013018
Ano ba yan daming pasakalye
Diretsuhin mo nga ko sabeh
Tigil tigilan mo na yang kaaarte
Ako ba gusto mo o hindi?Hindi naman sa nagmamadali
Pero para di na maulit ang magkamali
Katangahan na kasi yun kung sakali
Edi nagsayang na naman tayo ng sandaliBaka lang kaseh katulad ka din nila
Paasa na akala nila nakakatuwa
Alam mo yun kakapal ng mukha
Sarap tusukin ng toothpick sa mataBaka lang kaseh katulad ka din nila
Sasanayin ka tapos biglang mawawala
Mga feeling bula sa sabong panlaba
Sarap kuskusin di na nahiyaBaka lang kaseh katulad ka din nila
Na puro salita kulang naman sa gawa
Madaming sinabi tapos hahayaan kang manghula
Hindi ko naman kamukha si madam auring anuba!Kaya ganito nalang, mister, tegel tegelan!
Kung wala ka naman balak ipagpatuloy yan
Iintindihin ko, kunyari nalang walang nangyare
Ay huwag ka ng mag abala pa, sorehMasisisi mo ba ako kung nagdududa?
Kasi nga diba, parang bigla bigla
Kaya sa intensyon mo talagang naghihinala
Baka lang din kaseh katulad ka din nilaNakakatakot kaya umasa sa wala
Yung akala mo meron na wala pa pala
Kaya habang maaga pa tigilan na
Bahala ka jan basta ako ayoko na
BINABASA MO ANG
Mukhang POET
PoetryHinugot sa pusong durog Inisip ng utak na makitid Sinulat ng bitter na ballpen