C16: New Friend

3 0 0
                                    

AKI POV

Pagkatapos ng nangyari nung field trip naging close na kami ni mr. Puno este si Luke. Mabait naman pala, pero snob lang talaga sa iba lalo na sa mga babaeng Patay na patay sa kanya. Pogi problems tulad ng mga barkada ko.
Actually hindi ko alam kung bakit ko sya naging friend at kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya to the point na naikwento ko sa kanya yung about kay mama.

"Hoy aki lalim naman ata ng iniisip mo?" Tanong ni kenzie. Nandito kami ngayon sa room walang teacher kaya umupo muna sya sa puwesto ni luke.

"Ah wala ito" hindi ko naman masabi na si luke iniisip ko no. Baka anong isipin niya. Kaya secret nalang. Wala lang din naman yon.

"Ah ganon ba. Saan nga pala kayo pumunta ni luke nung field trip? Bakit hindi kayo nakabalik agad?" Sasagot na dapat ako kaya lang dumating na si luke at pinaalis si kenzie sa puwesto nya. Grabe may pagkabatos talaga ito. Bakit ba ako pumayag makipag kaibigan sa kanya? Tsk!

"Kenzie mamaya ko nalang ikwekwento sayo. Nandito na kase yung asungot kong seatmate" sabay tingin kay luke at grabe nakakatawa yung mukha niya. Hindi ko tuloy mapigilan tumawa ng malakas paano ba naman mukha syang naka drugs ang laki ng eyebags nya at halatang halata na hindi sya nakatulog ng maayos. Pero gwapo padin. Napatigil ako sa pag tawa ng mapansin kong nakatingin lahat sila sakin pati ang mga kaibigan ko. Pero nabalik ang attention ko kay luke ng magsalita sya.

" what's funny ms sungit? " seryoso niyang tanong. And i swear natatawa pa din ako pero kailangan ko ng tumigil dahil anytime sasabog na itong katabi ko na mukhang sabog. Hahaha wait ano daw? Ms sungit? Ang bait ko kaya pag tulog hahaha pasalamat sya wala ako sa mood magtaray dahil sa mukha nya kung hindi lagot talaga sya sakin.

" mukha ka kaseng nag take ng drugs. What happened to your face mr. Puno? " pang aasar ko sakanya. akala niya ba sya lang may alam ng pa ms. Sungit?

" what's wrong to my face? I'm still handsome" aba mayabang din to ah. Ang lakas ng hangin buti d ako nilipad tsk!. At wait napatingin ako sa mga classmate ko at still nakatingin parin pala sila sa amin ni luke and I think kanina pa sila nakikinig. Problema nila? Ngayon lang ba sila nakakita ng MAGANDA AT GWAPONG nag uusap? Capslock para intense haha

"Don't you know staring is rude?" Sabi ko with matching taas kilay at para silang mga ewan na nagsibalikan sa mga ginagawa nila. Si chloe naman mukhang galit na galit. Why? Well I don't care . At ang expression ng mga kaibigan ko mukhang d makapaniwala. Explain ko nalang mamaya sakanila. Napaka seryoso naman ni zayn. Bakit kaya?

Third Person

Gulat at hindi makapaniwala ang expression sa mga mukha ng mga classmates at lalo na sa mga kaibigan ni aki at luke habang nakikinig sa kanilang pag-uusap. Hindi kasi nakikipag usap si luke sa mga babae dito sa school si chloe at lucy lang ang mga nakakausap nito at take note napakadalang lang. At kapag nag-uusap sila maikli lang sumagot si luke at tila walang gana. Pero sa pakikipag usap niya kay aki halata sa pananalita niya na masaya sya.

Kaya naman galit na galit si chloe habang nakatingin sa dalawa. Gusto niya ng sumugod at sabunutan si aki. Pinipigilan lamang sya nina bryan at lucy na lumapit kina luke dahil alam nila na oras na gawin nya yon mapapahiya nanaman siya. Ilan beses naba siyang napahiya simula ng magtransfer si aki? Uhmm? Dko na mabilang

" calm down chloe. Hindi ka dapat padalos dalos. Pag isipan mo dapat ng mabuti kung paano ka makakaganti kay aki " napag isip isip naman ni chloe na tama ang kaibigan niya wag dapat padalos dalos. Kailangan niyang mag plano...

"Humanda ka aki. Pagsisisihan mo na ginalit mo ang isang chloe lopez"

(A/N : sorry for late and short update)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DARK PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon