Chapter 20: Blockmail

3.8K 53 13
                                    

Chapter 20: Dinner Date

Aleana's POV

"Aly, magbihis ka ng mga 6:00 PM ah." Huuuh? Anong meron? May lakad ba kami?

"May lakad ba tayo ma?" Pagtatanong ko.

"Anong tayo. ikaw lang. Kayong dalawa ni Carlo." 

Anoooo? Walanghiyaaa! Paano kami nagkaroon ng lakad nun eh di pa nga ako pumapayag eh. Astig yun ah. Bago lang?

"Anoo mama? Sino nanaman may sabi niyan? Pauso ka talaga ma." Tumawa tawa pa ito.

"May nakakatawa?" Waaa! Pilosopo ito. >..<

"Ehh sino may sabi niyan?" Pagtatanong ko ulit.

Totooo ngaaa. Si mama nanaman siguro 'to.

"Akooo!" Sabi na eh. Si Mama nga.

"Anong trip mo ma?" 

"Kailangan ka nyang panagutan ano." 

Anoooo? Hahahaha! Shet! Ang dami ko tawa dito kay Mama.

"Mama? Ano pinagsasabi mo? Kiniss lang nga ako nun. Di pa ako ginagalaw." Tumawa tawa naman ako.

Ewan ko ba kung maasar ako kay mama o matatawa. Parang timang. Para yun lang. Kailangan na akong panagutan. Hahaha! 

"Edii inamin mo ding hinalikan ka. Joke lang. Tumawag siya dito at nagpaalam. Ehh wala ka kasama mo sila Jackie kaya sinabi ko oo." Pakialamera talaga ang mudra ko.

"Taeee ka mama. Papansin." 

Tumakbo ako papasok ng kwarto. 

Mabwebweset siguro yun sakin kasi sinabihan ko ng tae.

The Class Bratinella [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon