Mahal mo o mahal ka?

3 0 0
                                    

Kung ikaw ang papipiliin?
Sino ang yong iibigin?
Mahal mo o mahal ka?
Alin ang susundin? Puso o utak ba?

Sya, na mahal mo na nagbibigay ng sobrang saya
Na sa tuwing nakikita mo ay para kang nasa alapaap
Ang taong nais mong makasama sa pagtanda
Sya, na laman ng puso mo at bawat pangarap

O sya na laging nandyan na handa kang saluhin
Patuloy kang minamahal kahit di mo pansin
Na sa kabila ng lahat, hindi ka kayang iwan
Sya, na umaasang balang araw - magiging kayo rin

Sino ba ang mas matimbang? Mahal mo o mahal ka?
Sya na mahal mo na may mahal na iba
O sya na mahal ka kahit may nagmamahal din sa kanya?

Mukhang POETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon