#totohanin

151 4 0
                                    

"HINDI pa 'ko tapos magluto. Si Lei na ba ang dumating? Tingnan mo nga," ang Mama niya. Nasa kusina pa ito at busy sa pagluluto.
Napatingin siya sa orasan. Alas diyes pa lang ng umaga. Masyado pang maaga para dumating si Lei. Hindi niya rin alam kung anong oras ang dating nito. Wala naman kasi siyang number nito. Mas mukhang magka-textmate pa nga yata ito at ang Mama niya.
Imposible rin na ang kuya niya ang dumating. Nagpaalam kasi itong hindi makakarating dahil may importante itong aasikasuhin para sa business nito. Ang totoo nagpunta talaga ng paris ang kuya niya. Mayroon kasi itong napakayamang client na gustong magpagawa ng wedding gown dito. Ang alam niya noong araw ng pagdating ng magulang nila dapat ang alis nito pero na-move dahil nga sa parents nila.
Kaya kung may kumakatok man sa pinto, dalawang tao lang ang taong pwedeng nasa labas no'n. Si Lyka o si Lei. Kaso wala namang sinabi si Lyka na magpupunta ito kaya malamang si Lei. At hindi nga siya nagkamali.
May dalang basket ng prutas si Lei.
"Bakit ang aga mo?" Mahina niyang tanong dito. "Ganito ka bang oras mag-lunch sa inyo?"
"Hindi ba pwedeng maging masaya ka na lang at nandito na ang pogi mong boyfriend?" Para itong isang music director na nagkumpas ng kamay. Iyon nga lang para paalisin na siya sa may pinto.
Napasunod naman siya't pumasok na ito.
"Good morning Mr. Alonzo," pagbati nito sa Papa niya.
"Papa na lang. Masyado kang pormal," ang Papa niya. Nagyakapan ang mga ito.
At lumabas pa talaga ng kusina ang Mama niya para sadyain lang ang pagyakap dito. "Pasensiya ka na pala, amoy ulam ako."
"Mga prutas po, pangpa-healthy."
"Naku, nag-abala ka pa."
Wow lang, nakakainggit ang closeness ng mga ito. Parang siya pa itong dumalaw sa bahay ng pamilya ng kanyang boyfriend.
"Anong pang itinatayo mo diyan Eunice? Asikasuhin mo na muna itong boyfriend mo't masyadong napaaga. Nagluluto pa 'ko."
Hindi pa man siya nakakapagsalita o nakakakilos man lang, naunahan na siya ni Lei.
"Hindi na kailangan Ma. Tutulungan ko na lang kayo."
"Talaga? Marunong kang magluto?"
"Medyo lang po."
"Naku, ang swerte talaga ng anak ko sa iyo. Wala kasing kaalam-alam 'yan sa buhay. Kayanin mo kayang maging asawa ang anak namin?"
Asawa talaga agad? Naalala tuloy niya ang sinabi ni Lei sa harapan ng kaibigan nitong si Chandler. As if naman talaga na aabot sila doon.
"I'll make her my queen so it doesn't really matter if she knows nothing other than loving me. Since in the first place, that's all I ever wanted from her eversince I met her."
"Narinig mo 'yon Eunice? Kaya ikaw huwag mo nang pakakawalan itong boyfriend mo," ang Mama niya.
Kung totohanan lang sana ang mga sinabi nito.
Hindi niya akalaing magaling din palang magluto si Lei. Hindi naman kasi niya ito nakitang nagluto sa restaurant kahit minsan. May ibang chef doon. Kaya nga tulad ng magulang, napabilib rin siya nang matikman ang niluto nitong wala daw pangalan. Ginamit lang kasi nito ang mga ingredients na natira ng Mama niya para makabuo ng isang dish.
At nang matapos kumain, nag-kwentohan pa ang mga ito. May mga itinatanong ang Mama niya tungkol sa kung paano sila nagkakilala. Si Lei naman kung makakwento para talagang totoo. Na kunwari dati pa siya nitong napapansin at sobrang nagagandahan daw ito sa kanya. Na wala raw araw na pinapalagpas nitong hindi siya nakikita hanggang nga sa nagkaroon na ito ng pagkakataong makausap siya. Hindi na nito pinalagpas pa ang pagkakataong iyon at hindi tumigil hanggang sa napasagot na siya. Kaya naman kilig na kilig ang Mama niya sa mga kwento nito. Pero mabuti na lang din at hindi ang pagkikita nila sa tulay ang sinabi nito.
"Sandali," ang Papa niya. "Hindi ko na yata nagugustuhan ang mga nakikita ko. Sino bang magkasintahan dito? Aba'y Luisa, kanina ka pa nakakapit diyan sa braso ni Lei ah."
"Huwag mong sabihing nagseselos ka Romulo? Sa tanda mong 'yan? Natutuwa lang naman ako dito kay Lei."
"Bakit mga kabataan lang ba ang pwedeng magselos? Saka hindi mo ba natatanaw ang itsura ng anak mo? Hindi na mailarawan."
Magkatabi sa sofa na pang-dalawahan ang Mama niya at si Lei. Samantalang nasa isahang sofa sa magkabilang gilid naman sila naroon ng Papa niya.
"Nagseselos ka rin Eunice?" Ang Mama niya. "Kahit gwapo itong si Lei, aba'y hindi ko ipagpapalit sa Papa mo," tumayo ang Mama niya't naupo sa kandungan ng Papa niya. "Kaya pa ba ng mga buto mo?"
"Mas malakas pa 'ko sa kalabaw. Mamaya sa kwarto papatunayan ko sa 'yo," kinindatan pa nito ang asawa.
"Papa!"
"Asus, hindi ka na teenager para umarte ng ganyan," ang Mama niya. "Baka nga inaantay niyo lang kami ng Papa niyong magpunta sa kwarto. Halika na nga sa kwarto," tumayo ang Mama niya't hinila ang asawa patungo sa kwarto ng mga ito.
"Ma! Pa! Hahayaan niyong kami lang dalawa dito?"
Talaga bang magulang niya ang nang-iwan sa kanila? Iyong ibang magulang nga halos magwala may makita lang ka-holding hands ang anak nila. Tapos siya iniwan lang ng mga ito?
"Halika. Tayo na lang dalawa nandito. Huwag ka nang mahiya," ani Lei sa kanya sabay turo sa tabi nito.
"Tumigil ka nga!" Pinandilatan niya ito ng mata. "Mabuti pa umuwi ka na," hinila niya ang kamay ni Lei.
Pero sa halip na si Lei ang mapatayo, siya ang nahila. Napaupo siya sa kandungan nito.
"You planned this?"
"H-ha? Hindi ah!"
Tatayo na sana siya pero mahigpit ang hawak ng kaliwang kamay nito sa may beywang niya. Samantalang hawak pa rin ng kanang kamay nito ang kanang kamay niya.
"B-bitiwan mo nga ako."
"Maganda ka pala talaga kapag ganito na kalapit."
"So kung malayo hindi?"
"Mali pala ang nasabi ko. Mas maganda ka kapag ganito kalapit."
Nagbalik na naman ata ang kapangyarihan nito. Nakaramdam ulit kasi siya ng kuryente sa buong katawan. Dahil nga doon ay nagsitayuan ang balahibo niya.
"T-tumigil ka na nga diyan, hindi mo na kailangang umarte. Nasa kwarto na sina Mama. Bitiwan mo na 'ko."
"What if I wont?"
Hindi pa rin ito nakinig at ayaw pa rin siyang bitiwan. Naamoy na rin niya sa hininga nito ang wine na dala-dala nito kanina na ininom na nila.
"Are you drunk?"
"No."
"Kung gano'n bakit ka nagkakaganyan?"
"Can't I fall inlove with you just because I wanted to and not because I'm drunk?"
"Bitiwan mo na kasi ako't umuwi ka-."
Nanlaki ang mga mata niya nang halikan siya nito. Hindi sa noo, sa pisngi o sa kamay. Biglaan man at sandali lang pero sa labi pa rin siya nito hinalikan! Ilang beses napakurap-kurap ang mga niya habang nakatingin pa rin dito. Nakangiti naman ito habang nakatingin sa kanya bago siya inalalayang tumayo.
"I just wanted to give you a goodbye kiss. Bye."
Wala na ito sa harapan niya pero hindi pa rin siya gumagalaw. Hanggang sa narinig na niyang bumukas at sumara ang pintuan saka lang niya naiangat ang kamay. Dinama niya ang labi.
"Shit. Ang lambot ng labi niya."
Magulo na ang bedsheet niya sa kakagulong sa kama. Maging ang buhok niya magulo na rin.
"Ano bang trip ng lalaking 'yon? Bakit niya ginawa 'yon?" Lalo niyang ginulo ang buhok. "Bakit ko ba kasi ginagawa 'tong pagpapanggap na ito!" Napaupo siya nang may maisip. "Bakit nga rin ba pumayag si Lei na magpanggap kami? Sa aming dalawa, mas wala siyang mapapala sa pagpapanggap namin.
Sa halip na kabahan at matakot, iba ata ang nararamdaman niya. Parang kinikilig pa ata siya? Napailing-iling siya.
"Hindi. Hindi ako pwedeng ma-inlove sa lalaking 'yon. Ang bilis naman ata! Isang buwan pa lang naman kaming nagkakakilala. Saka minsan lang din magkausap kaya imposible!"
Pumasok sa isipan niya si Leo. Nang makilala niya ito bago lang din silang nagkahiwalay ng boyfriend niya. Sa loob lang din ng isang buwan, napaibig na siya dito. Pero syimpre magkaiba pa rin ang sitwasyon nila ni Leo at sa kanila ni Lei. Si Leo kasi nanliligaw nang panahong iyon. Pinapakilig siya. Pero si Lei hindi naman nanligaw. Hindi rin siya pinapakilig pero kusa na siyang kinikilig.
At nitong mga huling araw, hindi na pumapasok sa isip niya si Leo. Dahil rin ba 'yon kay Lei?
"Hindi. Baka naka-move na lang talaga ako. Saka hindi rin ako nagkakagusto sa Lei na 'yon. Pero bakit nga ba hindi? Single rin naman siguro siya hindi ba? Ano nga bang masama kung maging kami?" Naisip niyang sinabi nga pala niyang ayaw na niyang magkaasawa. Dahil ayaw na niyang ma-brokenhearted. "Pwede rin namang magbago ang isip ko hindi ba? Mapipigilan ba ang puso kapag nagmahal na?" Sinampal-sampal niya ang sarili. "Nababaliw na yata ako!"

HABANG nagmamaneho, hindi mapigilang mapangiti ni Lei. Naalala ang kabataan niya. Makailang beses niyang napapanaginipan si Eunice. Gabi-gabi halos ito lang ang laman ng panaginip niya. Ganoon siya kabaliw dito. At sa mga panaginip na iyon, hindi lang niya isang beses na napanaginipang mahalikan ito na ngayon nga, pagkalipas ng sampong taon ay hindi niya akalaing magkakatotoo pa pala. Natatawa siya sa sarili. Hindi niya akalaing ikakasaya pa rin pala niya iyon.
"Dreams do really come true."
Magpapanggap lang dapat sila pero hindi niya mapigilang totohanin. Paano nga kaya kung totohanin nila? In the first place, iyon naman talaga ang balak niya. Iba pa rin pala talaga ang impact ng first love.
Alam niyang nanggaling sa isang relasyon si Eunice na mukhang hindi alam ng magulang nito. Hindi man lang kasi nagtaka ang mag-asawa na siya ang boyfriend ni Eunice. Sa tingin niya ay hindi pa gaanong matagal mula nang magkahiwalay ito at ang huli nitong boyfriend. Nang sundan niya si Eunice nang umalis ito ng restaurant  at nakitang umiiyak dahil sa ex, alam niyang minahal nito iyon. Ganoon pa man gusto niyang umasa na maaring maibaling nito sa kanya ang pagmamahal.
"She may have hurt me before but what can I do? I still like her. Or should I say, I still love her."
Hindi man siya nito minahal noon, siguro naman ngayon may pag-asa na siya dito.

"SUMUNOD kayo sa Zambales ha? Aasahan namin kayo doon," anang Mama niya nang ihatid nila ang mga ito sa Bus station.
"Ayaw niyo ba talagang ihatid ko na lang kayo sa Zambales?" ani Lei.
Nang magkausap ang mga ito sa bahay nila, nangako si Lei na sasama ito sa paghatid sa magulang niya sa Bus station na ginawa nga nito. Maaga pa lang ay nagtungo na ito sa kanila. Ang kotse na rin nito ang ginamit nila papunta doon.
"Huwag na anak, mapapagod ka lang sa biyahe."
"Eunice, ang kuya mo sabihin mo ha? Baka biglang magbago ang isip no'n at hindi magpunta sa Zambales."
"Sasabihan ko siya pagbalik niya Ma."
"Ingat kayo sa pag-uwi," anang Papa niya.
"Sige po. Kayo rin."
Sumakay na sa bus ang magulang niya. Kumakaway siya sa mga ito nang biglang may pumatong sa balikat niya. Ang braso ni Lei. Napatingin siya dito.
Nakangiti ito. "Gusto mo bang kumain na muna?"
Napatango na lang siya.
"Kailan mo gustong pumunta sa Zambales? Huwag mong sasabihin kina Mama ha para masurpresa sila."
Napatingin siya kay Lei habang nagmamaneho. Nakangiti ito at mula nang sumakay sila sa kotse, hindi na ito nawalan ng sasabihin. Naging makwento ito na para bang totoo talaga silang magkasintahan. Nagkikwento ito tungkol sa mga kamag-anak sa Zambales. Na ipapakilala siya nito sa mga iyon sa oras na makarating sila ng probinsiya.
"Kanina ka pa tahimik. Hindi ba interesting ang mga kwento ko?" Tanong nito nang nanatili pa rin siyang tahimik sa kabila ng lahat ng naikwento nito.
"Bakit mo ba ginagawa 'to?"
"Ang alin?"
"Ito. Wala na sina Mama. Tayo na lang dalawa. Hindi na natin kailangang magpanggap."
"Kaya nga."
"Kaya nga ano?"
"That's why I'm showing my real self to you. Gusto kong totohanin ang pagpapanggap natin Eunice. Hindi man bilang magkasintahan agad pero gusto kong mas makilala ka pa. Ang pamilya mo. At ganoon rin ikaw sa akin. I want you to know me better and my family."
Hindi yata siya makapaniwala sa naririnig. "B-bakit?"
"Because I like you. Ikaw ba, ayaw mo ba sa akin?"
Naramdaman niya ang pag-init ng mukha sa tanong nito. Kahit nagmamaneho ay nagawa pa ring mapatingin ni Lei sa kanya at napangiti ito.
"You're blushing. So does it mean, it's a yes?"
"W-wala pa nga akong sinasabi."
"Come on, huwag ka nang mahiya. Kailan pa 'yan? Pagkakaalala ko noong una mo 'kong makita sa tulay at maging sa restaurant, muntikan ka nang matulala nang makita ako."
" Ikaw rin naman ah!"
"Kaya nga. Inamin ko na rin naman sa 'yong gusto kita hindi ba? So ibig sabihin nga ikaw rin?"
"Oo na! Masaya ka na?"
"Definitely," nakangiti nitong sagot. ;And next time, hindi mo na lang ako basta gusto. I'll make you fall in love with me."
"Bilisan mo na nga lang ang pagmamaneho. Gutom lang 'yan."
Natawa ito. "Mukha nga."
Natawa na rin siya.
Kagabi lang mukha pa siyang baliw pero ngayon hindi na pala siya nag-iisa. The feeling is mutual.

Just for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon