Ikaw, Ako, Tayo at Sya

8 0 0
                                    

052317

Nagsimula ang lahat ng una kitang makita
Sa pagkakataong sa hinagap di ko inakala
At noong nagtama na ang ating mga mata
Ay bigla nalang ang mga tao sa paligid ay nawala

Dumating ka sa panahong malungkot ako
At ikaw- ikaw ang naging dahilan ng bawat ngiti ko
Ikaw ang naglagay ng panibagong kulay
Hanggang nakalimutan ko na ako pala ay nalulumbay

Sa araw araw na lagi kang kasama
Hindi na nga napigil ang nadarama
Sa isang kisap mata - minahal kita
Minahal kita at hindi ko alam kung bakit ikaw pa

Sa tinagal tagal ng panahon na mag isa ako
Akala ko hindi ko na kailangan ang kahit sino
Pero nag iba ang pananaw ko noong dumating ka
Dahil ang nakagisnan kong mundo ay may igaganda pa pala

Sa sobrang saya nating dalawa natakot ako
Paano kung dumating ang araw na kailangan nating maglayo
Paano kung ang mundong iyong ipinakita ay isa palang ilusyon
At ang lahat ng kulay na dinala mo ay burahin na ng ulan

Pero sa kabila ng pagdadalawang isip nanaig ang damdamin ko
Nangibabaw ang pagmamahal ko sayo at sinunod ang dikta ng puso
Pusong handang masaktan at magkapira piraso
Matikman lang ang saya sa piling mo kahit panandalian pa ito

Sa kailaliman ng gabing bilog na bilog ang buwan
At ang mga bituing di mabilang sa langit ay nagkikislapan
Masaya tayong nagbibiruan hanggan nagkaaminan
Kung saan nagtapos sa ikaw, ako. Sa tayo. Sya at kayo.

Oo. Merong sya. Merong sya sa pagitan nating dalawa
Merong SYA sa buhay mo dahil sa pagpupumilit kong bagay KAYO
Merong KAYO dahil pinakilala kita sa kanya
Merong KAYO na dapat ay TAYO kung naging totoo lang ako

Nakita ko ang kislap sa mga mata mo habang nagkukwento
Kung gaano ka kasaya sa kanya at sa kulay na dala nya sa mundo mo
humarap ka sakin sabay sambit ng "alam mo lang ang nararamdaman ko"
Kung alam ko lang? Kung alam mo lang na Alam ko - alam ko dahil ganun din ako sayo

Kasalanan ko lahat! Ako ang nagsimula ng kayo para hindi mo mahalata
Takot na baka kapag malaman mo ay layuan mo ako
Pero wala din palang pinagkaiba dahil doon din nagtungo
Yun nga lang hindi mo nalaman ang totoong damdamin ko

Mahal kita pero mahal mo sya - wala akong laban
May mga bagay lang talaga na hindi dapat ipagpilitan
Dahil kapag pinilit baka lalo lang makakasakit
Ayokong dumating ang ang panahong papalitan ang DAHIL ng BAKIT

Pero sa kabila ng lahat masaya ako para sa inyo
Masaya ako dahil masaya kayo kahit masakit sa puso
Mangyayari ang nakatakda at hindi pa ngayon ang oras nating dalawa
Malay mo pagdating ng panahon magtapos din ang kwentong ito sa TAYO.

Mukhang POETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon