Bakit

3 0 0
                                    

011317

Bilog na naman ang buwan
Naaalala na naman ang kahapong nagdaan
Kung saan ang galak sa pusoy walang paglagyan
At ang mga araw ay napupuno ng kasiyahan

Sa bintana nakadungaw
Sa isip ay walang iba kundi ikaw
Habang nakatingin sa mga bituin
Mga Alaala ay muling nagbabalik sakin

Kasabay ng pagpatak ng mga luha
Ay ang pagtanggap ng katotohanang wala ka na
At sa pagdilat ng mga mata
Hindi man handa - pero wala na ding magagawa

Kailan kaya kita muling mahahawakan?
Ang ngiti sa mga labi kailan ko muling masisilayan?
Kung kaya ko lang sanang ikaw ay sundan
Bakit ba kasi umalis ka ng wala man lang paalam..

--
Aish 😐😔

Mukhang POETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon