111016
Sa biro kung saan nagsimula ang lahat
Kung paano ang sikreto ay naisiwalat
Parang istoryang mababasa sa libro
Pagmamahalang hindi inaasahang mabuoAsaran at biruan dala ay kilig sa ilan
Sa kanilang nakakaalam ng sikretong nabuksan
Natatahimik man paminsan-minsan
Sa puso naman ang tuwa ay di matakpanKapag kausap ka ang mundo ay nawawala
Di alam saan napunta, ikaw lang kasi ang nakikita
Weird man pakinggan, biro man para sa ilan
Hindi ko alam pero ito ang aking nararamdamanMinsan noong sa pagkain ikaw ay nakasabay
May sinasabi kang hindi ko maintindihan
Sa paglakad pauwi, hawak na ang iyong kamay
Ang oras sanay humito ng di na mabitawanSa chat, usapan muling nasundan
Ilang bagay tungkol sayo aking nalaman
Paghanga sayo ay muling nadagdagan
Hiling ko, sanay maging higit pa tayo sa kaibiganMay gusto kang sabihin pero parang may pumipigil
Kaya sa pagpaparinig mo idinaan
Ayoko mag-assume kaya wala ding patutunguhan
Ayoko din naman ako ang gumawa ng unang hakbangBiro man sa umpisa
Sa huli ay naging totohanan na
Hindi alam paano pipigilin
Sabihin mo na kasing akoy mahal mo dinHindi mo na kailangan pang itago
Pag tinanong mo ko syempre sagot ko ay "oo"
Pero wag lang sana dugtungan ng "biro lang"
dahil baka masagot lang din kita ng "naniwala ka naman"
BINABASA MO ANG
Mukhang POET
PoetryHinugot sa pusong durog Inisip ng utak na makitid Sinulat ng bitter na ballpen