang damdamin at desisyon mo kaya sinuportahan kita. Sinunod na rin niya ang mga kondisyon natin, pinagbabayaran na niya ang naging pagkakamali. Hindi ba't panahon naman na matuto kang magpatawad?"
Natahimik na naman ito. His sister grew up up with their mom in states and they only had the chance to meet two years ago when their mom passed away. Mula kasi nang magkahiwalay ang magulang, ganoon na rin sila katagal di nagkita. Their mom used to describe her as a stubborn kid. Maasaya siya at nakikinig ito sa kanya.
Napabuntong hininga ito. "Fine. I'll try."
As days passed, hindi na niya napapansin na pinapagalitan ni Michelle si Eunice. Iyon nga lang, hindi rin niya masasabing nagkabati na ang mga ito. Pero ayos na rin yon. Hindi rin naman kailangang maging mag-bestfriend ang dalawa.

ITS been three weeks. Isang linggo na lang at matatapos na rin ang paghihirap niya. Naisipan niyang pumasok nang umaga para maaga rin matapos ang stress niya sa isang araw.
Nang palabas na siya, may nakaagaw ng kanyang pansin. Isang lalaki na todo ang ngiti habang kausap ang babaeng nasa tapat ng upuan nito. Kung kay Norman nagkamali pa siyang babae nito si Michelle, ngayon sigurado siyang babae nga ni Leo ang kaharap!
Naikuyom niya ang mga kamay. Nang hiwalayan siya nito, natulala lang siya't walang nagawa. Umiyak lang siya nang umiyak. Pero ngayong nakita niya ito muli, hindi sakit kundi galit ang nangingibabaw sa puso niya. At hindi siya makakapayag na magkahiwalay ulit ang landas nila nang hindi siya nakakapaghiganti.
Tahimik siyang nagtungo sa table ng mga ito. Naupo siya sa tabi ni Leo at kumapit sa braso nito.
"Long time no see kuya, girlfriend mo? Hi!"
Sa pagkagulat, nanlaki ang mga mata ni Leo at hindi nakakilos. Ang kasama naman nito ay napakunot ang noo at para bang nagtatanong kung sino siya. Ganoon pa man, gumanti ito ng bati sa kanya.
"Hi din. Pwede ko bang malaman kung kaanu-ano ka ni Leo?"
Tumingin siya kay Leo na may ngiti sa mga labi. Nakakapit pa rin siya sa braso nito.
"Hindi mo ba 'ko ipapakilala sa kanya? Ang sama mo naman."
"E-Eunice pwede bang saka na lang tayo mag-usap?" Mahina nitong sabi.
"Bakit naman? Masama bang makilala niya 'ko? Ako na nga lang magpapakilala sa sarili ko." Hinarap niya ang babae. "Ako nga pala si-."
"Mommy! Daddy! Uuwi na po ba tayo?" Anang batang babaeng patakbong dumating at niyakap ang babaeng nasa harapan niya. Tingin niya'y nasa pito o walo ang edad nito.
"Sinabing huwag tumakbo. Hindi ka pa gaanong magaling," saway dito ng babaeng kasama ni Leo.
Napatingin sa kanya ang bata. "Sino siya Mommy? Bakit nakahawak siya kay Daddy?"
Nabitawan niya si Leo. Napatingin siya sa dating boyfriend. "May anak ka na? A-asawa mo siya?" Hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha. "I-inilihim mo sa akin ang lahat ng 'to?"
"Eunice ang pangalan mo hindi ba? Kaanu-ano mo ba ang asawa ko?"
"Eunice," may pag-aalala sa boses ni Leo.
Paano nga naman kung sasabihin niyang naging girlfriend siya ni Leo? Siguradong masisira ang pamilya nito.
"P-pinsan niya ko. Nakakatampo lang kasi hindi man lang niya nabanggit na may-asawa't anak na pala siya. Sige, maiwan ko na kayo," tumayo na siya.
"Sandali," hinawakan ni Leo ang braso niya.
"Hayaan mo na 'kong umalis. Hindi naman tayo close di ba? Ang rami mo na ngang inilihim sa 'kin," tinalikuran na niya ang mga ito.
Paghihiganti ang nais niya. Maghigante sa babaeng umagaw ng kaligayahan niya, ang sumira sa relasyon nila. Pero baliktad pala ang paniniwala niya. Siya pala itong kabit at sisira ng isang pamilya.
Walang patid ang luha niya't wala na rin siyang pakialam kung nakatingin sa kanya ang mga taong nadadaaanan. Mas mahalagang makalayo na siya sa lugar na 'yon.
"Eunice."
May tumawag sa pangalan niya pero hindi na niya iyon tinanaw kung sino. Nagtungo na siya sa sasakyan at pinaandar iyon. Habang nagmamaneho, napahagulgol na siya.
"He doesn't deserve your tears Eunice! Stop crying!"
Pero ano mang kausap niya sa sariling tumigil, hindi pa rin niya mapigilan ang pagpatak ng mga luha. Nagmukha siyang tanga!
"Shit!" Sigaw niya nang biglang tumirik ang sasakyan. Kung kailan gusto niyang lumayo, hindi pa ito nakisama. Hinampas niya ang manibela. "I hate this life!" Pakiramdam niya hindi umaaayon sa kanya ang lahat ng bagay.
Biglang may kumatok sa pinto ng sasakyan. Napatingin siya sa kanyang kaliwa. Hindi niya inaasahan ang taong nandoon ang kakatok. Nabasa niya sa bibig nito ang mga salitang "open the window" na sinunod rin naman niya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Are you trying to kill yourself?" Ito na mismo ang nag-unlock sa pintuan at binuksan iyon. Hinila siya nito't niyakap nang mahigpit.
Nabigla man sa ginawa ni Lei ay hindi na siya nagpumiglas. Napayakap na lang rin siya dito at muling napahagulgol. Nang mga oras na 'yon pakiramdam niya ito lang ang maaaring makaramay. Wala siyang nararamdamang pagkailang kahit ba nang oras na 'yon nasa tabi lang sila ng kalsada at maraming dumadaan.
"Superhero ka ba?" Tanong niya dito nang mahimasmasan.
"Hmm? What made you think of that?"
"Sa tuwing kailangan ko kasi ng tulong, dumarating ka."
"Really?"
"Kung naging pulis ka lang siguro marami ng buhay ang nailigtas mo. Dumadating ka kasi sa tamang oras."
"Bakit ka nga pala nagmamadaling umalis sa restaurant at umiiyak? May nangyari na naman ba sa pagitan niyo ni Michelle?"
"Wala. Iba ang dahilan."
"Na hindi ko pwedeng malaman?"
Napatingin siya sa mga mata ni Lei. Hindi na naman nito kailangang malaman ang dahilan pero pakiramdam niya ayos lang din na maikwento iyon dito. "Kung sa ibang lugar natin pag-uusapan, maaari siguro."
May tinawagan muna ito at sumunod ay may dumating na lalaki. Iyon na daw ang bahala sa sasakyan niya. Samantalang sumakay siya sa kotse nito papunta sa bahay niya. Sinabi niya kasi na doon na lang sila pumunta.
Dahil hindi siya marunong magluto, hindi na lang siya nag-offer. Hindi rin siya doon madalas kumain kaya kahit instant food, wala rin. Mga chips lang at softdrinks kaya iyon na lang ang inihanda niya.
"Ayos lang ba na nandito ka ngayon?"
"Michelle is there."
Sabagay sa inyong dalawa mukhang mas siya ang boss doon. Minsan lang naman kasi kitang nakikitang lumalabas ng opisina mo." Iyon ay kapag tinutulungan siya nito.
"You're right. Mas hands on si Michelle kaysa sa akin. Hindi ako masyadong nakikipaghalubilo sa mga tao. That's Michelle's expertise."
"Expertise? Sa sungit niyang 'yon?"
"Palakaibigan si Michelle, maraming kakilala. Siguro hindi lang talaga naging maganda ang unang pagtatagpo niyo. She do have an attitude but she's a nice person. Infact, kaibigan niya ang lahat ng employee namin."
"Gano'n? Eh bakit parang ilag rin sa kanya 'yong mga employee niyo?"
"Istrikto siya pagdating sa trabaho pero after work, madalas silang lumabas."
"Talaga? Kaya pala parang masama ang tingin sa akin ng mga nandoon, kakampi pala sila ni Michelle."
"Let me ask you the same question," anito.
"Huh?"
"Ayos lang ba na nandito ako ngayon?"
"Bakit naman hindi? Sasabihin ko ba naman na dito tayo pumunta kung hindi."
"Baka lang kasi may biglang dumating. Like your boyfriend."
"Ang kapal na lang ng mukha niya kapag nagpunta pa siya dito. Kainis!" Inihagis niya ang hawak-hawak na chips.
"Siya rin ba ang dahilan kung bakit muntikan ka nang magpakamatay?"
Naaalala rin pala nito ang una nilang pagtatagpo.
"Hindi nga sabi ako magpapakamat no'n. Naglalabas lang ng galit. Kaya hindi mo na dapat ako itinali!"
Natawa ito. "Akala ko hindi mo na rin 'yon maalala."
Rin? May iba pa na ba siyang nakalimutan?
"Iyon rin ba ang lalaking dahilan ng pag-iyak mo't pag-alis ng restaurant kanina?"
Muli na namang namuo ang mga luha niya. "Wala siyang kwentang lalaki! Masakit na nga na nalaman kong may iba na siyang mahal, mas masakit palang malaman na ako pa itong kabit. Nakita ko siya kanina sa restaurant, may asawa na pala siya't anak."
"Gaano na ba kayo katagal at ngayon mo lang nalaman?"
"Six months lang ang itinagal namin pero kahit na, minahal ko kaya siya nang buong puso!" Binuksan niya ang can ng softdrinks at ininom. "Dapat pala beer ang inimbak ko dito sa bahay!" Napaiyak na siya.
"Sabagay ako rin naman may minahal ding babae nang sobrang-sobra."
Napatingin siya dito. "Minahal? Ibig sabihin wala na rin kayo?"
"Pagkatapos naming maghiwalay hindi na 'ko nagkaroon ng ibang girlfriend."
"Ganyan na nga rin ang balak ko. Ayaw ko na rin magkaroon ng karelasyon. Ang sakit palang mahiwalayan. Ang totoo may mga naging boyfriend ako noong highschool ako at college pero hindi ko sineryoso. Kaya nga siguro ngayon kung kailan totohanan na ang nararamdaman ko, bumalik sa 'kin ang nagawa ko. Ako naman ngayon ang hindi seneryoso. Ikaw ba, bakit ka nahiwalayn ng ex mo? Para sabihin mong siya lang ang minahal mo, ibig sabihin ikaw ang hiniwalayan."
"Sabihin na lang natin na pinaglaruan lang niya 'ko.  Schoolmate ko siya noong highschool kami at nalaman niyang crush ko siya."
"Ginawa kang boyfriend, pinabili ng maraming bagay na gusto niya tapos pagkatapos ng date niyo, hiniwalayan ka?"
Napatingin ito sa kanya. "Kompleto sa detalye ah. Kabisadung-kabisado. Paano mo nalaman?"
Napayuko siya. "Ang totoo kasi nagawa ko na rin 'yan, noong highschool din ako. Ang sabi sa akin mayaman daw yon kaya sinubukan ko. Parang ako pa nga ang nanligaw tapos nang maging kami, nagpabili ko ng kung anu-ano. Pagkatapos ng date namin, nakipaghiwalay din ako agad. Di ko naman kasi talaga 'yon type. Hindi kagwapohan. As in ang layo sa tipo kong mga lalaki."
"Mabuti lang pala sa 'yo ang nangyari ngayon. Nakaganti na 'yong lalaking kinawawa mo noon."
"Aray ah. Alam kong masama 'yong nagawa ko at pareho kayo ng experience pero hindi naman ako ang nanakit sa 'yo. Dapat 'yon ang balikan mo't hilingin mong di na siya magkaroon ng happy na love life para makaganti ka. Nasaan na ba siya ngayon? Nagkita na ba kayo ulit?"
"Kung sakaling magkita man kami baka hindi na rin niya ko makilala. Wala na rin kwenta kung maghihiganti ako."
"Ano siya may amnesia para di ka makilala? Siguradong maaalala ka no'n. Panigurado rin magsisisi siya kasi hiniwalayan ka niya. Kita mo naman, ang gwapo mo kaya," natakpan niya ang bibig sa nasabi. Mukha tuloy niyang inamin mismo na nagagwapohan siya dito. Baka mag-isip pa ito nang kung ano. "Ang ibig kong sabihin hindi madaling makalimutan ang mga lalaking may itsura."
"Ikaw ba, naaalala mo pa ba 'yong lalaking pinaglaruan mo noon?"
"Hmm... kapag nakita ko siya ulit baka maalala ko. "
"Kung gano'n hindi nga niya ako maaalala," tumayo ito.
"Saan ka pupunta? Aalis ka na?"
"Bukas idadaan ng kaibigan ko sa restaurant ang sasakyan mo. Doon mo na lang puntahan. I have to go."
Nasundan na lang niya ito ng tingin hanggang sa makalabas na ng pinto. Narinig na lang niya ang papalayo na nitong kotse.
Galit ba ito? Sabihin nang pareho ito ng experience sa lalaking napaglaruan niya noon pero hindi naman yata tamang ibunton nito sa kanya ang galit na nararamdaman sa babaeng nanloko dito. Akala niya gagaang ang loob niyang may mapagkikwentohan sa nangyari sa kanila ni Leo, hindi pala. Wala namang naitulong si Lei. Naungkat lang ang pangit niyang katauhan. Mali yata ang naging pakiramdam niyang ayos lang ibahagi dito ang lovelife niya.
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kapatid. "Nasaan ka? Pwede ka bang magpunta dito sa bahay?"
"Ano na namang kailangan mo't gusto mo 'kong makita?"
"Hindi ba pwedeng gusto ko lang magkaroon ng karamay?"
"Karamay saan? Sa pagiging sawi?"
"Sana."
"Naku marami akong dapat gawin para isipin ko pa 'yan. Magkanya-kanya na lang muna tayong mag move on. Bye."
Napasimangot na lang siya. Tinawagan rin niya ang kaibigang si Lyka pero kasama daw nito si Norman. Nakakahiya naman kung puputulin niya ang date ng dalawa. Paniguradong sobrang saya pa ng mga ito dahil sa naganap na proposal kahapon sa restaurant nila Lei. Hindi na lang niya ito inabala.
Nagpagulong-gulong na lang siya sa kama at mag-isang nagluksa sa pangalawang beses na kamatayan ng puso niyang sawi.

ITS been what? Ten years? Ten years na ang lumipas mula nang paglaruan siya ni Eunice. Dahil doon nawalan siya ng tiwala sa mga babae. Na pakiramdam niya paglalaruan lang siya. Iyon na nga rin siguro ang dahilan kung bakit hindi na siya nagkaroon ng girlfriend.
Ito ang unang babaeng itinibok ng kanyang puso. Pero hindi lang pala ang puso niya ang hindi nito pinahalagahan, maging ang pagkatao niya. Hindi man lang nito maalalang siya ang lalaking pinaglaruan nito't tinawag na hindi kagwapohan.
Matagal na iyong nangyari pero nang makita niya si Eunice, muling nagbalik ang alaala niya sa nakaraan. Kung paano niya ito patagong tinatanaw at kung gaano kabilis tumibok ang puso niya sa tuwing  nagkakasalubong sila.
Nerd ang turing sa kanya noon dahil sa napakakapal na salamin at sa hairstyle na gustong-gusto ng lolo niya noong kapanahunan nito. Payatot din siya at pandak kaya palagi siyang napagdidiskitahan ng mga bully. Kaya naman napakasaya niya nang lumapit sa kanya ni Eunice. Na hindi pala niya kailangang maging kasing tangkad ng mga lalaki sa school at maging kasing gwapo ng mga ito. Panandalian siyang naniwala sa true love dahil kay Eunice. Akala niya totoo ang mga sinabi nito.
"Bakit hindi mo sinabi agad na gusto mo 'ko? Alam mo sa totoo lang gusto rin kita. Matagal na kitang napapansin pero nahihiya lang din ako. Pero ngayong alam kong gusto mo rin pala ako, para hindi ka na mahirapan, tayo na. Hindi mo na kailangang manligaw."
Para siyang nananaginip. Si Eunice Alonzo, ang crush ng bayan may gusto rin sa kanya? Bigla na lang itong lumapit sa isang bench kung saan siya lang yata ang naroon. Wala nang klase dahil closing na. Nagpapapirma na lang sila ng clearance kaya siya naroon tulad ng ibang estudyante.
"T-totoo ba 'to?"
Natawa si Eunice at hinawakan ang kamay niya. "Mukha pa ba 'kong imahinasyon mo lang?"
Malakas at mabilis ang tibok ng puso niya. Para siyang magha-hyperventilate sa nerbyos at tuwa na napansin siya nito.
"T-totoo ba ang mga sinabi mo? G-gusto mo 'ko kahit ganito ako? Ang itsura ko?"
"Bakit, ano bang masama sa itsura mo? Hindi lang naman 'yan ang basehan para magustuhan mo ang isang tao hindi ba? Pati rin sa ugali. Alam kong sobrang bait mo at iyon ang nagustuhan ko sa 'yo. Ang true love hindi nakikita kundi nararamdaman."
"P-pero-."
"Ayaw mo ba sa akin? Ayaw mo ba 'kong maging girlfriend? Bina-basted mo ba 'ko?"
"H-hindi. Hindi lang ako makapaniwala."
"Puwes maniwala ka," kumapit ito sa braso niya. "Mula ngayon tayo na. Okay?"
Napangiti na lang din siya't napatango. "Katuparan ka ng pangarap ko."
Ngumiti ito. "Ang sweet mo naman. As a celebration, lets have a date?"
Nagpunta sila sa Park, sa Mall at bumili ng mga bagay na itinuturo nito. Kumain din sila sa mamahaling restaurant. Mabuti na lang at nadala niya ang inipong pera kaya may nagamit siyang pera para sa date nila. Masaya siya na dito niya iyon nagastos. Lahat ibibigay niya kay Eunice mapasaya lang ito. Hindi kasi matatapatan ng pera ang kasiyahang naidulot nito sa kanya.
Una'y tumatawa pa ito pero nang huli, naging seryoso na ang ekspresyon ng mukha nito. Maya-maya ay nagyaya na itong umuwi. Naisip niya na baka lang masama ang pakiramdam.
"Ihahatid na kita sa inyo," aniya.
"Huwag na. Ito na rin naman ang huling beses na magdi-date tayo."
"Huli?"
"Sorry. Ano kasi, kanina sa mall, sa park, pinagtitinginan tayo ng mga tao. Hindi ko yata kayang ganoon din ang maging reaksyon ng mga schoolmates natin. Nakakahiya. Hindi ko pala kayang maging tayo nang matagal. Saka pang isang araw lang naman talaga ang dapat itagal nito. Sige ha, gabi na kasi. "
Para siyang umakyat sa isang bundok na kung kailan papunta na sa pinakadulo, nadulas siya't nahulog pabalik sa pinakaibaba. Nasa peek na ang kasiyahan niya pero bigla nitong binawi nang buong-buo, salat na salat. Walang itinira kahit kaonti.
Inasahan pa niyang nagbibiro lang ito pero hindi. Tinalikuran siya nito daladala ang lahat ng pinamili nila. Hindi man lang nito nagawa kahit ang lingunin siya.
Sa pagbalik niya kinabukasan sa school, sinubukan niya itong kausapin. Lumabas naman ito ng classroom.
"Anong kailangan mo? Bilisan mo."
"Iyong kahapon, anong ibig sabihin no'n? Ganoon na lang ba talaga 'yon?"
"Alam mo ba kung anong araw kahapon? Anong date? Anong okasyon?"
Napaisip siya...
April fool's day.

Just for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon