Ikaw ang paborito kong paksa
Nag iisa sa isip habang tinitipa ang mga letra
Ang nais kong alayan ng gawang tula
Ikaw na gumising sa natutulog kong diwaIkaw ang paborito kong paksa
Ikaw na nagturo kung paano muling magtiwala
Nagbukas ng hawlang matagal nakasara
At nagbigay ng daan para makalayaIkaw ang paborito kong paksa
Ang bukambibig hanggang mag umaga
Ikaw ang sanhi ng ngiti at tawa
Ikaw na nagdala ng kakaibang ligaya
BINABASA MO ANG
Mukhang POET
PoésieHinugot sa pusong durog Inisip ng utak na makitid Sinulat ng bitter na ballpen