030117
Sa lugar kung saan hindi natin inaasahang matatagpuan
Ang mga taong magiging malaking parte ng buhay natin
Mga taong kailanman hindi natin inisip na magiging sandalan
Mga taong hindi natin aakalaing makakasama sa tawanan at iyakanPaano nga ba nagsimula ang lahat? Paano nga ba nabuksan ang blankong aklat?
Aklat kung saan sa bawat pahina isa isa tayong magsusulat
at sa harap, makikita ang pangalan natin bilang mga akdaUnang araw, unang pahina. Wala kang ideya sa magiging takbo ng istorya.
Maganda kaya? Maeenjoy mo ba?
Hanggang saan ang karakter na gagampanan mo?
Makakaabot ka ba hanggang sa dulo?Nagsimula sa wala, unti unting nabuo hanggang naging solido
Mula sa pagiging estranghero hanggang sa naging "hey Bro!"
Mula sa kakilala hanggang naging kapamilya
Mula magkaibigan hanggang naging magka-ibig-anSa bawat araw na dumaraan hindi nawawala ang hugutan
Bawat mali, bawat problema, lahat nalang
Ginagawang biro kahit minsan hindi natin namamalayan
Nakakasakit na pala, masakit na pala. Hanggang sa naabot na ang sukdulan
Ilang araw at minsan umaabot ng buwan ang di pagpapansinanMga araw na ang simpleng biruan nauuwi sa sagutan
Iba ibang paniniwala lahat may pinaglalaban
Mga bungangang ayaw tumigil sa pagsasalita
Hanggang sa ang biro ay nakakabuo na ng luha sa mataNagkatuwaan, nakatawanan, nagkatampuhan, nagkaiyakan, nagkasagutan, nag-away, nagkapatawaran, nagkalimutan -- nagkatuluyan
Lumipas ang mga araw, marami-raming pahina na rin ang nasulatan
May maagang namaalam at tinapos na ang karakter na ginampanan
Pero kahit magkagayunpaman hindi naman sila nalimutan
Dahil sa kwentong pilit binubuo ay minsan din silang anditoMaraming naging pagbabago, maging tayo
Yung dating solid unti unting natunaw
Ang akalang matatag ay unti unting nabuwag
Hanggang sa galit nalang ang nangibabawAng dating mga ngiti, napalitan ng kagustuhang makaganti
Ang dating tawa ay napalitan na ng awa
Wala ng pagmamahal, wala ng pami pamilya
Dahil kinain na tayo ng inggit at kagustuhang masolo ang pagiging akdaMalapit na bang matapos ang istorya?
Sa pagsasara ng aklat, mabubuo kaya uli lahat ng naging akda?
Mawawala ba ang karerang nabuo sa pagitan nila?
At maibabalik ba ang pamilyang puno ng pagmamahal sa isat isa?
BINABASA MO ANG
Mukhang POET
PoetryHinugot sa pusong durog Inisip ng utak na makitid Sinulat ng bitter na ballpen