" Yang pera na yan lang talaga ang maitutulong namin sa'yo ,Ineng ha? Alam mo rin namang walang wala rin kami."
"Ok na po to, Tiyang. Malaking bagay na ho to para sa pagpapagamot kay Tatay."
Sagot ko.Tiningnan ko ang perang inabot ni Tyang, 150.
So, kailangan ko pa ng 250,000+.
Ngumiti ako kay Tyang at nagpaalam na.Di ako pinanganak na may gintong kutsara sa bibig o may mayayamang kamag-anak. Swerte na sa'min kung makakakain kami ng tatlong beses sa isang araw.
Kaya naiintindihan ko ang mga kamag-anak kung merong walang maibigay na tulong sa'min o kundi katulad nalang ni Tiyang Beth na konting pera lang yung naibigay. Malaking tulong na kaya ang perang 'to. Hays.
Ang tanong, sa'n na ako pupunta ngayon?
Doble kayod na nga ako sa pagtatrabaho pero kulang pa rin talaga yung sweldo ko para sa pagpapagamot kay Tatay. Hays.
Mamamalimos? Kailan ko naman maiipon yung more than 250K sa pamamalimos lang?
Sasayaw nalang kaya ako sa club? O magbigay-aliw sa mga tao'ng halab ang laman? Aish! Di ko kaya! Kahit desperada na ako ngayon, di ko gagawin ang mga yan!
Last night I lay in bed so blue---
🎶Wait! Cellphone ko pala yun!
"Hello? "
"Hey Camille! Si Borgy to! Can we meet? "Si Borgy lang naman ang makulit kong suitor.
Mayaman si Borgy.
Biglang may umilaw sa utak ko.
Oo! Mayaman si Borgy!
Hingang malalim.
"Ok. San ba? "
"Dito sa Cafe malapit sa dating school mo.""Ok."
******
" I told you Camille, let's get married. Matutulungan kita sa pagpapagamot ng tatay mo."
Sino ba naman ako para humindi? Buhay ni tatay ang nakasalalay e.
Kahit di ko mahal si Borgy, umoo ako.(A/N: This is a work of fiction.
The characters, theme, and dialogue are products of the author's imagination.
Any resemblance to actual events or person, living or dead, is entirely coincidental.Do not distribute, transmit, republish or make a soft copies. Do not steal some acts, languages, or expressions. Please obtain permission to the author.
Always bear in mind, PLAGIARISM IS A CRIME!
* This story is under revision. Kaya pasensya na po kayo sa mga typos and grammatical errors.🙏)
![](https://img.wattpad.com/cover/90000711-288-k878020.jpg)
BINABASA MO ANG
A Night With My Husband's Brother
RomanceWarning: This story contains mature scenes and violence. Many typos and grammatical errors. So read at your own risks! P.S. This is my first ever story.