HE wants to surprise Eunice. Tiniis nga niyang ilang araw itong hindi kausapin. Sa pagkikita nilang muli, gusto niya kasing ang kanta niya ang isalubong dito. Magdadala nga sana siya ng gitara pero sa sobrang kaba, nalimutan niyang dalhin.
At sa pagdating niya sa bahay, magulang nito ang una niyang naabutan. Nagulat pa siya nang sabihin ng mga itong gusto na muna siyang kausapin.
"May problema po ba?"
"Gusto lang namin ipakiusap sa 'yo na sana kahit anong malaman mo sa nakaraan ng anak ko, hindi magbago ang pagtingin mo sa kanya," ang Mama ni Eunice na noo'y mukhang naiiyak na.
"Alam mo na sa politika lahat hinahalungkay. Alam kong hindi perpekto ang pamilya ko, ang mga anak ko kaya sakali mang dumating ang oras na may magpakalat ng ano mang makakasira sa kanila, may mga tao pa rin sa tabi nilang susuporta," ang Papa nito.
"Sa tingin ko'y alam ko na ang tinutukoy ninyong nakaraan ni Eunice. Kaya huwag rin kayong mag-alala, hindi iyon makakaapekto sa kung ano mang nararamdaman ko para sa kanya."
Napahinga ng maluwag ang mama nito. "Salamat naman kung ganoon. Nag-aalala kasi kami sa mga larawang ipinakita sa amin ni Congressman Sandejas. Baka ipakalat niya 'yon at doon mo pa malaman."
"Aaminin ko, mahirap para sa akin bilang ama na pati ang pakikipag-relasyon sa isang may asawa ay nagawa ng anak ko. Kaya naman kahit gusto kong iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko, mahirap sabihin na ayos lang ang nagawa niya. Kaya naman bilib ako sa iyo dahil sa kabila ng katotohanang iyon, nandiyan ka pa rin para sa kanya."
"Kung nagawa mang makipagrelasyon ni Eunice sa isang may asawa, hindi niya iyon ginusto. Nang malaman niya, wala na sila. Infact, sa restaurant ko niya nalaman ang katotohanang iyon nang makita niya doon ang dating kasintahan kasama ang pamilya nito."
"Ibig sabihin ba niloko ng dati niyang karelasyon ang anak ko?"
"Ganoon na nga po."
"Napakawalanghiya naman yata ng lalaking 'yon para saktan ang anak ko!"
"May hawak ho ba kayong larawan ng sinasabi niyong maaring ipalabas ni Congressman Sandejas?"
Kahit kasi alam niya iyon, hindi niya alam kung ano ang itsura ng naging ex ni Eunice.
"Sandali lang," umalis ang mama ni Eunice at nagtungo sa loob ng kwarto. Nang lumabas ito, may dala-dala nang isang envelope. "Heto."
Binuksan niya iyon at tiningnan ang laman. Una niyang nakita ang larawan ng isang babaeng may hawig kay Eunice. Nang makita niya ang sumunod na larawan, saka niya napagtanto na si Amado iyon, ang kuya nito.
Napatingin siya sa mag-asawa. "Alam din ni Congressman Sandejas ang tungkol kay Amado?"
"Alam mo ang tungkol sa kanya?" ang Papa nito.
"Natakot lang siyang gamitin ng mga nakakalaban niyo sa politika ang totoong pagkatao niya. Kahit ba sa tingin ko'y hindi naman dapat. Sana'y maintindihan niyo kung bakit niya nagawang isekreto iyon. Malamang ay natatakot din siya sa inyo."
"Natatakot? Sa akin? Hindi ba't dapat ay mas natakot siya sa paglilihim niya? Masama ba akong ama Luisa para isipin ni Amado na magagalit akong bakla siya?"
"P-papa," napalingon silang lahat. Naroon pala si Amado at nakikinig lang sa kanila. Umiiyak na rin ito. "P-patawarin niyo po ako sa pagsisinungaling ko. Natakot lang po akong hindi niyo ko matanggap."
"Alam mong isa lang ang pinakaaayaw kong mangyari sa inyo. Iyon ay ang makulong kayo. Makukulong ka ba dahil bakla ka?"
Umiling ito.
"Iyon naman pala! Anong ikinakatakot mo? Na malaman ng mga nakakakilala sa akin na may anak akong bakla? Ano bang problema doon? Masama bang madagdagan ng isa pa ang magaganda kong anak?"
"Si papa di naman sinabi, joker pala kayo."
"Anong joker? Talaga namang ang ganda mo. Halika nga dito!"
"Papa!"
Napangiti siya sa nakikita. Nakakatuwang tingnan ang mga ito. Nakiyakap na rin sa mga ito ang ina ni Eunice.
"Akala ko kagabi nagalit kayo sa nalaman niyo kaya iniwan niyo na lang kami ni Eunice."
"Nagalit ako sa paglilihim niyo, hindi sa natuklasan ko Amado."
"Amanda pa."
Nagkatawanan na lang ang mga ito. Samantalang itinuloy na niya ang pagtanaw sa mga larawan. Napakunot ang noo niya nang makita ang lalaking naroon kasama ni Eunice.
"Si Leo ang ex ni Eunice?" Bigla niyang nasabi na nakakuha ng atensyon ng pamilya.
"Akala ko ba'y alam mo na ang tungkol sa lalaking iyan?"
"Alam ko pero hindi ko akalaing siya. Hindi rin kasi nabanggit sa akin ni Eunice ang pangalan niya."
"Kung ganoon bakit alam mong Leo ang pangalan ng ex ng kapatid ko?"
"Because I know him. He's a friend. He's Leopoldo Sandejas, illegitimate son of Congressman Sandejas."
"So that was the way he was talking about back then," aniya.
"What do you mean?"
Sa maynila na sila nagkakilala ni Leo. Nagtatrabaho ito noon sa restaurant ni Chandler at doon na rin niya nakilala. Mabait ito at naging kaibigan na rin niya. Nang malaman nitong sa Zambales siya nanggaling at dahil malapit na rin sila, inamin nito ang relasyon kay Congressman Sandejas.
Noong isang taon lang din ay humingi ito ng tulong sa pagpapagamot ng anak nitong may cancer. Nagkakwentohan sila't nasabi nitong gagawin ang lahat mailigtas lang ang buhay ng anak. Lumapit ito sa ama at may ibinigay na kondisyon bago ito tulungan. Hindi man daw nito gusto ang pinapagawa ng ama, para sa anak ay gagawin nito. At malamang sa tingin niya'y iyon na nga ang pagpapaibig sa anak ng makakalaban nito sa eleksyon na nagkataong si Eunice.
"Umabot pa talaga siya sa ganyan ha? Siya pala itong nakakahiya e! Bakla! Sa takot niya kay papa, kami ang gustong banatan."
"Hindi pa naman ako sigurado pero iyon ang tingin ko. Susubukan kong kausapin si Leo para malaman ang totoo."
"Pero sa ngayon, ang mahalaga siguro'y makausap mo na muna si Eunice. Kailangang malaman niya muna ang duda mo kay Leo. Saka miss na miss ka na rin no'n. Dinamay nga ako sa stress niya. Hindi mo daw kasi tinatawagan."
"May problema ba kayo ng anak ko?"
"Wala po Ma. Gusto ko lang siyang surpresahin. Sige po, kakausapin ko na muna siya. Maari ba 'kong pumasok sa kwarto niya?"
"Oo naman. At kapag nakapag-usap na kayo. Titipunin ko na muna ang iba ko pang mga anak para malaman na rin nilang may bago na silang kapatid."
"Bago? Sino Ma?"
"Ikaw, sino pa ba Amanda."
"The best ka talaga Ma."
Muli na namang nagyakapan ang mga ito. Hindi na lang rin siya nang-isturbo at nagtungo na sa silid ni Eunice....IT'S like all my dreams come true
I am afraid
If I lost you girl
I'd fall through the cracks
And lose me track in this crazy lonely world
Sometimes it's so hard to believe
When the nights can be so long
And faith gave me the strength
And kept me going onNapamulat ang mga mata ni Eunice sa narinig. May naririnig siyang kumakanta. Napabangon siya nang makitang nasa harapan niya si Lei at kumakanta pa. Sinampal-sampal niya ang sarili. Nananaginip lang ba siya? Ganoon na ba kalala ang pag-aasam niyang makita ito?
You are the love of my life
And I'm so glad you found me
You are the love of my life
Baby put your arms around me
I guess this is how it feels
When you finally find something real
My angel in the night
You are my love
The love of my lifeTumigil na ito pagkanta. Sasabihin sana niyang ituloy pa nito iyon. Na huwag na muna siya magising nang hawakan nito ang kamay niya. Naramdaman niya iyon at nanlalamig ang mga kamay nito. Hindi yata siya nananaginip. Totoong nasa harapan na niya si Lei!
"Mukha pa rin ba 'kong hindi seryoso sa 'yo?"
Muntikan na silang tumumba nang yakapin niya ito nang mahigpit. "Nakakainis ka! Bakit hindi mo 'ko tinawagan?"
"Nagpa-miss lang ako. Mukha naman naging epektibo."
"Akala ko pa naman ayaw mo na talaga sa akin! Na mas pipiliin mong huwag na lang akong ligawan kaysa ang kumanta!"
"Bata pa lang ako pangarap na kita. Pakakawalan pa ba naman kita. I love you Eunice. So much."
"Ano bang babae ang gusto mo? Iyong magpapakipot pa o 'yong magiging girlfriend mo na agad? "
"Alin ka ba sa dalawa? Kung sino ka sa mga iyon, 'yon ang gugustuhin ko."
"Aaminin ko pilya ako noong kabataan ko, papalit-palit ng boyfriend. Pero ngayong tumanda-tanda na, madali na lang talaga akong ma-inlove. Ayokong isipin mo na hindi ako seryoso sa nararamdaman ko. Na masyadong mabilis."
"Mabilis? Mabilis pa ba ang ten years? Ang tagal ko na kayang naghihintay. Ano, sasagutin mo na ba 'ko?"
Napangiti siya. "Kumanta ka na muna ulit."
Napabitiw ito sa pagkakayakap sa kanya. "Ulit? Hindi pa ba sapat 'yong kanina? Mahaba-haba na rin 'yon."
"Hindi ko kasi narinig lahat. Tulog ako. Kaya sige na. Kakanta na 'yan! Kakanta na 'yan!"
Huminga ito nang malalim. Namumula na rin ito. "Sige na nga."
Muli nitong kinanta ang Love of my life. Maliban sa napakagwapong mukha, mas nakaka-inlove ang boses nito't titig sa kanya. Hindi lang basta ang tenga niya ang nakakarinig ng kanta nito. Damang-dama rin iyon ng puso niya.
Hindi pa man nakakatapos kumanta si Lei, binigyan niya ito ng surpresang halik sa labi na nakapagpatigil dito.
"I love you," aniya.
"Can you say it again?"
Napangiti siya. "I love you. I love you. I love you. I love you. Ilang ulit pa?"
Ito naman ang biglang humalik sa kanya nang mas matagal. Naitulak na nga lang niya ito nang maalalang hindi pa nga pala siya nakakapag-toothbrush. "Mamaya na natin ituloy. Magto-toothbrush muna 'ko."
Napangiti ito. "Bilisan mo na at nang maituloy na natin."
"Pilyo ka rin ha."
"Sandali, kailangan pala nating bumaba na muna."
"Bakit naman?"
"Basta," hinila na siya nito.
Sa pagmamadali ni Lei, ilang hakbang na lang sana at nasa baba na sila nang mahulog ito. Muntik na nga siyang masama kung hindi lang siya nito nabitawan agad.
"Ayos ka lang?" Tanong niya dito.
"See how I fell for you?" Anito sabay kindat.
"Tse! Hindi ka sa akin nahulog, sa hagdan," aniya pero sa totoo lang, kinilig siya sa sinabi nito. Kahit ba baka nasabi lang nito iyon para hindi mapahiya. "Bakit ba kasi nagmamadali kang bumaba?"
Dinala siya nito sa sala at doon niya nadatnan ang papa at mama niya at lahat ng mga kapatid. Hindi nag-aaway ang mga ito. Nagyayakapan pa nga. Sa tingin niya'y mukhang alam na rin ng mga kapatid ang totoo tungkol sa kuya Amado niya at mukhang tanggap na rin ng mga ito.
Mula din naman kasi nang umuwi sila para sa pangangampanya, unti-unti na rin silang nagkakabati-bati ng mga kapatid. Ayon na rin sa ate Ate Mariz nila, matatanda na sila't hindi na dapat nagkikimkim pa ng galit.
"Pwede ba 'kong makisali sa group hug niyo?" Aniya.
"Halika sis, dito ka sa gitna. Group hug kayo. Sasamahan ko lang si Lei at baka malungkot siyang walang ka-hug."
"Amado," ang papa nila.
"Joke lang pa."
Nagkatawanan na lang sila.NANG araw din iyon, tinawagan ni Lei si Leo para alamin ang totoo. Inamin nga nito na ang ama ang may utos na paibigin si Eunice. Dapat nga'y hanggang sa pangangampanya para doon isisiwalat ni Congressman Sandejas na nakikipag-relasyon si Eunice sa may asawa. Nakonsensiya na daw ito kaya umatras na.
Nang ipaalam niya iyon kay Eunice, agad itong napaiyak.
"Ang sakit pala talaga sa pakiramdam ang mapaglaruan. Siguro naman sapat na rin 'yong parusa para sa lahat ng pagkakamali ko noon."
"Ang mahalaga'y hindi natuloy ang masamang plano ni Congressman Sandejas. Hindi ko akalaing kakayanin niyang umabot sa ganoon masira lang ang pamilya niyo."
"Hindi ka naman siguro anak rin sa labas ni Congressman Sandejas 'di ba? Wala ka rin naman sigurong asawa."
"I was single and available yesterday but now, I'm already taken. I'm all yours Eunice."
BINABASA MO ANG
Just for Love
RomanceNagmahal. Nasaktan. Nagwala Kung kailan nagseryoso si Eunice sa pag-ibig, saka siya naloko. Kaya naman naging bitter siya. Pati love life ng kaibigan, pinakialaman niya. Pero ang nangyari, may forever pala talaga ang lovelife nito samantalang sa kan...