Ikaw

3 0 0
                                    

040317

Ikaw na nakilala ko sa hindi inaasahan
Ikaw na nagbigay sa buhay ko ng kabuluhan
Ikaw na nagdala ng kakaibang kasiyahan
Ikaw. Ikaw ang gusto kong makasama sa kinabukasan

Pinahid mo ang mga luha ko sa mata
Binuksan ang pusong minsang isinara
Pinalitan ng ngiti ang lungkot
Dahil sayo nawala lahat ng takot

Sayang hindi maipaliwanag kapag ikay kasama
Tumitigil ang oras at tila nasa alapaap
Hawak ka, lahat kakayanin kahit anong hirap
Wala ng mahihiling pa. Ikaw lang sapat na

Tinuruan mo akong muling humiling sa mga bituin
At ang maniwala na meron ngang happy ending
Nagbigay ng liwanag sa mundo kong madilim
Hanggang sa akoy muling kumislap at magningning

Mukhang POETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon