"AYOS lang ba talagang sumabay ako sa inyo? Baka kasi maka-isturbo lang ako sa moment niyo." Ang kuya Amado niya nang pauwi na sila ng Zambales.
"Bakit naman hindi? Mas ayos nga na marami tayo para maingay tsaka happy. Sige na sakay ka na sa likod," pumasok na siya sa kotse at naupo sa frontseat.
Pumasok na rin ang kuya niya at naupo sa backseat. "Wow, happy nga," anito.
"Wala na bang naiwan?" Si Lei.
"Isipin niyo na lang na naiwan ako. Isipin niyo na kayo lang ang nandito. Promise hindi ako iimik. Hindi ako magiging isturbo."
Hindi rin naman nasunod ng kuya niya ang sinabi nito. Sa dami ng tanong at mga sinasabi, daig pa si Kris Aquino sa kadaldalan.
"Curious talaga ako kung paano kayo nagkakilala. Magkwento naman kayo."
"Mahabang kwento kuya, huwag na." Ayaw niyang magkwento dahil syimpre baka hindi tumugma sa kwento ni Lei sa magulang nila. Tapos pagdating sa probinsiya mapag-usapan na naman tapos iba na.
"Ayos lang. Mahaba pa naman ang biyahe natin. May four hours pa kaya magkwento na kayo. Si Lei na lang ang tatanungin ko para siguradong sasagot. So Lei, kailan nga ba kayo nagkakakilala nitong kapatid ko?"
"Higschool pa 'ko noong una ko siyang nakita."
"Wow! Tagal na rin ha? Tapos ngayon lang naging kayo? Matiyaga ka rin ha!"
Bahagya naman niyang tinapik si Lei. Sa pagkakaalala niya, hindi naman kasi ganoon ang kwento nito sa magulang niya.
"Nakita ko ang ginawa mo. Pinipigilan mo ba si Lei magkwento? Huwag ka ngang isturbo sa usapan namin. Just ignore her Lei."
Natawa si Lei at sumunod rin naman sa sinabi ng kuya niya.
"First year pa lang siya, kilala ko na siya. Kakaiba talaga kasi ang ganda niya. Kaya nga lahat ata ng lalaki napapasunod nang tingin sa kanya at isa na 'ko doon. Maraming gwapo sa school kaya pakiramdam ko kung magpapakilala ako, hindi lang rin niya 'ko papansinin."
"Sa itsura mong 'yan? Ang humble mo rin ah. So ibig sabihin hindi mo siya nalapitan ever noon?"
"May isang beses. When I was a forth year student and she was in second year."
"Really?" Aniya.
"Hindi mo maalala?"
Nag-isip siya. Nagkita na ba talaga sila noon? Totoo ba ang sinasabi nito o gumagawa lang ito ng kwento sa kuya niya? Hindi talaga kasi niya maalalang nakita na niya ito noon. "Hindi nga? Seryoso?"
"See? Hindi na niya maalala. Kaya ayoko na rin alalahanin. Mas mahalaga na para sa akin ang kung anong meron kami ngayon."
"Sa bagay, mas mahalaga nga naman ang present. Pero feel ko naaalala ka niyang si Eunice. Nahihiya lang sigurong aminin kasi na-realize niyang dapat noon pa lang pinansin ka na. Sasagutin ka ba naman kasi niyan agad kung hindi? Noong isang buwan lang kasi nagdadrama pa 'yan na brokenhearted doon sa ex niya. Tapos nabalitaan ko na lang na may bago na? Pero ayos na rin naman, naka-jackpot kasi siya sa 'yo. Sana nga ako rin makahanap ng boyfriend na tulad mo."
"Kuya!"
"Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang magkaroon ng lalaking magmamahal?"
Pinandilatan niya ito ng mga mata.
"Aba't pinandidilatan mo pa 'ko ah. Akala mo siguro magbe-behave na ako noh?"
"Kuya!"
"Kanina ka pa niyang kuya mo ha. Akala mo ba di ko pansin? Naririndi na-," natakpan nito ang bibig. "Oh my God."
Pareho silang napatingin kay Lei.
"Don't worry, your secret is safe with me," anito.
"A-alam mo?" Nang oras lang na 'yon niya naisip na kanina pa mula nang magkita sila, ang boses ng kuya ay pang-ate Amanda na niya. Paano nga naman hindi malalaman ni Lei ang sekreto ng kapatid?
"Lei sekreto lang natin 'to ha? Hindi pa kasi alam nila Papa ang truth. Naisip ko kasi na saka ko na ipapaalam sa kanila kapag tapos na ang election. Alam mo na kung gaano kadumi ang pulitika. Baka ano pa ang masabi nila tungkol sa akin para lang madumihan ang pangalan ng Papa namin."
"Wala namang masama sa pagiging tulad mo. Kung wala ka bang inaagrabyado at sinasaktan, there's nothing wrong being gay. Kung gamitin man nila 'yon para sirain ang papa niyo, sila ang nakakahiya."
"Thank you Lei. Nakakaiyak ang mga sinabi mo. Sana talaga makahanap ako ng lalaking tulad mo," niyakap nito si Lei mula sa likuran.
"Kuya!" Mabilis naman niya itong naitulak at napaupo.
Nanlaki ang mga mata niya sa pagkagulat. "Grabe siya oh! As if naman aagawin ko ang bf mo! Para hug lang ipagkakait pa!"
Maging siya ay nagulat rin sa nagawa. "A-ano kasi, nagmamaneho si Lei. Baka mapahamak tayo dahil sa 'yo."
"Sabagay may point. Palalampasin ko ang ginawa mo. Mamaya ko na lang yayakapin si Lei kapag nakarating na tayo."
"Hindi rin pwede! A-ano, baka makita ka nila Papa! Baka anong isipin."
"Ang sabihin mo ayaw mo lang maagawan ng boyfriend! Alam mo kasing mas maganda ako sa 'yo!"
"Don't worry Eunice, I'm forever yours," ani Lei.
Napangiti siya. "Siguraduhin mo lang. Aray!" Napasigaw siya. Sinabunutan na kasi siya ng kapatid. "Ang sweet niyo! Sa sobrang sweet nakakainis!"
Matagal na mula nang makita ng mga kapatid ang kuya niya. Kaya naman ito ang sinalubong ng halos lahat. Maging mga kamag-anak nila sumugod sa kanila nang mabalitaan ang pag-uwi nito. Pero kahit ba taon-taon din uuwi ang kuya tulad niya, mas ito pa rin ang sasalubongin ng lahat. Sino ba naman kasi ang gugustuhing makita ang tulad niya? Kung may forever man, iyon na yatang pagturing sa kanyang blacksheep ng mga kamag-anak.
Kung wala si Lei, baka lalong walang pumansin sa kanya.
"Do you want to go somewhere else?" ani Lei. Napansin ata nito na wala siya sa mood. "Sandali, magpapaalam lang ako kina Mama at Papa."
Lumapit ito sa Mama at Papa niya. Nakita niyang tumango ang mga ito bago siya binalikan ni Lei.
"Saan tayo pupunta?" Tanong niya dito.
"A place where everyone will surely love to see you."
Sumakay ulit sila sa kotse nito. Hindi naman gaanong malayo ang naging biyahe hanggang sa marating nila ang isang napakalaking bahay.
"Bahay niyo 'to?"
Totoo nga pala talagang taga-Zambales si Lei. Bigla tuloy siyang inatake ng kaba. Dinala siya ni Lei sa isang mansyon at doon, hindi lang pala ang magulang nito ang makikilala niya kundi ang buong angkan nito.
Si Lei ang pumili ng araw ng pag-uwi nila. Iyon ang piniling araw ni Lei dahil kaarawan pala ng Lola nito. Nakita niyang natuwa ang mga naroon na makita si Lei at siya maliban sa isa. Naroon din kasi si Michelle na kahit nakipag-beso sa kanya, hindi man lang ngumiti.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may kasintahan na pala itong kuya mo Michelle," anang Dad ng mga ito.
"Because I don't like her. Especially now that I already know what kind of woman she is."
Nang sabihin iyon ni Michelle, napatingin sa kanya ang lahat.
"Michelle," si Lei.
"What? I'm just being honest. Nag-research ka na ba tungkol sa pagkatao ng babaeng 'yan? Tinanong mo na ba siya kung pang-ilang boyfriend ka na niya?"
"Enough Michelle."
"She's the famous Eunice Alonzo. Lahat na yata ng lalaki dito sa Zambales naging boyfriend na niyan. At ngayon pati ikaw nagpa-miyembro na."
Mukhang umabot na rin pala kay Michelle ang pangit niyang record.
"U-uuwi na lang ako."
Hinawakan ni Lei nang mahigpit ang kamay niya. "No. You'll stay here, with me."
"Just ler her leave kuya!"
"She will stay."
Hindi niya akalaing sasabihin iyon ng lola ni Lei.
"Pati ba naman kayo grandma? Hindi niyo kilala ang babaeng 'yan. She's a bitch!"
"I know her more than you do Michelle. You shouldn't judge a person with their past. Not everything you know is also true," anang matanda. Come here hija," anito sa kanya.
Natahimik si Michelle. Samantalang sinunod naman niya ang sinabi ng matanda at lumapit dito.
"P-pasensiya na po kung nagkaganito ang birthday niyo nang dahil sa akin."
"You don't have to ask for an apology hija. Infact it should be me who needs to thank you for making my grandson to atlast fall inlove," mahigpit siya nitong niyakap. "Palagi kang kinikwento sa akin ng Mama mo. Hindi na mahalaga ang nakaraan. Ang importante ay kung paano ka natuto sa mga pagkakamali mo. I know you've been through a lot but I think everything's going well now."
Sa sinabi ng lola ni Lei, napaiyak siya. Pakiramdam niya nagkaroon siya ng kakampi. Malapit sa Papa niya ang asawa nito kaya siguro nakilala nito ang Mama niya't napag-usapan pala siya ng mga ito. Ibig sabihin may alam na ito tungkol sa mga pinagsasabi ng mga kapitbahay nila tungkol sa kanya. Ganoon pa man, hindi siya nito hinusgahan.
Humingi rin ng tawad ang Dad nina Lei sa inasal ng bunsong anak. Nakakatuwa nga rin kasi humingi ng sorry si Michelle sa mga nasabi nito. Tama nga si Lei, hindi pala talaga ito totally evil. Sa huli ay naging maganda pa rin ang turing sa kanya ng mga tao roon.
"Sorry sa nangyari kanina," ani Lei nang isama siya nito sa may terrace sa ikalawang palapag ng bahay. "Dinala kita dito para sana sumaya ka, mag-enjoy tapos gano'n pa ang nangyari. Sorry kung hindi ko napigilan si Michelle."
Sila lang dalawa ang naroon. Iilan na lang din ang naiwan sa bahay. Nagsiuwian na rin kasi ang iba sa mga kamag-anak nito.
"Ayos lang. Totoo rin naman ang mga sinabi ni Michelle. I'm the famous Eunice Alonzo. Hindi ka ba dito lumaki? Wala kasi atang tagarito na maganda ang tingin sa akin. Para hindi mo malaman ang mga usap-usapan sa akin, mukhang hindi nga."
"I know everything Eunice. But like what my grandma said, what's important is you've learned from it. Saka sinabi ko nang highschool pa lang tayo gusto na kita. Kahit ano pang sinabi ng ibang tao, hindi nagbago 'yon."
Napangiti siya. "Consistent ka ah. Pero sa totoo lang, hindi talaga kita maalala. Lahat ng taong nakikilala ko kahit malimutan ko man ang pangalan, kapag nakita ko ulit namumukhaan ko. Pero ikaw, wala talaga."
"Kung hindi mo talaga maalala, huwag mo na lang alalahanin. Tutal ngayon ako na lang din naman palagi ang laman ng isipan mo."
"Hin-...Ba-..." Hindi niya nagawang matapos ang sinasabi.
Natawa ito. "Bakit ka nabubulol? Tama ba 'ko?"
"H-hindi a!" Umiwas siya nang tingin dito. Sa tingin kasi niya'y namumula na naman ang mga pisngi. Tinamaan kasi siya sa sinabi nito.
Lalo lang natawa si Lei sa ginawa niya. "Huwag ka nang mahiya. Pareho lang naman tayo. Ikaw lang din kasi ang palaging laman ng panaginip ko. Kaya nga masaya pa rin ako at kahit gising ako, ikaw pa rin ang nakikita ko," hinawakan nito ang kamay niya. "At sana kahit nakabalik na tayo sa maynila, ganito pa rin. Walang magbabago."
Matapos ang huling sinabi nito, tumahimik ang paligid. Wala nang nagsalita sa kanilang dalawa. Ganoon pa man, sinagot niya ang mga narinig sa pamamagitan ng mahigpit ring paghawak sa kamay nito.

BINABASA MO ANG
Just for Love
RomanceNagmahal. Nasaktan. Nagwala Kung kailan nagseryoso si Eunice sa pag-ibig, saka siya naloko. Kaya naman naging bitter siya. Pati love life ng kaibigan, pinakialaman niya. Pero ang nangyari, may forever pala talaga ang lovelife nito samantalang sa kan...