071717
Naalala kita at kung paano mo ako napapasaya
Naalala kita kaya gusto ko ulit mag-alay ng tula
Naaalala kita at ang mga panahong magkasama tayong dalawa
Inaalala kita at ang mga alaala mo habang nakadungaw sa bintanaMatagal na din mula ng huli tayong nagkita
Matagal na din mula noong bigyan kita ng gawa kong tula
Matagal na din noong inaasar mo ako sa pamamagitan ng kanta
Matagal na panahon na din pala ang lumipas - nagkalimutan na ba?Gusto kong simulan uli sa kung paano tayo nagkakilala
Sa kung paano ang mundo ay biglang tumigil sa pag ikot noong una nating pagkikita
At ang mga paro paro sa tiyan ko ay bigla nalang nagwala
Kasabay ng pamumula ng buo kong pagmumukhaMasarap balikan ang mga araw na nagpalit ang status natin
Hindi sa in a relationship kundi from strangers to friends
Ang mga panahong pinag uusapan natin ang kinabukasan
Hanggang sa nakarating na tayo sa magpakailanmanSabay tayong tumula, kumanta at nangarap
Alam mo ba ang feeling ko noon? Nasa alapaap
Hindi man para sa akin ang sinusulat mong kanta
Kasama mo naman ako sa paggawa kaya okay na 😉Nababasa mo ang mga gawa kong tula
Pero hindi mo alam kung para kanino yun
Pero ngayong malayo na tayo sa isat isa
Gusto kong malaman mo ikaw ang paborito kong paksa 😝Natatawa ako twing naaalala ko ang kulitan natin
Kung paanong kinikilig ako tuwing nagtatama ating ang mata
At kung paano mo iiwas yun sabay ng pag iwas ko
At ang pagkontra mo sa mga sinasabi koNaaalala mo noong ipinakilala mo ang girlfriend mo?
Nakangiti ako nun diba? Pero nasaktan ako
Noong nakita kong magkahawak kamay kayo
Pero okay lang yun - maganda kasi sya. E ako?Nagpakalayo ako para makalimutan kong mahal kita
Pero noong nabalitaan kong break na kayo - ay peta!
Dalawang Taon din yun pero bakit parang ang saya?
Dahil ba umaasa pa ako o dahil ayoko sa kanya?Naaalala mo ba noong umiyak ako sa harap mo?
Pero hindi ako umiyak dahil sayo - assumero!
Nagpasalamat ba ko noon sa tissue?
Kung hindi. Gusto kong sabihin na thankyou.Tinanong mo din ako dati kung sino crush ko
Nahihiya akong sabihin na IKAW kaya tinuro ko si ano
Sabi mo alam mo kung sino - sikreto koy nabisto
Tapos ngingitian mo ko ng para kang nakaloko.Pinagtawanan mo ko nung nainlove ako kay ano
Noong nabroke ako kasi ayoko ng m.u
Andaya mo may forever ka tapos ako zero?
Buti nalang nagbreak kayo - sabi sayo e dapat tayoMasyado ng mahaba ang naisulat ko
Baka maoverwhelm ka naman masyado
Hindi kita papangalanan syempre - ano ka hilo
Isipin mong mabuti at hulaan mo kung para kanino to.
BINABASA MO ANG
Mukhang POET
PoetryHinugot sa pusong durog Inisip ng utak na makitid Sinulat ng bitter na ballpen