Mahal kita ngunit paalam na.

2 1 0
                                    

022017

Inaabangan ang paglubog ng araw
Ang langit ay nagkulay dalandan
Sabay nating tinatanaw
Habang Magkahawak kamay sa dalampasigan

Noong akoy tumingin sa yong mga mata
Akoy nagtaka, bakit may luha?
Sa akin ba ay di ka na masaya?
O may mali ba kong nagawa?

Ngiti sa labi ay sumilay man
Hindi maikukubli ang sakit na nararamdaman
Akala ko okay na, pero hindi inaasahan
Ang pagmamahalay mauuwi din pala sa hiwalayan

Malamig ang simoy ng hangin
Sabay sa pagbalot ng dilim
Ay pagkawala mo saking paningin
Gusto man ay di kita pipigilin

Mahal kita ngunit paalam na
Mahal kita pero hindi ko na kaya
Kailangan ko na ring bumitaw
Dahil wala ng ako at ikaw

Masakit pero tanggap ko na
Hanggang dito nalang tayong dalawa
Wala na ang dating saya at kislap ng mata
Dahil laman ng puso moy napalitan na

Mukhang POETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon