"POSITIVE nga girl, nandito si Norman may kasamang ibang babae! Anong gusto mong gawin ko, bubugbugin ko na ba?"
Hindi pa man nakakasagot ang kaibigan ni Eunice na si Lyka sa kabilang linya, tumayo na siya at nagtungo sa table kung saan naroon si Norman. Mabilis na niyang hinablot ang buhok ng babaeng kasama nito.
"Malandi kang babae ka! Alam mo bang may girlfriend na 'yang lalaking kalandian mo? Ha!"
Napatayo na rin si Norman. "Eunice! What are you doing? Let her go!"
Pinipilit siya nitong hilahin pero mahigpit ang kapit niya sa babaeng kulang na lang yata maging invicible na sa sobrang puti. Well, pagkatapos ng gagawin niya dito, paniguradong magiging kamatis na ito sa sobrang hiya. Dapat lang iyon sa mga babaeng mang-aagaw!
Isa rin siya sa mga naging biktima ng mga lalaking tulad ni Norman! Tulad nito, hindi rin nakontento sa kanya ang walanghiya niyang ex na si Leo, shortcut for Leopoldo. Akala niya ito na ang magiging forever niya. Sa anim na buwan pawang magagandang bagay lang ang naaalala niya sa relasyon nila. Pero totoo pala talagang walang perpektong relasyon. At higit sa lahat, walang forever! Bigla na lang itong nakipaghiwalay sa kanya dahil may mahal na daw itong iba.
Kaya naman, ayaw din niyang matulad sa kanya ang kaibigang si Lyka. Tulad niya noon, patay na patay rin ito sa boyfriend. At si Norman, katulad na katulad rin ni Leo. Iyon bang ipaparamdam sa 'yo na parang wala nang ibang babaeng natitira sa mundo. Nakatatlong taon na rin ang mga ito at kahit minsan hindi rin niya nabalitaang nag-away.
Lahat ng signs na nakita niya sa relasyon nila ni Leo, naroon din sa relasyon ni Norman at Lyka. Kaya naman hindi niya papayagan na matulad sa kanya ang kaibigan. Nagpakatanga at lalong nagmukhang tanga dahil siya pa itong hiniwalayan. Bago pa man iyon mangyari sa kaibigan, siya ang gagawa ng paraan para malaman nito ang pinakakatagong baho ni Norman.
At heto na nga nasa harapan na niya ang proweba. Hindi na ito pwedeng magkaila pa dahil huling-huli na niya!
"Dapat lang ito sa kanya! Sinasabi ko na nga ba katulad ka rin ng ibang mga lalake, mga manloloko! At ang babaeng 'to, sisiguraduhin kong pagsisisihan niyang pinatulan ka niya!"
Mas lalo pa niyang nilakasan ang paghila sa mga buhok ng babae. Sisiguraduhin niyang mauubos ang lahat ng hibla ng buhok nito bago lubayan. Walang makakaawat sa kanya! Kahit nakisali na ang mga crew sa restaurant, hindi pa rin siya maawat!
"Ano ba Eunice! Bitiwan mo siya! Hindi ko siya girlfriend!"
"Sinong niloko mo!"
"Let her go!"
"Ah!" Napangiwi siya nang hawakan ng isang bagong dating na lalaki ang braso niya. Halos pilipitin na nga yata nito iyon. Mukhang balak na nga atang baliin. "Aray ko naman!"
"Take that crazy woman out of this place!" Utos ng babaeng sinabunutan niya sa guwardiya na lumapit na rin sa kanila.
Umarko ang kilay niya sa salitang crazy. English lang pero baliw pa rin!
"Hoy! H-hindi ako-ano...hindi ako baliw!" Nabulol siya't mabuti na lang nakabawi agad nang makita ang itsura ng lalaking halos bumali sa braso niya.
Kulang pa yata ang salitang gwapo para mailarawan ang itsura nito. Dapat ata double G-W-A-P-O. Kung maluwang lang ang suot niyang panty, baka literal na iyong nahulog. Tao ba ang kaharap niya?
Kulay abo ang mga mata nito, mapupula ang pisngi at hindi na kailangang mag-lipstick sa sobrang pula ng labi. Matangkad rin ito. Para itong boy version ng...napatingin siya sa babaeng kanina lang ay sinabunutan niya. Napansin niyang hindi man lang gaanong nagulo ang buhok nito sa kabila ng ginawa niya. Sa mamahaling parlor ata ito nagpa-rebond. Hindi man lang sinuklay, kusa nang tumuwid. Muli siyang napatingin sa lalake. Para kasing nakita na niya ito. Tama! Ito ang lalaking tinali siya sa tulay!
"Tayo na miss," hinawakan na siya ng mga guwardiya sa magkabilang braso. "Dadalhin ba namin sa presento sir?
Presento? May balak ba ang mga ito na ipakulong siya? Gusto lang naman niyang maprotektahan ang kaibigan.
"Bitawan niyo nga ako! Wala akong ginagawang masama!" Nagpumiglas siya.
"Sandali lang Lei, pwede naman sigurong mapag-usapan 'to," ani Norman.
"Ano pa bang dapat pag-usapan Norman? Sa tingin ko mas mabuting madala nga ang babaeng 'yan sa presento! She just made a scene in our restaurant and most of all, sinaktan niya 'ko. Sino ba kasi ang babaeng 'yan?!"
"Michelle," wika ng lalaking feel niya nagagandahan ata sa kanya. Hindi na kasi nawala ang pagkakatitig nito sa mukha niya. Nailang tuloy siyang bigla.
"She deserves to rot in jail after what she did to me! I don't deserve this kuya!" anang babaeng tuluyan na ngang naging kamatis sa galit. At ano nga ulit ang sinabi nito? Hindi nito deserve ang ginawa niya? May kakapalan din pala talaga ang face nito!
"Pwede bang palampasin na lang natin 'to? For the sake of our friendship. Please," ani Norman. "Ayokong maging komplikado ang lahat, baka pumalpak lang din ang proposal ko kay Lyka kapag nalaman niyang nakulong si Eunice," tumingin ito sa kanya nang may kataliman. "Ano ba kasing pumasok sa kokote mo't bigla ka na lang nagwala at sinabunutan si Michelle?"
Para banggitin ni Norman si Lyka at ang salitang proposal sa harapan ni Michelle, ibig sabihin hindi nga nito iyon girlfriend. Tama nga yata ang lalaki, baliw na nga ata siya. Nakakahiya ang nagawa niya.
Napatingin siya sa paligid at doon lang niya namalayan na nakatingin na pala sa kanila ang halos lahat ng tao sa restaurant. Napayuko siya. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Naisip rin niya na baka may makakilala sa kanya.
"S-sorry," mahina niyang sabi. Hindi siya nagpapaawa pero hindi na rin kasi nagpaawat sa pagpatak ang mga luha niya. "A-akala ko kasi t-tulad ka lang rin ni Leo. Na sasaktan mo lang rin ang kaibigan ko."
"We've been together for three years. Do you really think I could do that to her?"
Mali nga rin naman na ikumpara niya ang mga ito sa kanila. Na-paranoid na nga ata siya sa sobrang pagkasawi sa pag-ibig. Six months lang sila samantalang inabot na ang mga ito ng tatlong taon. Pero hindi lang naman iyon ang basehan hindi ba? May iba nga kahit ang dami ng anak at sobrang tagal nang mag-asawa pero nagkahiwalay.
"S-sorry na. Alam kong nagkamali ako."
"Is that all you're gonna say? After what you did to me?" ani Michelle.
Naiintindihan niya ang galit nito. Muntikan na itong maging panot nang dahil sa kanya. Hindi na lang siya umimik. Mali naman talaga siya.
"Michelle please, huwag na lang sana natin 'tong paabutin pa sa kulungan."
"I can't just let it pass. She deserves to be punished!"
"Hindi na namin 'to paabutin pa sa kulungan," ani Lei.
Kahit medyo may pagka-istrikto ang mukha nito, mukhang may itinatago naman pala itong kabaitan. Kung hindi lang nakahawak sa mga braso niya ang mga gwardiya, baka napayakap na siya dito.
"Pero kuya! Ipinahiya niya ako sa harap ng maraming tao! She even hurt me physically!"
"But like what my sister said, we can't just let it pass easily. As a punishment of what she did, I think working here for a month without pay would be enough."
"What? No way!" Aniya.
"I think that's a good idea. She'll be working as a dishwasher. Para malinis ang mga kamay niyang dinumihan ang buhok ko!"
Maganda nga si Michelle, mukhang anghel pero may pagka-evil pala ang ugali. Gusto talagang makaganti.
"Ayoko," aniya. "Kung gusto niyo babayaran ko na lang kayo. Tell me how much, I can give it to you now, in cash."
Siya, si Eunice Grace Alonzo magtatrabaho bilang isang dishwasher? Ni hindi nga niya hinuhugasan ang pinggan sa sariling tahanan, kinainan pa ba ng iba?
"We don't need your money. Now if you don't want to, its fine. Miguel ipakulong niyo na 'yan." Isa pa pala itong si Lei na may pagka-evil rin.
Magkapatid nga ang mga ito. Kung siya lang, kahit ba ipakulong siya ng mga ito, kaya niyang magbayad ng bail. Pero kung sa reputasyon, siguradong malaking issue iyon kapag may nakaalam ng nangyari sa kanya. Kahihiyan iyon para sa angkan nila lalong-lalo na sa magulang niya. Wala na nga siyang naidulot na maganda sa pamilya noong nasa probinsya. Kahit ba naman ngayong sa maynila na naninirahan, masamang pablisidad pa rin ang maidudulot niya.
She came from a family of politicians. Malapit na ang eleksyon at tatakbo ang Papa niya bilang Congressman. Paniguradong may maghahalungkat ng buhay nila may masabi lang na hindi maganda sa pamilya niya.
Kung bakit ba kasi hindi nakakasabay ang utak niyang mag-isip sa damdamin niya. Hindi man lang naisip ang maaaring kahinatnan ng gagawin pa lang sana niya kanina. Ngayon nagawa na niya at hindi na kayang baguhin pa.
"Okay fine, sige na, Oo na. Pwede na ba akong makaalis?"
"No because you'll start working today. Sumunod ka sa akin," si Lei.
Binitiwan na siya ng mga guwardiya. Unang pumasok sa isip niya na tumakbo na lang papalabas kaso baka mapahamak lang din siya lalo. Kaya mas mabuti na lang rin siguro na sumunod na lang siya kay Lei kung saan man ito patungo. Habang nakasunod siya dito, hindi niya maiwasang mapahanga. Ang gwapo pa rin nitong tingan kahit nakatalikod. Ang lapad ng mga balikat nito. Naaalala rin kaya siya nito? Hindi siya maaaling magkamali, ito talaga ang lalaking nagtali sa kanya sa tulay. Napalitan ng inis ang kilig niya. Ang sarap nitong batukan!
Mabilis na napaiwas sa kanila ang mga crew na nadadaanan. Kunwari ay busy ang mga ito sa ginagawa kahit ba halata namang nakiusyoso sa ginawa niyang eksena kanina.
"This is my office," anito sa pagpasok nila sa isang kwarto. "Please sit down." Nauna na itong maupo at nag-type ng hindi niya alam kung ano sa laptop.
Tahimik lang ito at tahimik lang din siyang nakatingin dito. Muli na namang nagbalik ang paghanga niya sa itsura ni Lei. Hindi pala talaga madaling turuan ang puso. Sinabi niya sa sariling hindi na siya muling iibig sa kahit sino. Na magiging bato na ang puso niya na kahit ang humanga lang sa isang lalaki, hindi na nito kayang gawin. Pero heto siya ngayon, halos na-magnet na ang paningin sa gwapong lalaking gusto siyang pahirapan.
"Are you really serious about this?" Tanong niya dito.
"Do I look like I'm joking?"
"Kung ganoon bakit dito mo 'ko dinala? Hindi ba't dapat dinala mo ko sa kitchen para makapagsimula na sa trabaho?"
"I just want to make sure you can't run away from us Ms. Alonzo."
Nanlaki ang mga mata niya. Sa pagkakaalala niya hindi naman nabanggit ni Norman o niya ang apelyido. Paanong nalaman nito iyon?
"Nagulat ka bang kilala kita? Don't worry, sisiguraduhin kong hindi malalaman ng magulang mo ang ginawa mo at ang pagtatrabaho mo dito unless sumira ka sa kontrata natin."
"K-kontrata?"
May lumabas sa printer. Kinuha nito iyon at nilagay sa harapan niya. Binigyan rin siya nito ng ballpen.
"Sign this."
Seryoso nga talaga itong gawin siyang tagahugas ng pinggan sa loob ng isang buwan.
"Sandali lang. Hindi ba 'to masyadong unfair? Alam kong nasaktan ko ang kapatid mo pero akala ko kasi babae siya ni Norman. It was an honest mistake!"
"Pinggan o kulungan? Choose. That simple."
Gustong maiyak ni Eunice dahil sa mga kamay niyang nangunot na sa sobrang tagal nababad sa tubig. At ang mas nakakaiyak pa, mukhang wala yatang katapusan ang hinuhugasan niyang pinggan. Mukhang hindi nababawasan. Ayon sa kontrata four hours lang naman ang trabaho niya doon pero itinapat naman sa peek hour. Four in the afternoon till eight in the evening. At mayroon din nine in the morning till one in the afternoon. Siya na lang daw mamili. Para namang may magandang option sa mga 'yon.
"Bilisan mo nga ang kilos. Sinasadya mo bang bagalan ang trabaho mo? Nauubusan na ng mga plato. Bilis!"
Kanina pa pabalik-balik sa kanya sa Michelle. Todo talaga ang pagbabantay. Lahat na lang ng kilos niya pinapansin. Nakakaramdam tuloy siya ng pangangati ng mga kamay. Hindi dahil sa sabon kundi sa kagustuhan na masabunutan ulit ito.
"Sorry," maikli niyang sabi. Ano mang galit niya, dapat siyang magtimpi. Hindi na pwedeng mas lumala pa ang kanyang parusa.
Kaya naman nang sa wakas natapos na rin ang oras ng trabaho, maluha-luha talaga siyang lumabas ng kusina. Pakiramdam niya parang nanggaling siya sa kulungan at sa wakas nakalaya na.
"Bes!"
Pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Tumingin siya sa paligid at nakita nga niya roon ang kaibigang si Lyka kasama si Norman.
"Bes! Ayos ka lang ba? Pasensiya na, pinakiusapan ko si Michelle na palampasin na lang ang nangyari pero hindi siya pumayag."
Maging ito ay kilala pala si Michelle. "Kilala mo 'yong Michelle?"
"Oo naman. She's Lei's sister, kapatid ng bestfriend ni Norman. They're both running this business."
"Kung gano'n bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad? Alam mo naman na dito ako nagpunta hindi ba? Hindi mo man lang ako inawat."
"Paano pa kita aawatin? Biglaan ka lang naman nag-text na nandito ka na nga tapos nang tawagan kita hindi mo rin ako hinayaang magsalita. Ni hindi mo nga rin nabanggit na sinusundan mo pala si Norman."
"Alam ko naman kasi na hindi ka papayag sa gagawin ko."
"Dapat lang dahil nakita mo na ang nangyari? Ikaw lang din ang napahamak. Bes, hindi lahat ng lalaki tulad ni Leo."
"Oo na happy na ang lovelife mo, huwag mo nang ipaalala pa ang ka-bitter-ran ng sa akin."
"Kumain ka na ba? Gusto mo bang mag-order tayo bago umalis?"
"Dito pa talaga? Huwag na, nawalan na ako ng gana. Uuwi na ko. Bye Bes," hinalikan niya sa pisngi ang kaibigan. Gusto na rin niyang magpahinga na. Hindi rin pala madaling trabaho ang paghuhugas ng pinggan.
"Sandali," si Norman. "Pwede ba tayong mag-usap? Wait lang Hon."
Bago pa man siya makapagsalita, hinila na siya ni Norman palabas ng restaurant. Iniwan nga nila sa loob ang bestfriend niya.
"Eunice sana huwag mong maikwento kay Lyka ang dahilan kung bakit ako nandito. You know, about the proposal. I really want to surprise her and make it super especial."
Tama si Lyka, napaka-sweet nga talaga ng boyfriend nito. Siya lang talaga itong ampalaya na gustong hanapan ng problema ang dalawa.
Bahagya siyang napangiti. "Don't worry, I wont. Sorry din kasi hinusgahan kita. Sana maging masaya kayo ni Lyka."
"Thank you. Ikaw din sana maging masaya ka na para hindi ka na ulit biglang magwala at manabunot," natawa ito.
Napangiti na lang rin siya. "Bilisan niyo ang paggawa ng baby at nang maikasal na kami. Tatanggapin mo pa naman siguro akong daughter-in-law."
"Baka nag-menopause ka na kapag nagbinata na ang anak ko."
Hinampas niya ito pero mahina lang naman. "Grabe ka, hindi pa naman ako gaanong matanda. Pag-eighteen niya magpapakasal na kami agad para makabuo."
"Mabuburo ka sa paghihintay. Si Lei na lang, gusto mo? Mabait naman 'yon. Siguradong hindi ka na magiging bitter sa kanya. Seryoso 'yon. Kaya sa pag-ibig, hindi ka ipagpapalit sa iba."
"Mukhang seryoso nga siya. Heto nga at sineryoso ang paggawa sa 'kin bilang dishwasher."
"Ikaw din naman kasi. Maswerte ka nga at 'yan lang ang naging parusa mo. Hindi itinuloy ang pagpapakulong sa 'yo. Sabado pa naman ngayon. Kung natuloy, paniguradong dalawang gabi kang mananatili doon."
"Wow, hindi ko akalaing dapat ko pala talagang ipagpasalamat na naging dishwasher ako sa araw na 'to."
"Hey!" Hindi na ata nakatiis si Lyka at sinundan na silang dalawa. "Ano bang pinag-uusapan niyo at hindi ko pwedeng malaman? Kailan pa kayo naging ganyan ka-close."
"Huwag mong sabihing pagseselosan mo 'ko? Grabe ka bes! Napahamak na nga ako makasiguro lang na karapatdapat sa 'yo itong boyfriend mo."
"Ano ba kasing sekreto meron kayo? I-share niyo na lang. Promise hindi ko ipagkakalat."
"Wala. Sabi kasi niya crush daw ako ni Lei. Kung gagawin kong boyfriend, ipapatigil na ang parusa. Pero sabi ko mas gusto kong maghugas na lang ng pinggan."
"May gano'ng personality pala si Lei?" ani Lyka sa boyfriend.
"Sige na, iiwan ko na kayo't uuwi na 'ko."
"Ihatid ka na lang namin."
"No need. I have my own car. Bye."
Tuluyan na siyang nagtungo kung saan naka-park ang sasakyan. Hindi na rin naman siguro masama ang naging alibi niya. Mukhang pinaniwalaan naman ni Lyka.

BINABASA MO ANG
Just for Love
RomantizmNagmahal. Nasaktan. Nagwala Kung kailan nagseryoso si Eunice sa pag-ibig, saka siya naloko. Kaya naman naging bitter siya. Pati love life ng kaibigan, pinakialaman niya. Pero ang nangyari, may forever pala talaga ang lovelife nito samantalang sa kan...