KAHIT pa ikinalat ni Congressman Sandejas ang mga larawan ni Amado, wala nang naging pakialam ang mga tao. Sa katunayan ay humanga pa ang mga ito. Bago pa man kasi iyon maikalat, una nang naipakita sa lahat ng kuya Amado niya si Amanda Alonzo na sobrang tinanggap ng tao lalo na ng mga kapwa nito binabae. Sikat pala ang kuya niya sa mga ito lalo na't hindi naman talaga maitatangging napakagaling nitong gumawa ng mga desinyo ng gowns.
At tulad ng sa kuya niya, ipinagkalat rin ni Congressman Sandejas ang pakikipag-relasyon niya sa anak nito. Mula pa man noon, hirap nang maghanap ang mga kalaban ng papa niya ng makakasira dito kaya sila ang ginagamit lalo na siya.
Mabuti na lang at ipinagtanggol siya mismo ni Leo. Ito mismo ang pumigil sa ama sa ginagawa. Sinabi nito na ang congressman ang nag-utos na paibigan siya nito para magamit at masira ang pamilya nila. Sa halip na sila ang masiraan, bumalik lahat kay congressman Sandejas. Lahat na lang daw kasi gagawin nito masiguro lang ang pagkapanalo. Na paniguradong takot lang ito sa papa niya. Alam kasi nitong mas malakas sa masa ang ama.
Namimigay sila ng flyers nang marinig niyang tumutunog ang kanyang phone. Nang makita niya ang pangalan ng caller, napatingin siya kay Lei na noo'y nakatingin rin pala sa kanya.
"May problema ba?"
"Its Leo."
"Do you want me to answer the phone?"
Umiling siya. "Gusto ko siyang makausap. Ayos lang ba?"
Nginitian siya nito. "Go ahead. Doon ka na lang sa sasakyan para hindi maingay."
"Hindi lang sa phone ko siya gustong makausap Lei. Personal. And I want you to be with me, kung ayos lang sa 'yo."
Hinawakan ni Lei ang kamay niya. "Oo naman. Walang problema sa akin."
Akala niya'y hindi papayag si Leo na magkita sila pero mukhang iyon din pala ang balak nito kaya napatawag. Nagkita sila sa isang restaurant. Mag-isa lang ito samantalang kasama niya si Lei.
Ilang minuto rin silang nanatiling nakaupo lang at hindi nag-uusap.
"Sorry," si Leo na ang naunang nagsalita.
Sigurado siya na wala nang nararamdaman para kay Leo. Pangalan na ni Lei ang isinisigaw ng puso niya. Ganoon pa man, hindi pa rin pala siya tuluyang nakakalimot sa sakit na idinulot nito sa kanya. Napaiyak pa rin siya.
"Masaya ka na? Napagaling mo na ang anak mo hindi ba? Nabigyan ka na ni Congressman Sandejas ng pampagamot kapalit ng panloloko mo sa 'kin. I'm happy for your family."
"Eunice, nawalan lang ako ng choice. Naubusan na 'ko ng options. Iyon na lang ang natira."
"Pwede namang kinausap mo na lang ako. Sinabi mo sa akin na magpanggap tayo para hindi ko na rin sana sineryosong mahalin ka."
"I'm sorry Eunice. T-toong minahal kita. Kaya nga nakipaghiwalay na 'ko sa 'yo habang maaga. Ayokong tuluyan kang masaktan."
"Dapat pa pala akong magpasalamat."
"Alam kong galit ka pa rin sa akin at hindi kita masisisi. Hindi rin kita pipilitin na patawarin ako. Ginawa ko 'to para itama ang pagkakamali ko at para sa pamilya ko," tumayo ito. "Mauna na 'ko sa inyo. Lei," tinalikuran na sila nito.
Panay naman ang pahid niya ng luha. Sa kabila ng paghingi nito ng tawad, hindi pa rin nawawala ang galit niya dito. Mukhang habangbuhay na nga ata niya iyong dadalhin.
Ilang sandali pa silang nanatiling nakaupo lang. Hindi rin umiimik sa tabi niya si Lei. Sa ugali nito kung tutuusin dapat ay inaalo na siya. Bigla tuloy siyang nailang.
"Are you okay?" Tanong niya dito.
"Ikaw ayos ka lang ba?" Tanong nito pabalik sa kanya nang hindi man lang siya tinitingnan.
"Galit lang ako."
"Galit o nasasaktan ka pa rin sa nangyari sa inyo?"
Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi at hinarap sa kanya. "Nagseselos ka ba?"
"Normal lang naman sigurong oo, hindi ba? Syimpre kausap ng girlfriend kong umiiyak ang ex na sobra niyang minahal. Pakiramdam ko kasi mahal mo pa rin siya."
"Minahal ko siya pero ikaw na ang mahal ko ngayon. Galit lang talaga 'ko. Hindi ko kasi matanggap na nagawa niya talaga sa akin 'yon."
"Sabihin na lang din nating 'yong lalaking minahal ka't niloko mo noon, napatawad ka na. Kaya sana gano'n ka na rin kay Leo. Atleast siya may dahilan. Ikaw noon, naghanap ka lang ng mapaglalaruan."
"Aray ha. Sabagay, tama ka rin naman. Pero paano mo naman mapapatunayang napatawad na nga rin ako ng lalaking napaglaruan ko noon?"
"Simple lang. Dahil ang babaeng pinaglaruan ako noon, matagal ko na rin napatawad."
Napabuntong hininga siya. "Para sa 'yo, gagawin ko. Para hindi mo na siya pagselosan," niyakap niya si Lei.
"Nandito lang ako para tulungan kang makalimot. Aalisin ko ang galit sa puso mo't pupunoin ko ng pagmamahal."
"Huwag mo na rin sanang i-misinterpret ang nangyari kanina. Ikaw lang talaga ang laman ng puso ko. Tsaka mag-order na rin tayo ng pagkain dito, baka isumpa nila tayo kapag wala tayong binili."
"Sandali," tumingin ito sa paligid at hinanap ang waiter. Nang lumingon ang lalaki. "Waiter! Mahal ko ang babaeng 'to," turo nito sa kanya.
"Ano ba," hinampas niya ito. "Waiter!" Sigaw niya. "Mahal ko rin siya." Nakangiti niyang sabi.
Nawawala talaga ang lungkot, galit at kung ano pa mang negatibong nararamdamnan niya sa mga hirit ni Lei na pampakilig.

BINABASA MO ANG
Just for Love
Любовные романыNagmahal. Nasaktan. Nagwala Kung kailan nagseryoso si Eunice sa pag-ibig, saka siya naloko. Kaya naman naging bitter siya. Pati love life ng kaibigan, pinakialaman niya. Pero ang nangyari, may forever pala talaga ang lovelife nito samantalang sa kan...