Kailan kaya

1 0 0
                                    

011516

Pagmamahal may di napakita
Sana kahit papanoy iyong nadama
Mga pagtatampong sana di nalang
Dahil madaming oras ang nasayang

Maaga mang pumanaw
Alaala sa pusoy laging nakadungaw
Di alam kelan uli matatanaw
Alam kong sa pagdating ng araw

Pusong napupuno ng lumbay
Sambit ang salitang "miss na kita tatay"
At ng ikaw ay namatay
Kasama ang puso kong binaon sa hukay

Pilit winawaglit sa isipan
Pero ang alaalay pilit bumabalik
Luha koy di na maibsan
At Sa yakap mo akoy nasasabik

Mukhang POETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon